PORTAL 4

319 28 0
                                    

********

PORTAL 4

********

               

Nang gabing iyon, hindi pa ako nakatulog agad. Iniisip ko kasi kung ano ang magiging desisyon ng pamilya ni Ivy sa mga susunod na araw. Siguro sa mga oras na ito alam na nila na ako yung taong pinagbibintangan na di umano pumatay sa pamilya ng Monteverde. Di kasi siya isang simple at normal na tao. Pinatay ko umano yung mayor ng kanilang lugar. Napatayo akong bigla sa pagkakahiga ko noong may kumatok.

“Sino yan?” di siya sumagot. Tae! Kinakabahan ako, baka tatay na ni Ivy yun.

“Sino pa nga ba?” mataray niyang sagot sa akin. Tumayo ako at pinagbuksan ko siya ng pintuan.

“Pasok,” yaya ko pa sa kanya. Nakatingin na naman siya sa akin.

“Bakit ba lagi mo akong tinitignan?”

“Bakit ka nakahubad?” tanong nito sa akin. Napatingin ako sa sarili ko. Oo nga nakahubad ako. Ng mga oras na iyon may bitbit siyang paper bag.

“Ang init kasi e,” sagot ko.

“O para sa ‘yo.” Sabay abot nito sa akin.

“Pagkain?” excited kong tanong. Di siya sumagot bagkus sumimangot. Kinuha ko yung paper bag at binuksan ko ito. Doon ko nalaman ang laman nito noong binuksan ko na ito.

“Damit?” sabi ko.

“Salamat ah,” giit ko pa sa kanya. Umupo siya sa tabi ko.

“Di ka ba natatakot sa akin?”tanong ko sa kanya.

“Pangalawang beses mo nang tinanong yan sa akin.”

“Pero pangalawang beses mo parin akong di sinasagot.” Saka ako ngumiti, doon na siya umiwas ng tingin sa akin.

“Pwedeng magtanong?” paghingi ko pa ng permiso sa kanya. Tumango lang siya bilang sagot sa akin. Alam ko sa minutong iyon na nababasa na niya ang iniisip ko, pero gusto ko na sagutin parin niya at malaman parin niya ang tanong ko sa kanya.

“Wag na nga lang,” biglang bawi ko.

“Gusto mong itanong kung saan ko nakuha ang kakayahan kong ito?” huminga siya ng malalim saka niya ako sinagot.

“Sorry, di ko pwedeng sabihin.” Nalungkot naman ako, akala ko sasabihin na niya.

“Okay lang yun. Nga pala, alam mong mamamatay ang pamilya ni Mr. Monteverde di ‘ba? So alam mo rin kung sino ang pumayat sa kanila?” bigla nalang siyang nanginig.

“Hoy. Okay ka lang ba?”tanong ko sa kanya, ngunit di siya sumasagot.

“Hoy… Ivy… anong nangyayari sa ‘yo?” panay ang yugyog ko sa katawan niya ngunit di parin siya sumasagot. Binuhat ko siya at lumabas kami ng kwarto, sa labas ay nagsisigaw ako ng tulong. Doon na lumabas ang ina at ama ni Ivy. Ang nanay niya ay kaagad lumapit sa akin upang kunin si Ivy. Samantala ang tatay naman niya ay kaagad akong sinapak sa mukha.

“Sino ka ah?” dumausdos ako sa sahig ng minutong iyon, ang sakit sa panga ng pagkakasuntok niya sa akin.

“Samuel… tulungan mo muna ako.” Sigaw niya sa kanyang asawa. Lumapit yung tatay ni Ivy sa kanyang asawa at tinulungang buhatin si Ivy sa kwarto. Doon ay may kung anong bagay silang ginawa kay Ivy na di ko Makita. Bigla akong nag-alala sa kanya sa biglaang pagkahimatay niya. Pagkalipas ng halos kalahating oras ay lumabas na ang nanay ni Ivy, kasabay nito ang asawa nitong si Samuel.

“Tito okay na ho ba si Ivy?” pag-aalalang tanong ko. Ang sama ng tingin niya sa kanyang asawa ganun din sa akin.

“Esmeralda, ayusin mo itong gulong ito. Paalis mo yang batang yan kundi…” pinalutang ako ng tatay ni Ivy, at hindi ako makahinga sa ginagawa niya sa akin. Parang may sumasakal sa akin ng minutong iyon.

PORTALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon