PORTAL 22

252 23 9
                                    

********

PORTAL 22

********

                Isang malakas na yugyog ang siyang gumising sa akin. Sa muling pagmulat ng aking mga mata ay hindi ako makapaniwala na nasa loob na ulit ako ng kwarto ko. Anong nangyari? Bakit? Bakit ako narito ulit? Napaatras ako sa pagkakatayo ko, sa sobrang takot.

                "Anong ginawa niyo sa akin?" tanong ko sa kanila. Tumingin si Tita Esme kay Tito Samuel, at sabay naman silang tumingin sa gilid ko. Naroon pala si Ivy at nakatayo sa gilid ko.

                "Ikaw? Ikaw! Anong ginawa mo sa akin?" sabay duro ko pa sa kanila. Lumabas sina Tita Esme at Tito Sam sa kwarto ko. Kaming dalawa nalang ni Ivy ang natira sa loob ng kwarto.

                "Umalis na ako dito hindi ba? Alam kong umalis na ako sa bahay na ito, at pumunta ako sa malayong lugar para hanapin daan para makabalik sa panahon ko. Anong nangyari ah? Tititigan mo nalang ba ako?"

                "Ang ingay mo," sagot lang nito sa akin sabay irap nang kanyang mga mata. Kahit papaano ay namiss ko ang irap niyang iyon. Pero ano nga ba talagang nangyari? Ang huling pagkakaalam ko e, muntik-muntikan na akong makain ng mga aswang na iyon.

                "Ipaliwanag mo nga kasi kung bakit ako nandito!" giit ko pa sa kanya.

                "Bakit? Gusto mo bang mangyari yung dapat nangyari sa yo? Gusto mo ba ah? Gusto mo bang mamatay?" napalunok ako ng laway ko ng minutong iyon. Siyempre ayaw kong mamatay. Ayaw ko pang mangyari yun, marami pa akong pangarap. Marami pa akong gustong gawin. Napaka-bata ko para mangyari ang bagay na iyon.

                "Ano bang pinagsasabi mo?"

                "Tsk. Alam mo ang mga nangyari?" tanong ko sa kanya.

                "Nandoon ka nang mga oras na iyon?" tumalikod siya. Tumayo ako at hinawakan ko siya sa braso upang ipaharap sa akin. Noong naka-harap na siya sa akin ay iniwas naman niyang magtama ang aming mga mata.

                "Ano?" inaantay ko ang isasagot niya sa akin.

                "Oo. Ako ang may gawa nun." Di ko maintindihan ang sinasabi niyang siya ang gumawa noon. Nang ano?

                "Huh?"

                "Di ka naman talaga umalis ng bahay e. Ginamitan kita ng spell, pinatulog at sa pagtulog mo ay nanaginip ka. Nalaman ko kasing takot ka sa mga aswang. At yun ang ginamit ko."

                "Di kita maintindihan," kahit anong pilit kong intindihin di gumagana ang utak ko ng oras na iyon.

                "Ginawa ko yun dahil ayaw kong umalis ka rito sa bahay. Ayaw kong mawala ka sa akin. Ayaw kong mawala ka Ebong," sabi nito habang tumutulo ang luha sa kanyang mga mata. Bakit siya umiiyak? Bakit kailangan kong maramdamang maawa sa ginagawa niya? Otomatikong gumalaw ang kamay ko't pinunasan ang luha sa kanyang mga mata. Saka ngumiti.

                "Ngumiti ka na," sabi ko pa sa kanya.

                "Napaka-unfair ko kasi ginawa ko 'yun. At patawarin mo sana ako, Ebong." Giit pa niya. Niyakap ko siya nang mahigpit at pinatahan sa pag-iyak nito nang malakas. 

                "Shhhh. Tama na. wag ka nang umiyak. Naiintindihan na kita!"

                "Pero mali e. Kailangan mo nang bumalik sa mundo mo!" sabi niyang muli.

PORTALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon