********
PORTAL 29
********
Mayroon raw last booksigning itong si Anna, ngayon araw sa National Bookstore sa may North Edsa, tamang-tama medyo malapit lang kami doon, isang sakay lang e north edsa na. last? Ibig sabihin e mag-reretiro na siya sa pagsusulat? Sabi raw sa isang article ay magfofocus na lang raw siya sa pag-aalaga ng mga anak niya. So may pamilya na rin si Anna? Dali-dali kaming nakarating sa mall at patakbo kaming pumunta sa National Bookstore, ang daming nakapila, sinabi namin na bibili kami ng mga gamit sa bookstore kaya nakasingit kami, pero mukhang mahihirapan kaming makapasok sa loob mismo ng booksigning event. Nakaisip si Ivory ng ibang paraan. Bibili raw sila ng libro ni Anna, pero palitan niya ng numero at gagamitan ng powers nito para mamanipula ang numero, at nagawa naman niya ito. Kaming dalawa ni Ivy ang umakyat sa entablado noong tinawag na ang numero namin. Nakita namin ang pagtataka sa mga mata ni Anna.
Tumanda na nga siya, pero nandoon parin ang kakulitan niya, nagbiro pa siya sa harapan ng mga readers niya na narito na raw ang mga avid fans niya, kung alam lang nila ang nakaraan naming tatlo. Bumulong pa si Ivy kay Anna.
"Kailangan ka namin, sa ayaw at gusto mo." Ayan na nga ba ang siansabi ko e, mukhang dadaanin ni Ivy sa dahas itong si Anna mapapayag lang e.
"Matagal ko nang tinalikuran ang..."
"Please kailangan ka namin ngayon," sabi ko sa kanya. Tumingin ang organizer sa amin, na tila na tatagalan sa pag-pipirma sa librong binili naming dalawa sa kanya.
"Oo na!" saka siya umarte na masakit ang ulo at nahilo, kaya kailangang ipost-pone ang booksigning. Dinala sa isang ospital si Anna at maging do'n ay sinundan namin siya. Pagpasok namin sa loob ng kwarto nito ay nakahiga siya.
"Kayo ang magbabayad ng bills ko dito sa ospital, now tell me paano ako makakatulong sa letseng problema niyo? at tsaka sino siya?" sabay tingin kay Shane.
"She's my daughter."
"Ang weird. Never mind, ang sarap ngayong gawan ng kwento, parang ayaw ko pa tuloy magretiro sa pagsusulat, may kakaibang plot akong naisip e."
"Anna, we're running out of time."
"Could just relax? Now tell me how can I help?"
"Where is the portal?"
"What?"
"I said nasaan ang portal?"
"Anong portal?" napailing nalang ng ulo nito si Ivy. Kaya ako na ang kumausap kay Anna.
"Yung portal?" sabi ko.
"Fiction lang ang portal. Walang kakaiba sa kwentong iyon,"
"Mayroon. Dahil sa librong iyon ay nadala ako sa ibang dimension, napunta ako sa panahon ng 1985."
"Fuck? For real? Akala ko hindi magkakatotoo," tinakpan pa niya ang bibig niya ng minutong iyon.
"Now tell me, nasaan ang portal?"
"Ubos na. Sold out na ang portal."
"I don't care about the book, I want is the portal."
"Fuck, could you stay calm? I said I don't know. At kahit patayin niyo pa ako ngayon, di ko alam kung nasaan ang lintek na sinasabi niyong bagay na iyon." saka bigla siyang natahimik at bigla nalang lumutang. Umilaw ang mga mata at may mga imahe na lumabas dito.
Sa imaheng ito ay may magaganap na paglalaban at may magaganap na kaguluhan. Bumagsak ang katawan ni Anna sa higaan niya, kaagad na lumapit si Shane upang tignan kung okay lang siya. Sinabi ni Ivy na okay lang siya.
"Walang ibang choice kundi gawin ang bagay na iyon," bulong pa ni Ivy. Ang bagay na iyon? hindi pupwede.
"Hindi!" pag-awat ko pa sa kanya.
"Hindi mo na ulit gagawin ang bagay na iyon,"
"Bakit hindi?"
"Ikamamatay mo iyon, Ivy."
"Patay na ako, Ebong. Patay na ako. At kahit kailan ang patay na hindi na kailan man dapat mabuhay." Niyakap ko siya ng mahigpit.
Hinatid ko si Shane sa bahay nila, galit na galit ang mukha ng Daddy niya nang makita ako. Kaso nang lumabas na sa likuran ko si Ivy ay tumahimik siya.
"Richard!"sabi pa ni Ivy, parang natunaw ang puso ng Daddy ni Shane sa kanyang narinig.
"I-ivory..." lumapit si Ivy sa kanyang asawa. At sinalubong naman ito ni Tito Richard. Umiiyak si Tito habang yakap-yakap si Ivy. Nasa batang anyo man itong si Ivy, pero iba parin ang pakiramdam na muli mong makasama ang dati mong mahal.
"Anong ginagawa mo dito?" ito kaagad ang tinanong ni Tito sa kanya.
"May mga bagay lang na dapat akong ayusin."
"Iiwan mo naman pala kaagad ako."
"Richard, patawarin mo ako. Patawarin mo ako kung ganito ang nangyari sa pamilya natin, maniwala ka. Sinubukan kong mahalin ka, at kahit papaano ay natutunan naman kitang mahalin, pero ayaw kong magsinungaling sa sarili ko. Magpahanggang ngayon ay mahal ko parin si Ebong," saka tumingin ito sa akin.
"Pero alam kong hindi ito tama, kasi mahal na ngayon ni Ebong anak natin. Kaya parang awa mo na, alisin mo na ang galit diyan sa puso mo," tumingin ng masama si Tito Richard sa akin. niyakap ko ng mahigpit si Shane.
"Sige, para sa iyo mahal ko. At isa pa, wag kang humingi ng patawad kasi ako itong may kasalanan, akala ko makakaya ko. Akala ko kakayanin kong mag-antay na magbago ang isip mo at pag-ibig mo. Akala ko mababago ng pagmamahal ko ang pagmamahal na ibinigay sa iyo ni Ebong, pero hindi pala."
Ito na iyong sinasabi ni Ivy noon na maaaring magulo ang kasalukuyan dahil sa mga desisyong ginawa ko noong nakaraan. Umuwi ako na may mga ngiti sa aking mga labi. Masaya ako na kahit papaano ay buo muli silang pamilya, nasa batang anyo man si Ivy, pero alam ko kung gaano kasaya si Shane nang muli niyang makita't makasama ang kanyang mahal na ina.
Malapit na ako sa bahay namin ng may ilang mga tao ang bigla nalang lumabas galing sa dilim. Hindi ako nagkakamali sa mga kasuotan nila. Sila ang mga Dark Witches.
Kaagad akong tumalikod upang tumakbo palayo sa kanila, pero hindi ko maigalaw ang katawan ko ng minutong iyon. parang may magnet o rugby na nakadikit sa sapatos ko ng minutong iyon. lagot na! Hindi ko namalayan na mabilis silang gumalaw at nasa harapan ko na silang lahat. Maya-maya pa ay wala na akong makita kundi dilim. Nakakatakot na kadiliman ang siyang nakikita ko. Malungkot at higit sa lahat walang buhay na kulay.
BINABASA MO ANG
PORTAL
FantasyPORTAL ang daan patungo sa hinahanap ninyong tunay na pag-ibig. Alrights Reserved 2015 Written By: WackyMervin #Complete#