PORTAL 7

268 28 0
                                    

********

PORTAL 7

********

                Kinaumagahan, nauna akong gumising sa kanila. Ako na iyong nag-saing para sa kanila at naghanda narin ng umagahan. Sanay kasi akong mag-alaga, ganito kasi ang ginagawa ko sa bahay kapag may sakit si Mommy o busy naman ito sa trabaho nito, minsan kasi nakakalimutan na niyang kumain. Nagulat sina Tita Esme at Tito Samuel sa nasaksihan nila ng umagang iyon.

                “Pasensya na po, pinakealam ko po yung kusina niyo.” Nahihiyang sabi ko sa kanila. Lumapit si Tito sa Samuel sa akin at tinapik ang balikat ko nito.

                “Okay lang yun Ebong, nagulat lang kami. Di kasi namin inaasahan na gagawin mo ito sa amin,”

                “Simpleng bagay lang po, e wala naman po akong ibang maitutulong sa inyo kundi ito lang po.” Sabi ko.

                “Hala sige, tawagin mo na si Ivy sa kwarto niya at sabay-sabay na tayong kumain ng inihanda mo sa aming ngayon umaga,” utos pa nito sa akin. Kaagad akong tumakbo paakyat ng hagdan upang puntahan si Ivy sa kwarto nito.

                Nakakailang katok na ako, pero wala paring Ivy na lumalabas sa kwarto nito.

                “Ivy, di ka ba talaga lalabas o babaragin ko na itong pintuan ng kwarto…” napatigil ako noong nasilayan kong nasa gilid ko na pala siya.

                “Ang ingay mo,” padabog niya pang sabi saka dinaanan lang ako nito.

                “Saglit lang,” sabi ko ang bilis niya nasa dinning na kaagad siya.

                Pagkatapos naming kumain, ako ulit itong nagprinsintang maghugas ng pinggan at ng mga hugasan. Habang naghuhugas ako ng mga yun, ay tinanong ko si Ivy.

                “May napupusuan ka na bang lalake?”

                “Sa edad kong ito?” sagot niya sa akin.

                “Oo. Wala naman sa edad ang pag-ibig Ivy,” sabi ko sa kanya.

                “Marami pa akong pangarap Ebong,”

                “Pwede mo naman kasing gawing inspirasyon yung taong iyon, di ko naman sinabe na masisira ang buhay mo kapag nagmahal ka,”

                Pero ang di ko maintindihan, nainis siya sa sinabe ko kaya nagwalkout na naman siya. Pagkatapos kong maghugas ay pinuntahan ko siya sa kwarto niya.

                “Ano bang problema doon sa sinabe ko ah?” di siya tumingin sa akin. Himala?

                “Kasi nga di yun totoo,”

                “Paano mo na sabi?”

                “Bakit ba ang dami mong tanong?” irritable niyang sagot sa akin.

                “Kasi hindi kita maintindihan,”

                “Edi wag mo akong intindihin. Sino bang nagsabing intindihin mo ako?”

                “Oo nga, ewan ko. Di ko alam, ang boring kasi dito sa inyo. Di ako pwedeng lumabas tapos, wala pa akong matinong tao… tao nga ba?” binigyan niya akong masamang tingin.

PORTALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon