PORTAL 6

274 26 0
                                    

*******

PORTAL 6

*******

"Anong sabi mo?" Gulat na tanong ko sa kanya. Di ko inaasahan na may paraan pala talaga kung paano ako makakaalis sa panahon nila. Lumapit ako sa kanya at lumuhod. Nagmumukha man akong nag mamakaawa? Okay lang, wala na akong pakielam do'n ang mahalaga ngayun maaalis na ako rito.

"Parang awa mo na sabihin mo, kung anong nalalaman mo." Biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko at bumungad sa aming dalawa ang mga magulang ni Ivy. Tumayo si Ivy saka ito lumapit sa kanyang ina, payakap niya niyakap ang bewang nito. Pinagsusuntok ko na yung kama ko ng minutong iyun, dahil nababasa ko na parang wala naman talagang pag asa kung meron man, sigurado akong di papayagan si Ivy ng kanyang pamilya dahil sa di ko maintindihan na dahilan.

"Wag kang mag alala, Ebong gagawa kami ng paraan para makabalik ka sa panahon mo. Mahirap kasi yung gagawin namin  maaari din kasing mapahamak ang taong gagawa nun. Paliwanag pa ni tita esme sa akin. Muli akong napatingi kay ivy na nakatitig lang sa akin.

Nilisan nila ang kwarto ko na may mga tanung parin sa aking isipan.

*****

Hapunan na noong bumaba ako, niyaya nila akong kumain bg tanghalian pero di ako bumaba wala akong ganang kumain. Wala na talaga akong gana. Pero si tito samuel na ang lumapit sa akin noong hapunan, para pilitin akong kumain. Doon na ako bumaba.

Tahimik parin sila gaya ng lagi nilang ginagawa. Di katulad sa amin na ang ingay ingay kahit tatatlo lang naman kami sa bahay. Habang kumakain, ay nagkukuwentuhan kami tungkol sa mga nangyari nitong. Maghapun  tapos magtatawana  at mag aasaran. Sila, masyadong silang seryoso sa pagkain.

"Pagpasensyahan mo na kung ganito kami, ganito ang buhay namin. Payak, wala naman kasi kaming pinoproblema. Kahit na tinanggal na ng mga monteverde itong tito samuel mo sa trabaho nito bilang pulis sa di malamang dahilan. May business naman kami kaya parin naming nabuhay ng matiwasay," pagkukwento pa ni tita esme sa akin.

"Ebong, wag kang mag alala makakabalik ka rin sa panahon mo." sabi naman ni tito samuel.

"Pwede ho ba akong magtanong?" Kahit na alam kong alam na nila yung itatanong ko dahil sa nababasa nga nila yung iniisip ko, ay gusto ko paring itanong ito.

"Mga ano ho ba kayo?" Lakas loob kong tanung sa kanila. Tumingin si tita esme kay tito samuel. Na para bang sinasabi ng nga titig nito na, oras  a para sabihin natin kay Ebong.

Huminga ng malalim si tita esme, at hinawakan naman ni tito samuel ang kamay ng kanyang asawa.

"Mga mangkukulam kami," paglalahad pa nito. Di nako nagulat, gusto ko lang ng kumpirmasyon. May mga ideya nang tumatakbo sa isip ko tungkol rito. Sa mga nakita't nasaksihan ko tama ang hinala ko, mga mangkukulam nga sila.

"Pero di kami masasamang mangkukulam, at di rin namin ginagamit basta basta ang kakayahan namin." Saka ito tumingin kay ivy.

"Dahil ayaw namin na matuntun kami ng mga masasamang mangkukulam at paslangin." Dagdag pa nito. Kitang kita sa kanyang mga mata ang takot sa kanyang sinasabi.

"Bakit naman ho nila gagawin iyun sa inyo?" Tanong ko sa kanila.

"Kagaya mo..." bigla nalang ibinagsak ni ivy ang Hawak hawak nitong kutsara at tinidor saka tumayo.

"Ivy... saan ka pupunta? Di pa tayo tapos kumain," pag aalala pa ni tita esme.

"Nawalan na ako ng ganang kumain." Pagtatampo pa nitong sabi. Sa anong bagay siya nawalan ng gana? Sa akin? Sa mga tanong ko? Di ko talaga maintindihan itong batang ito.

*****

Kumatok ako sa kwarto ni ivy, pinagbuksan naman niya ako ng pintuan umupo ako sa kama niya habang siya busy sa sinusulat niya.

"Anong ginagawa mo?" Tanong ko sa kanya.

"May sinasagot akong tanung sa matematika," sabi pa nito sa akin. Tae! Napalunok ako doon, math na naman? Hanggang dito ba naman di ako nilulubayan ng math? Tae naman oh.

"A-ah eh... baka... matu..."

"Wag na. Alam ko naman na di ka magalinh rito." Ang sama naman niya. Ang sakit nun ah. Parang pinamukha niya sa  akin na mangmang ako.

"Di ko sinabe yan," sagot niya sa akin.

"Akala ko ba di mo na gagamitin, yung kakayahan mo?" Sabi ko sa kanya saka ko siya binato ng unan. Bigla nalang siyang tumayo sa pagkakaupo nito at ayun tinitigan na naman niya ako ng masama. Pinulot niya yung unan at siya naman itong binato sa akin, tumama Ito sa mukha ko. pero bakit ganun parang sobrang bigat naman ng tumama sa akin ang sakit at eto pa ah. Tumilapon na naman ako sa isang sulok ng kwarto niya.

Saka ko siya nakitang ngumiti. Shet ang ganda noong ngumiti siya. Kumikinang lahat ng mga ngipin nito kasabay din ng pagkinang ng mga magaganda niyang mga mata. Noong pakiramdam ko ay nanpansin niya yung nakita ko, ginamitan na naman ako ng kapangyarihan nito, binuhat ako at tinalapun sa labas ng kwarto niya. Napahawak nalang ako sa bewang ko dahil sa sobrang sakit nito.

Pero di parin maalis sa mata ko yung unang ngiti na nakita ko sa kanya.

PORTALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon