PORTAL 8

246 28 0
                                    

********

PORTAL 8

********

                “Anong nangyayari?” tanong ko kay Ivy, pero nakatingin lang ito sa akin. Parang tanga! Ngayon pa niya nakuhang pagtripan ang mukha ko at tignan lang. kailangan ko ngayon ng ekplinasyon niya, pero mukhang wala siyang balak na sabihin sa akin kung anong nangyayari.

                Ganun na nga. Nakikita namin sila, pero sila di nila kami nakikita. Hanggang sa lumabas na sila sa kwartong iyon ni Ivy.

                “Nasaan nga pala ang anak mo?” doon na tinanong ni Julio sina Tito at Tita. Napatingin sila sa kwarto ni Ivy.

                “Ah? Lumabas may binili lang,” sagot pa ni Tita Esme.

                “Sir, negative. Wala po ang hinahanap natin dito.” Sabi pa ng isang pulis kay Julio. Sa dinainaasahan, nasagi ko yung vase sa may side table ng kwarto ni Ivy. Napalingon silang lahat sa kwarto ni Ivy. Bigla nalang huminto ang lahat. Tapos mabilis na lumapit si Tita Esme sa akin at hinila ako at sa pagmulat ng mga mata ko nasa attic na ulit ako.

                “Ano yun?” rinig kong tanong ni Julio. Siguro hinalungkat nila ang kwarto ni Ivy, pero nasaan nga ba si Ivy?

                “Narito,” isang tinig ang narinig ko sa likuran ko. Tae!

                “Tae ka naman e,papatayin mo ba ako sa takot?”

                “Tumahimik ka. Nandiyan pa sila,” sabi nito sa akin. Maya-maya wala na kaming naringi, isang malakas na harurot nalang ng kotse ang siyang narinig namin at nakita ko na tuluyan nang umalis yung mga taong iyon sa bahay ng mga marasigan. Doon na ako nakahinga ng maayos.

                “Ayos ka lang ba?” tanong sa akin ni Ivy.

                “Wow ah? Salamat sa pag-aalala, mukha ba akong ayos? E halos sasabog na yung dibdib ko kanina. Nga pala, papano mo nagawa yung bagay na yun?”

                “Di mo rin naman maiintindihan,”

                “Siguro…”

                “Wag mo nang ituloy,” sabi niya sa akin. Thankful ako na kahit na sinusungitan ako nitong si Ivy, alam ko na gusto parin niya akong tulungan. Na concern siya sa akin, di naman niya gagawin yun kung di siya concern sa akin. Maaari naman niya akong pabayaan, ganun din ang mga magulang niya pero mas pinili nila ang itago ako kesa sa isuplong.

                “Okay,” napasinghap nalang ako, saka biglang pumasok sila Tito at Tita Esme.

                “Kumusta na kayo?” lumapit si Tita Esme kay Ivy at niyakap ito.

                “Salamat po at iniligtas niyo ako.” Tinapik ni Tito Samuel ang balikat ko habang nakangiti ito.

                “Siyempre di ako papayag na gaganunin lang ako nang Julio na iyon.”inis na tono ng boses niya. Sa pakiwari ko, may di sila pinag-kakaunawaan.

                “Si Julio kasi ang dahilan kung bakit natanggal ang Tito Samuel mo sa trabaho niya bilang isang pulis.” Kaya pala, ganun nalang ang inis nitong si Tito Samuel.

*****

                Kinabukasan.

                Same routine parin. Ako na itong naghahanda ng pagkain nila sa umaga, naglilinis ng bahay, at ginagawa ko na rin yung paglalaba kahit na sinabe na ni Tita Esme na siya nalang raw ang gagawa pagkatapos niyang ihatid si Ivy sa paaralan nito.

PORTALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon