PORTAL 26

176 19 0
                                    

********

PORTAL 26

********

Sinagot na ako ni Shane ng araw na rin na iyon. at simula na nga rin ng araw na iyon ay naging kami nang dalawa. Dinala ko ang tinatago kong lihim tungkol sa relasyon namin ng kanyang Ina, kasi alam kong maguguluhan siya kapag nalaman niya o hindi! Maguguluhan talaga siya, kasi papaanong naging karelasyon ko ang Ina niya gayong halos parehas lang kami ng edad ni Shane,

"Oh? Mukhang may iniisip ka na naman ata ah?" tanong sa akin ni Shane, nasa isang coffee shop kami ng araw na iyon ng sabado at wala kaming pasok. Inaatay naming ang barkada kasi mag-peperya kami. May bukas kasi na peryahan sa kabilang barangay. Pagkalipas ng ilang minuto ay sabay sabay na dumating sina Andrew, kasama ang girlfriend niya. Si Timothy na mag-isa lang, si Hanson na may bago na namang chicks, at mukhang hindi na talaga magbabago ang isang ito. habang si Makoy naman ay wala rin kapartner. Nagbiruan pa sila na magpartner nalang raw sina Andrew at Makoy. Kinutongan tuloy ni Makoy si Hanson sa harapan ng girlfriend nito at saka kami nagtawanan.

Pagdating namin sa peryahan ay kanya-kanya kaming nag-gala sa loob ng peryahan. Alam kong isa ito sa pangarap na gawin ni Ivy ang pumunta sa mga ganitong lugar, kaso dahil nga sa tingin sa kanya sa pamilya ng mga tao ay hindi na niya nagawa-gawa.

"Oh? Ang tahimik mo na naman?" muling tanong sa akin ni Shane.

"May iniisip lang ako." Sagot ko.

"At hindi ako iyong iniisip mo," pinisil ko ang pisngi ni Shane.

"Ikaw naman e, nagseselos ka kaagad. Wag mo na akong pansinin, maglaro nalang tayo ng color game." Saka kami ng laro, marami pa kaming nilaro sa loob at trinay din namin ang sumakay sa mga rides. Nakakakaba ang sumakay ng ferris wheel lalo na't hindi gano'n ka tibay ang sinasakayan namin at kulang sa mga harnest at mga gamit na safety para sa mga pasahero nito. Mabuti nalang at buhay kami ng makababa. Sila Hanson naman at ang kasama niyang bagong chicks ang sumakay, kumaway-kaway pa ang mokong na iyon bago umalis at sigaw ng sigaw na tila akala mo mamamatay na.

"Masisira ang ferris wheel." Napalingon ako sa gilid ko.

"May problema ba?" tanong kaagad sa akin ni Shane. Hindi pu-pwedeng si Shane ang nagsalita. Medyo pamilyar ang tono ng boses ng nagsalita, medyo may pagkamatanda lang ang tono ng boses pero parang narinig ko siya dati. "Pwede na akong mamatay!" ring pa namin sa ibaba ang malakas na sigaw ni Hanson. Nang biglang nagspark ang ferris wheel at nahulog ang isang pares na upuan na kung saan nakaupo ang mga pasahero, mabuti nalang at sa likod nila Hanson ito. umiiyak na sa itaas ang girlfriend ni Hanson.

"Itigil niyo na ang pagpapaandar." Sigaw pa ni Makoy sa operator, pero sinabi nito na nakatigil na raw. Kaya huminto na ang ferris wheel, kaso ang problema ay nasa tuktok sina Hanson at iba pang mga pasahero. Maya-maya pa ay may isa na namang nahulog na upuan.

Isa-isa na kaming pinaalis ng mga staff at nagkagulo na sa loob ng peryahan. Ngunit hindi naming pupwedeng iwan ang kaibigan namin doon. Kailangan may gawin kami. Tinawagan ni Timothy at Andrew ang mga kamag-anak nila gano'n din ang kamag-anak at magulang ni Hanson. Na takot na takot na ng minutong iyon.

"Mahuhulog na sila...." Rinig pa naming sigaw ng isang ginang sa gilid namin. Nang biglang...

"Waaaaaaaaaaah...." Sigaw ng ibang nang mahulog sina Hanson at ng girlfriend niya. Kaso... ang mas kinagulat naming lahat ay ang paglutang nilang dalawa. Doon na ako napatingin sa gilid ko. It was Shane, na pinipigilan ang pagbagsak nila sa lupa. Naka-concentrate si Shane ng minutong iyon, dali-dali naman akong tumakbo upang saluin sina Hanson at ang girlfriend niya sa ibaba kung sakaling mawalan na ng balance si Shane. Kaso may muling nahulog na isa pang upuan at tamang-tamang mahuhulog ito sa ulunan ko. Kaagad kong ipinikit ang mga mata ko. Kung ito na ang tamang panahon ko, matatanggap ko. Pero... bigla nalang akong bumulagta sa isang madamong parte ng peryahan.

At nakita kong safe na nakababa sina Hanson at ang girlfriend niya, samantala nahimatay naman si Shane na binuhat naman kaagad ni Makoy at inilayo sa mga taong walang habas na kuha ng kuha ng litrato't video sa mga nangyari ng hapong iyon.

"Okay ka lang ba anak?" nag-aalalang lumapit sina Mommy at Kuya Christian sa akin sa loob ng kwarto ko sa isang pampublikong hospital. Nakatamo kasi ako ng mga galos at mailing bali sa katawan, pero okay lang naman at mas inaalala ko ngayon ay si Shane. Alam kong pinuputakti na siya ngayon ng mga press dahil sa mga nangyari kanina. Baka nga e trending na siya sa social media network e.

"Si Shane ma?" napailing si Kuya Chrisitian.

"Kuya, Nasaan si Shane?" biglang tumaas ang tono ng boses ko. Pinakalma ako ni Mommy.

"Kalma ka lang, she's fine. Wala na siya sa ospital kasi ang daming press ang biglang pumunta dito. Hindi na raw kasi kayang ma-handle ng hospital iyong dami ng mga tao, tsaka dumagdag pa itong mga tsimosa't tsimosong mga taong ito."

"Ano ba kasi ang nangyari?" tanong sa akin ni Kuya Christian.

Anong nangyari? Ginamit lang naman niya ang kapangyarihan niya upang iligtas kami. Pero ngayon siya naman ang nasa bingit ng kapahamakan.

Kinabukasan ay hindi parin ako pinayagan na pumasok ni Mommy. Nagpaalam na raw siya sa school na tatlong araw raw akong magpapahinga at pumayag naman ang mga teachers at ang school mismo na hindi muna kami pumasok. Pero nagpaalam ako kay Mommy na kailangan kong makausap o makita man lang si Shane. Pumayag si Mommy na kausapin ko si Shane, pero hindi raw ako pupwedeng lumabas ng bahay baka raw kasi mabinat ako. Inabot niya sa akin ang cellphone ko't dinailed ang numero ni Shane, nag-ring ito ng ilang beses, mga tatlo ata saka niya sinagot.

"Mabuti naman at sinagot mo," sabi ko.

"Sino ito?" hindi boses ni Shane ang narinig ko, bagkus isang boses ng galit na lalaki.

"Ah? Kaibigan po ako ni Shane, ako po si Ebony, nandiyan po ba si..." wala na akong narinig na ibang tunog kundi dialed tone. Binaba ng lalaking iyon ang tawag ko. Sunod ko naman na tinawagan ay si Makoy. Mabuti rin at kaagad niyang sinagot ang tawag ko. Tinanong ko siya kung kumusta na si Shane, sinabi nito na dali-daling umuwi ang Daddy ni Shane galing sa America upang alamin ang mga nangyari. Pagdating raw kasi kay Shane kayang gawin lahat ng Daddy niya gano'n ka importante si Shane sa Daddy niya. Kaya siguro gano'n nalang niya ako kausapin kanina kasi baka marami na ang tumatawag sa phone nila malaman lang ang kalagayan ni Shane.

Medyo okay na raw ang pakiramdam ni Shane, pero mukhang makakahinto ng pag-aaral si Shane dahil sa nangyari. Maski siya ay hindi niya inaasahan na may gano'ng kakayahan si Shane. Sa tagal-tagal na nilang magkasama ay ngayon niya lang nalaman na may kapangyarihan pala ang pinsan niyang iyon. napalunok ako ng laway, at parang na-guilty na mas na ko pang malaman ang mga bagay na iyon kaysa sa pinaka-close niyang kamag-anak sa lahat.

Okay na raw siya? Pero I doubt, kung totoo nga talaga iyon. alam kong hindi pa siya okay, mas lalo nang hindi siya magiging okay kasi hihinto na naman siya sa pag-aaral at marahil ay lilipat na naman sila ng tirahan at lalayo na naman. Pero ang hindi ko maintindihan, sino iyong boses na nagsabi sa aking tainga ng may mangyayaring aksidente ng araw na iyon?

Sino siya?

Sino ka ba?

PORTALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon