PORTAL 20

210 21 0
                                    

********

PORTAL 20

********

                “Wag na wag mo nang ulit gagawin yun ah,” sabi ko pa sa kanya.

                “Diba gusto mo nang umuwi? Gumagawa na nga ako ng paraan, pero bakit ganyan ka parin maka-asta?” sagot pa nito sa akin.

                “Kung kamatayan mo naman ang magiging daan para makabalik ako sa mundo ko, e wag nalang. Ayokong mawala ka Ivy,” sagot ko pa sa kanya.

                “Tsk.” Sagot niya lang sa akin, saka ito naglakad palayo sa akin, sinundan ko siya at hinila ang mga kamay niya.

                “Bakit mo ba ako sinusundan?”

                “Kasi kailangan kitang bantayan, baka gumawa ka na naman ng gulo,” sagot ko sa kanya.

                “Ako pa talaga ang gagawa ng gulo ah?” pabalang na sagot nito sa akin umupo siya sa isang bench sa park tumabi ako sa kanya.

                “Sinong nagsabi sa iyo ng pwede kang tumabi sa akin?” tanong nito sa akin.

                “Wala,” sagot ko saka ako ngumiti.

                “Tsk.” Ang maldita talaga ng batang ito.

                “Ivy,” pagtawag ko pa sa pangalan niya na parang bumulong lang sa kanyang tainga.

                “Magkatabi nalang tayo bumubulong ka pa,” ani niya.

                “May gusto sana akong sabihin sa iyo,” bigla nalang tumibok nang mabilis yung puso ko na halos di ko na mapigilan ang kabog nito.

                “At sana wag mo namang gamitin yung kakayahan mo para basahin yung nararamdam ko, kasi wala nang thrill.” Dagdag ko pa.

                “Ano yun?”

                Matagal-tagal ko narin na gustong sabihin ito sa kanya. Matagal-tagal ko narin na gustong iparamdam ito sa kanya. Alam kong bawal, alam kong parang imposible at higit sa lahat alam kong hindi maaari. Dahil sa laki ng agwat ng edad namin. Pero wala naman yan sa edad o sa kung anong pagkakaiba naming dalawa. Kapag mahal mo ang isang tao, mahalin mo ito. At ito na ngayon yung nararamdaman ko sa kanya. Mahal ko na si Ivy, noong oras na ginawa niya yun kanina. Wala akong inisip kundi ang sagipin siya, kahit na alam ko na maaaari akong masaktan sa gagawin kong iyon. Binalewala ko lang iyon, parang otomatikong gumalawa ang katawan ko at kumabog ang puso ko na siyang nagsasabing iligtas ko si Ivy.

                “I-ivy…” humarap siya sa akin, with her usual facial expression.

                “Mahal kita.” Wala siyang reak sa sinabi ko.

                “Uy, narinig mo ba yung sinabi ko? Ang sabi ko, mahal kita!” pag-ulit ko pa sa sinabi ko.

                “Alam mo ba yang sinasabi mo?” tanong niya sa akin sa seryosong tono ng boses niya.

                “Oo naman. Sigurado ako sa nararamdaman ko. Mahal na talaga kita,”

                “Tsk. Pwes ako, hindi kita mahal,” sagot niya sa akin. Parang nabasag ang puso ko sa narinig ko sa kanya.

                “Nagsisinungaling ka!” giit ko pa sa kanya.

                “Mas marunong ka pa sa nararamdaman ko, mahiya ka naman Ebong, ang laki nang agwat ng edad natin. Para na kitang kuya, ano nalang ang sasabihin ng iba?”

                “Tsk. Hindi ikaw yang nagsasalita, kung sino ka man umalis ka na sa katawan ni Ivy,” sabi ko sa kanya.

                “Ako ito Ebong, ako ito at wala nang iba. At isa itong sasabihin ko sa ‘yo sana ay maintindihan mo. Hindi kita mahal, at hindi kita pwedeng mahalin.”

                Wala na sigurong mas sasakit pa sa sinabi niya ngayong gabi. Hindi kita pwedeng mahalin. Bakit? Bakit hindi pu-pwede? Anong meron? Hindi ko maintindihan?

                “Please, di ko maintindihan kung bakit bawal?”

                “Magkaiba ang mundo natin, may mga nag-aantay sa iyo sa mundo mo. Hindi talaga pu-pwede.”

                “Kaya ganun nalang? Kaya ganun mo nalang sabihin na wala kang nararamdaman sa akin? Tang-ina naman Ivy, first time kong manligaw, pero binasted mo na kaagad ako. Tang-ina ang sakit pala Ivy. Ang sakit na mabasted ng taong mahal mo,” giit ko pa sa kanya. Tumayo siya.

                “Bukas gagawin ko ulit yung portal, para makabalik ka na sa mundo mo. Sa panahon mo, hindi ka nararapat sa mundong ito, Ebong marami ang nag-aantay sa iyo sa mundo mo.” Saka siya naglakad palayo sa akin. Ang sakit na parang pinapaalis na niya ako sa buhay niya, sa mundo niya. Habang naglalakad siya palayo sa akin, unti-unti kong nararamdaman na lumalayo narin ang nararamdaman niya sa akin.

                Kinaumagahan.

               

Hindi ako lumabas ng kwarto ko. Sa totoo lang, hindi pa ako natutulog at ang sakit-sakit na ng mga mata ko, ganun din ang puso ko sa kakaisip kung paano ko pa mareresolba ang problemang ito. Narinig ko na umalis na sina, Anna ang kanyang ina sa bahay. At narinig ko rin na nagtatalo silang mag-anak tungkol sa gagawin nga ni Ivy yung bagay na ginawa nito kahapon na siyang maaaring makapahamak sa kanya. Tinakluban ko lang ang aking ulo ng unan upang di ko sila marinig. Patuloy parin ako sa pag-iyak. Para akong tanga. Nakailang katok na si Tita Esme at pumasok na ito sa kwarto ko, ngunit di ko siya sinasagot sa bawat sinasabi niya. Na kailangan ko raw kumain, baka raw ako magkasakit na nakakasama raw sa akin ang ginagawa ko. Di ko siya pinakinggan, nagpatuloy ako na nagbibingi-bingian. Dito naman ako magaling e, ang magtago ng aking nararamdaman.

Hanggang sa sumapit na ulit ang gabi, di parin ako lumabas ng kwarto ko. Nakakaramdam na ako ng gutom at pagkauhaw. Tumayo ako, at nakaramdam ako ng hilo’t kaya natumba ako. Napatingin ako sa salamin. Doon ko nakita ang sarili ko na parang ewan lang. awang-awa na ako sa sarili ko. Ni hindi ko na alam ang gagawin ko. Pakiramdam ko wala na akong pag-asa.

Muli akong tumayo at pilit na naglakad kahit na masakit ang tiyan. Lumabas ako ng kwarto’t dumiretso sa banyo at naligo. Ilang oras at halos isang araw ko rin itong pinag-isipan. Ako na ang lalayo para di na siya mahirapan. Ako na mismo ang lalayo sa kanya. Ayoko kasing makita na siya itong mawawala para sa akin. Naligo ako, at nagbihis. Kumain din ako at kumuha ng mga pagkain sa ref. at ng ilan pang mga damit. Saka ako lumabas ng pintuan, at noong nakalabas na ako ng pintuan. Pinagmasdan ko ang bahay, mamimiss ko ito. Namimiss ko ang lahat ng mga ala-ala ko sa lugar na ito. Pero higit sa lahat, mamimiss ko si Ivy. Ang babaeng una kong minahal. 

PORTALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon