********
PORTAL 14
********
NASA harapan narin kami ng dating bahay raw ng pamilya ni Mama. Ang mga Juanico. “Sinong kailangan nila?” tanong ng isang babaeng kasing tangkad lang din ni Ivy. Ningitian ko siya, at lumapit ako sa kanya. “Dito ba nakatira si…” pero kaagad akong hinila ni Ivy at siya itong nakipag-usap sa babaeng iyon.
“May project kasi kami, tungkol sa produkto niyong tissue.”
“Ah?” eto lang ang sinagot sa amin ng bata.
“Ang tanong ko, kung sino ang kailangan nila.” Giit pa ng bata sa amin.
“Si Kristel Marie Juanico,” biglang sagot ko.
“Ako yun e,” taas pa niyang kilay sa amin.
“Ang dami niyong sinasabe, ako lang pala ang kailangan niyo.” Nagcross-arm ito sa harapan naming dalawa. Napatingin ako kay Ivy ng minutong iyon, parehong-pareho talaga sila ni Mommy, ganito pala ang ugali ni Mommy noong bata pa ito.
“Ano?” inaantay niyang sumagot kaming dalawa.
“Kristel…” biglang may sumigaw ng pangalan niya.
“Mamaya na ah, mamaya niyo na ako interviewhin kasi nagwawala na naman yung Mommy ko.” Saka iniwan niya kami sa harapan ng bahay nila at pumasok ito sa loob ng bahay. Napatingin ako kay Ivy, at mukhang nababasa naman niya ang iniisip ko.
“Hindi pwede,” pagbabawal pa niya sa akin.
“Sige na kailangan kong mahanap yung sing-sing.” Narinig kong sumigaw na si Mommy, este si Kristel pala sa loob ng bahay. Napatakbo na ako sa loob at sumilip sa bintana. Doon ay pinapalo siya ng nanay niya, na si Lola ko.
“Anong ginagawa mo?” pagpipigil pa sa akin ni Ivy. Di ko siya pinansin, at lumapit ako sa pintuan. Nagulat ito sa akin, si Lola. Binitawan niya ang hawak niyang walis sa pagpalo sa pwitan ni Kristel.
“Sino ka?” singhal pa sa akin ni Lola, ang ibig kong sabihin ang nanay ni Kristel.
“Lo… Lolita,” inilahad ko ang kamay ko sa kanya. Ngunit di naman niya ito kinuha, bagkus tinignan lang ako nito mula ulo hanggang paa. Dati pa man, mataray na talaga si Lola, takot na takot nga kami sa kanya kapag nasa poder niya kami at nagbabakasyon kami. Ngayon ko lang talaga nasaksihan kung paano siya magalit at magdisiplina sa mga anak niya.
“Sino ka nga?” inaantay niya ang isasagot ko.
BINABASA MO ANG
PORTAL
FantasyPORTAL ang daan patungo sa hinahanap ninyong tunay na pag-ibig. Alrights Reserved 2015 Written By: WackyMervin #Complete#