********
PORTAL 24
********
Halos lumuwa ang mga mata ko sa narinig ko kay Shane at sa mga nakikita ko sa ginagawa niya.
"Talaga?" hindi parin ako makapaniwala. Tumango siya bilang tugon nito sa akin.
"Wow!" manghang tugon ko sa kanya.
"Wow!" paulit-ulit na sabi ko doon na niya ibinaba ang mga batong kanyang pinalutang ng minutong iyon.
"Pero, ayaw ko ng ganito Ebong. Ayaw ko magkaroon ng ganitong kakayahan Ebong!" pag-iling pa niya habang sinasabi ang mga iyon. Tinatanggihan niya ang isang kakayahang inibigay lang sa mga iilang mga tao.
"Bakit naman?"
"Dahil ito ang dahilan kung bakit ko napatay ang kapatid ko." Dagdag pa niya. Kiniwento niya ang mga nangyari. Hindi pa niya alam na may ganun siyang kakayahan, sobrang ingay raw ng kapatid niya at siyang nakatoka na mag-bantay nito at sobrang siya nairita noong mga oras iyon sa pag-iingay at pangawa ng kapatid niya. Kaya lumapit siya rito at sinigawan niya ito, na tumigil na nga raw ito. Ngunit di raw talaga ito magtigil sa pagngawa. Noong bubuhatin raw niya sana ang kapatid niya ay bigla raw itong lumutang ng di niya maintindihan. At noong tinaas naman niya ang kamay niya ay mas lalong tumaas ang kapatid niya. Noong ibinaba naman niya ang kamay niya ay bumaba naman raw ng halos sa lapag na yung bata. At patuloy parin sa pag-iyak yung bata at hindi niya maintindihan. Sa pagbukas ng pintuan ay nagulat si Shane at bigla niyang ibinaba ang kamay niya sa pagka-gulat at doon na niya narinig na di na nag-iiyak ang bata. At napalingon siya sa kapatid niya sa lapag ng kwarto niya na hindi na humihinga't wala ng buhay ang kapatid niya. Kitang kita ng dalawang mata ng kanyang ina ang mga nangyari. Kaya sinasabi niya na hindi isang biyaya ang kakayahan niyang ito kundi isang sumpa.
"Baka may tamang oras at panahon na pwede mo siyang magamit, malay natin. Maging isang superhero ka ng piliinas Shane." Tumingin siya sa akin at alam kong di siya natuwa sa sinabi ko.
"Sorry na. nagbibiro lang. o gumagabi na ng husto. Napahaba na ang oras ng pag-uusap natin. Maraming salamat at ak itong pinagkakatiwalaan mo, may iba pa bang nakakaalam ng kakayahan mong ito?"
"Si Daddy lang," tugon niya.
"So ako at ang Daddy mo lang ang may alam nito? Maski si Makoy di alama ng bagay na ito?" balik kong tanong sa kanya.
"Hindi. Madaldal kasi yung si Makoy, kilala mo naman yun."
Kinabukasan. Sabay-sabay kaming pumasok sa loob ng classroom ng mga barkada ko, namiss ko ang lugar na ito. Namiss ko ang panahon na ito. Tama nga si Ivy na dito ako nararapat at nagpapasalamat ako na ibinalik niya ako sa mundo na kung saan talaga ako nararapat.
"Bakit ang lalim ng iniisip mo?" tanong ni Makoy sa akin. Napalingn ako sa kanya. Katabi ko si Makoy sa upuan at kitang kita ko sa mga mata niya na nagtataka siya sa mga kinikilos ko.
"Wala." Sagot ko sa kanya sabay baling ang mga mata ko muli sa harapan. Ilang minuto pa ay dumating na ang guro namin. Mabilis na tumakbo ang oras at lunch break na. kasabay kong kumain si Shane, close na siya sa lahat ng barkada kaya tampulan na kami ng asaran ng buong barkada. Na kung kami na raw bang dalawa ni Shane. Nakakahiya tuloy sa kanya, ni hindi pa nga ako nanliligaw sa kanya e. kasi nahihiya ako.
"Bakit kasi di mo pa ligawan itong si Shane?" tanong ni Tim sa akin napatingin ako kay Makoy na seryoso sa pagkain ng kinakain niyang sandwich ng minutong iyon.
"Umayos nga kayo nakakahiya kay Shane," parang wala lang kay shane ang mga naririnig niya sa bibig ng mga kaibigan ko.
"Shane, pag-paumanhin mo na itong si Tim ah? Baliw kasi yan e, Wag mo akong gayahin sa iyo Tim na kung magpalit ka lang ng mga babae e parang nagpapalit ka lang ng bagong brand ng brief mo." Saka nagtawanan ang barkada ganun din si Shane. Ngunit di ko narinig na nagsalita si Makoy.
"Oh? Seryoso si Makoy ah?" pang-asar pang sabi ni Drew. Doon na tumayo si Makoy at umalis sa pwesto namin. Tatayo sana si Shane ngunit pinigilan ko siya ako na itong tumayo at hinabol si Makoy. Ano bang problema ng mokong na ito?
Dinala ako ng paa ko sa loob ng basketball court. Doon ay nakita kong nagtatakbo at nagshoshoot itong si Makoy. Ngunit di naman napasok ang bola sa basket. Noong patakbog na lumapit sa akin ang bola ay kinuha koi to at drinibol palapit sa kanya. Umiwas ng tingin sa akin si Makoy. Pagkatapos ng ilang dribol ay sinhoot ko ang bola at pumasok naman ito.
"Tsk." Rinig ko sabi niya ng oras na iyon.
"Ano bang problema mo at umalis ka kaagad?"
"Wala." Pagkakuha niya ng bola at pinilit niya ulit ipasok ang bola ngunit di parin ito mapasok pasok.
"Shit!" naiinis na siya. Muli kong kinuha ang bola sa kanya at shinoot ulit ito. At three point shoot.
"Fuck! Bakit parang ang dali-dali mo lang maipasok ang bolang iyon ah?" pasigaw na tanong sa 'kin ni Makoy na may tonong pagkainis.
"Kasi dapat hindi mo hinihigpitan ang hawak sa bola, hindi ka dapat nanggigigil ramdamin mo ang bola sa kaamy mo at itulak mo ito ng buong lakas at may pagtitiwala sa sarili mo na maipapasok mo ito. Ganun dapat Makoy."
"Tsk. Ang dami mong sinabi, bakit mo ba ako sinundan dito?" inis niyang tanong sa akin. Umupo siya sa may bleachers at lumapit naman ako sa kanya't umupo rin sa tabi niya.
"Kasi namimiss ko na ang bestfriend ko." Sagot ko sa kanya.
"Tsk. Ang drama mo talaga kahit kailan." Tugon nito sa akin.
"Ano ba kasing problema ah?"
"Wala... wala naman talaga akong problema e, hindi ko lang kasi maintindihan. Isang araw ka lang nawala e parang nagwala narin silang lahat. Ngunit noong wala ako ng halos limang araw pakiramdam ko e wala naman naghahanap sa akin." Muli na naman niyang ibalik ang ala alang iyon. Noong kinidnap siya, yun kasi ang pakiramdam niya walang nagmamahal sa kanya. Mabuti nalang at kaagad siyang nasaklolokhan ng isang pulis na nagroronda at nakuha silang mga bihag ng mga kidnappers na iyon.
"Ako. Mahal kita pare, nag-aalala din ako sa inyo ng mga araw na iyon. Hinanap ka nga namin diba? Wag ka namang mag-selos. Tang-ina naman nito oh. Magkakaibigan tayo, at nagpapasalamat ako na nag-aalala kayo sa akin. Sorry kungganun ang iniisip mo, tsk. Wag mo na kasing isipin yun."
"Sorry din." Sagot niya, saka ko siya niyakap at may narinig kaming palakpakan sa harapan namin. Tae nasa harapan pala naming ang buong barkada. Kinunan pa kami ng litrato ni Hanson sa cellphone nito. Lumapit si Makoy sa kanya at pilig na kinuha ang phone kay Hanson at itong si Hanson naman ay hinagis ang phone ito kay Drew, saka tumakbo palayo si Drew ngunit hinabol parin ito ni Makoy, noong malapit na ito sa kanya saka naman niya hinagis kay Timothy ang phone at muntik na itong di masalo ni Tim. Hinagis naman kaagad ni Tim ang phone kay Shane. At lumapit si Makoy kay Shane, nagkatitigan ang dalawang magkaibigan.
"Shane, give it to me." Nakangiti pa ng sabi ni Makoy. Ngunit hinagis naman ni Shane ang phone sa akin. At mabuti't nasalo ko ito. Ako na itong nagbura ng kuha ni Hanson.
"Wala na pare," saka sila nagtawanan. Ang sarap ng ganitong pakiramdam. Okay kaming lahat, wala na kaming dapat iniisip, kundi ang mag-aral at mag-saya at i-enjoy ang pagiging bata. Hangga't may panahon pa. hangga't may lakas pa. hangga't magkakasama pa kaming lahat..
BINABASA MO ANG
PORTAL
FantasyPORTAL ang daan patungo sa hinahanap ninyong tunay na pag-ibig. Alrights Reserved 2015 Written By: WackyMervin #Complete#