PORTAL 18

257 23 2
                                    

********

PORTAL 18

********

“Kumusta ka na?” yan kaagad ang tinanong ko noong dinalaw ko si Ivy sa kwarto nito. Di siya sumagot tiningnan niya lang ako.

“Titi-tigan mo nalang ba ako?”tanong ko ulit sa kanya. Sa pangalawang pagkakataon e tinitigan niya lang ako.

“Alam ko na nababasa mo ang isip at damdamin ko, pero pwede ba wag muna ngayon?” iritableng sabi ko sa kanya.

“Ano ba kasing kailangan mo?” bigla nalang siyang tumalikod at nagbusy-busihan. Hinila ko ang kamay niya at pinaharap koi to sa akin.

“May problema! At yung problemang iyon ay hindi ko alam. Hangga’t di mo sinasabi sa akin na may problema talaga!” giit ko pa sa kanya. Nakatitig muli siya sa akin na parang napapaso ang buong katawan ko sa ginagawa niyang pagtitig sa akin.

“Walang problema. Walang problema kung iisipin mong walang problema.” Makahulugang tugon niya saka pwersahan niyang binitawan ang kamay ko sa pagkakahawak nito.

“Di kasi kita maintindihan e. ang dami mong nililihim sa akin.”

“Bakit ko naman kailangang sabihin sa iyo ang lahat?”

“Kasi kaibigan mo ako. Kasi concern ako sa iyo… kasi…”

“Kasi ano?” inaantay niya ang susunod na sasabihin ko. Pero parang nakain ko yung huling salitang sana ay sasabihin ko.

“Wala. Wala naman kasi talaga? Kung lahat ng mga bagay e bibigyan mo ng dahilan problema mo na yun.” Saka siya humiga sa kama niya at tinakluban ang sarili nito. Bata pa nga rin pala talaga siya. May mga oras na umaarte siyang bata kasi bata talaga siya.

“Pasensya na Prinsesa!” ani ko pa sa kanya.

“Wag na wag mo akong tatawagin prinsesa dahil di ako prinsesa!”

“Tinawag ka nilang prinsesa! Hindi ako bingi Ivy.” Lumabas siya sa taklob nito at galit na itsure nito ang bumungad sa akin. Nakaupo na ako sa tabi niya ng minutong iyon sa kama nito. Hinawakan niya ang kamay ko at tumitig ito sa aking mga mata. Maya-maya ay nakaramdaman ako ng pag-init ng aking buong katawan at naging itim ang lahat ng paligid. Maya-maya may liwanag akong nakita. Napa-gandang lugar. Yung parang lugar sa isang fairytale? Yung lugar na parang mababasa mo lang sa comics at maaari mo lang Makita sa Disney o kaya sa mga international movies gaya ng the hobbit, the lord of the rings, at Harry Potter Series? Ganun kaganda ang nakikita kong lugar sa mga minutong ito. Hanggang ang magagandang lugar na iyon ay biglang napalitang nakadiliman. Kaguluhan at higit sa lahat giyera. Nakita ko na parang unti-unti nang sinasakop ng mga kalaban at masasamang dark witch ang kanina lang na mundo na mapayapa at makulay.

Maya-maya ay bumalik na ako sa realidad. Ipinakita lang ni Ivy sa akin ang siguro ay mundong kanyang kinabibilangan. Ang mundong kanyang dati ay pinagsisilbihan. Ang mundo kanyang mahal.

“Patawarin mo ako. Di ko naman alam na ganun pala kalala ang mga nangyari…” itinapat ni Ivy ang kanyang hintuturo sa aking labi at para bang pinigilan ako nito sa pagsasalita.

“Walang kang kasalanan. Wag na wag kang humingi ng patawad kung wala ka namang kasalanan.” Giit pa niya.

“Meron! Meron akong kasalanan. Di kasi kita naiintindihan, yung ang kasalanan ko.”

“Di ibig sabihin na di mo ako maintindihan e kasalanan na iyon. May mga bagay talaga sa mundo na di natin maintindihan. Gaya na bakit may mga kapangyarihan kami at kayong mga mortal e wala? Gayong parang pare-pareho naman tayong may mga pagkakapareho ng mga katawan. May buhok ka, may buhok ako. May katawan ka, may katawan ako. At higit sa lahat may puso ka, may puso rin naman ako.” Ang lalim talaga niyang tao.

PORTALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon