PORTAL 2

470 36 2
                                    

********

PORTAL 2

********

           

“Arayyyy…” sigaw ko ng minutong iyon. Sa lakas ng pagkabagsak ko sa di ko alam kung anong bagay o lugar sobrang sakit. Napangiwi pa ako. Tumayo ako kahit na masakit pa ang balakang ko. Nasaan na ba ako? Tanong ko sa sarili ko. Madilim ang lugar, pero madali naman nag-adjust ang mata ko. Nasa isang malaking bahay ako. Oo di ko nagkakamali, pero bakit parang luma yung mga gamit? Naglakad-lakad pa ako sa loob ng bahay na ito hanggang sa dahil ako ng aking paa sa ikalawang palapag. May nakita akong bukas na pintuan, pumunta ako doon at sumilip ako. May nasilayan akong paa. Paa ito ng bata, lumapit pa ako ng husto sa pintuan at doon ako masuka-suka sa nakita ko. Duguan ang bata basag ang bungo at luwa ang mga mata. Sa kaliwa naman nito ay isang pang mas matanda kesa sa kanya, siguro ito yung kuya niya. Kapwa sila nakatali ang mga kamay at basag ang mga bungo. Pumasok pa ako ng husto sa loob, at doon ko naman nakita ang isang lalake na nakabitin ang kanyang katawan sa kisame. Isinabit ang katawan nito sa chandelier ng kwartong iyon. Karumaldumal ang pagpatay sa mag-anak na ito, may narinig akong naglakad. Kumaripas ako ng takbo palabas ng kwartong iyon, nang may makasalubong ako. Isang babae, matandang babae may bitbit itong pagkain at nabagsak niya ito noong Makita niya ako, pupulutin ko pa sana kaso bigla nalang siyang nagsumigaw. Doon na ako natakot at tumakbo palabas ng bahay. May guwardiya akong nakasalubong, tumingin ito sa akin. May hawak siyang mga aso, marahil isa siyang patrol guard sa village na iyon.

Ang sama ng titig sa akin ng mga asong hawak niya. At bakit ganyan siya makatingin sa akin?

“Bakit ganyan lang ang suot mo,” kunot noo ko siyang tinignan.

“Ano ho?” balik kong tanong sa kanya.

“Tignan mo, bakit naka-boxer shorts ka lang?” giit niya pang tanong sa akin. Doon na ako napatingin sa sarili ko. Tae! Oo nakaboxer shorts lang ako. Huling pagkakaalam ko kasi, papatulog na ako tapos bigla nalang akong hinigop ng librong iyon at wala. Nandito na ako ngayon sa harapan ng dalawang aso na parang kanina pa gutom na gutom.

“Aaaaaaaaaaaaaaahhhh…” malakas na sigaw isang babae doon sa loob ng bahay.

“Ano yun?” tanong ng guardiya, saka ito napatingin sa akin. Ewan ko, pero di naman ako guilty pero parang nang minutong iyon kailangan ng kong tumakbo kasi alam ko ang tumatakbo na ngayon sa isip ng guardiya at ng alaga niyang aso.

Doon na gumalaw ang paa ko at mabilis akong tumakbo, tinawag pa ako ng guardiya saka niya pinatakas ang aso nito, nagmadali akong tumakbo…. Takbo lang ng takbo. Liko sa kanan. Liko sa kaliwa, di ko na alam kung saan ako dinala ng paa ko. Panay parin ang habol sa akin ng mga aso. Umakyat ako sa isang puno. Mukhang di na ata ako nakita ng mga aso, doon ay nakahinga ako kahit papaano. Hingal na hingal ako sa pagtakbo na ginawa ko. Wala pang isang oras, ganito na ang nangyari sa akin. Nasaan na nga ba ako? May bahay, umakyat ako sa punong iyon na kung saan ay maaari kang makatawid sa bahay, sinubukan ko kahit na alam kong bawal ito. Para kasing may nagsasabi sa akin pumunta ako sa bahay na iyon.

            May bukas na bintana, doon ako pumasok. Tumingin ako sa loob ng bintana. May tao. Mukhang lagot ako nito kung papasok ako sa loob ng kwartong ito. Di nga ako nahuli ng guardiya kanina, mukhang dito mahuhuli na talaga ako. May napansin akong may nakahiga sa kama, pero muntik-muntikan na akong mahulog noong may biglang nagsalita sa tabi ng bintana. Hinawakan niya ang kamay ko noong muntikan na nga akong mahulog. Inalalayan niya ako papasok sa loob ng kwarto niya.

            Isang batang babae ang nagligtas sa akin.

            “Sorry, at wag kang mag-isip ng kung ano man hindi ako masamang tao. May nangyari lang talaga…” pero mukhang di siya nakikinig sa akin. Nakatingin lang siya sa akin.

PORTALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon