* * * * * * * *
PORTAL 17
* * * * * * * *
Laguna.
Dito ako dinala nang aking pagnanasa na makabalik na sa aking panahon. Nasa harapan na kami ng isang medyo may kayang bahay. May mga taong nakatingin sa amin ng mga oras na iyon pero di lang namin ito pinansin ni Ivy. Siya itong kumatok imbes na ako. Ang tapang talaga ng batang ito.
Sa pagkatakot niya may isang babae ang lumabas sa pintuan. Marahil ito na si Anna. Hindi kaya?
“Magandang umaga po,” masayang bati ko sa kanya habang nakangiti akong lumapit sa may gate nila. Lumapit ito sa amin maya-maya may sumulpot na batang kasing tangkad lang din ni Ivy. Ngunit di katulad ni Ivy e masayahin ang aura ng batang ito na nakangiti at parang excited na may makitang bisita.
“Ano ho ang maipaglilingkod ko sa inyo?” magalang din na tugon ng babae sa aming dalawa ni Ivy.
“Hindi siya ang hinahanap natin.” Seryoso ngunit mahinang bulong ni Ivy sa akin. Kaagad akong nagtaka. Tama naman ang tinahak naming daan at hindi rin pwedeng magkamali si Ivy dahil kahit kailan di pa siya nagkakamali sa kanyang hinala.
“Ah? Gusto lang po sana naming magtanong kung may kilala ho ba kayong… Anna Katrina Rose R. Neria?” saka itinaas ng bata ang kanyang kamay. Napatingin ako kay Ivy ng minutong iyon.
Hinila ng babae yung anak niya sa likuran nito at itinago.
“Bakit ho?” ang kaninang maaliwalas na mukha ng babae ay napalitan ng pagtataka sa kanyang mga mata. Ginamitan na ni Ivy nang kanyang kapanghariyan at pwersahang kinuha ang bata at inilagay ito sa kanyang tabi.
“Ivy.” Pag-pigil ko pa sa kanya.
“Para matapos na ang lahat…” singhal pa niya sa akin. Ngayon ko lang nakita si Ivy na ganito galit, ang kanyang mapupungay na mga mata ay napalitan ng seryoso at parang puro pait ang aking nakikita. Hinawakan ko ang kamay niya at hinila sa kanya ang bata, muling bumalik ang bata sa piling nang kanyang ina.
“Pumasok ho tayo sa loob at doon ho natin pag-usapan ang lahat…” batid ko sa nagtatakang babae. Pumayag naman siya. Mabuti nalang at walang nakakita sa ginawang iyon ni Ivy. Sumunod naman si Ivy sa aking likuran.
Sa sala hinainan kami ng ina ni Anna na si Florinda ng inumin at makakain. Tahimik lang si Ivy ng minutong iyon nanakikipagtitigan sa batang si Anna. Nakakatawa magkasing-edad lang sila pero kung umasta talaga itong si Ivy e akala mo matanda na.
“Bakit ang sama mo makatingin? May nagawa ba akong mali sa iyo?” pagtatakang tanong ng bata.
“Ah e.. wala kang nagawang masama sa kanya…” Pagkaway pa ng kamay ko at di pag-sang-ayon sa sinabi nito.
“Talagang di mo natatandaan no? May nagawa ka. May nagawa kang kasalanan sa akin, di lang sa akin kundi sa buong angkan ko!” giit pa ni Ivy. Kitang kita ko sa mga mata niya ang galit at poot. Di ko siya maintindihan kung bakit ganito nalang yung galit niya kay Anna.
“Natatakot na ang anak ko sa inyo. Ano ba kasi talaga ang kailangan niyo?” pinalutang ni Ivy si Anna at maya-maya bigla nalang itong nawala.
“Saan mo dinala ang anak ko?” takot na takot na tanong ng kanyang ina kay Ivy.
“Wag kang mag-alala nasa kwarto niya lang ito. Pinatulog ko para di niya Makita ang mga ipapakita ko.” Paliwanag pa ni Ivy, ngunit di nakumbinsi ang ina ni Anna kaya dali-dali itong tumayo at umakyat sa kwarto upang tingnan kung tama ng ang sinasabi nito. At maya-maya ay muli itong bumalik at doon ay nakumbinsi na siya na tama nga ang sinabi nito.
BINABASA MO ANG
PORTAL
FantasyPORTAL ang daan patungo sa hinahanap ninyong tunay na pag-ibig. Alrights Reserved 2015 Written By: WackyMervin #Complete#