PORTAL 1

760 32 6
                                    

********

PORTAL 1

********

 

            Nakatingin lang ako sa kanya, ngumiti ito sa akin. Ningitian ko din siya, saka ito lumapit at hinawakan ang aking pisngi. Ang lamig ng kanyang mga kamay. Ang kanyang titig ay bumabaon hanggang sa aking puso. Pinapabilis nito ang tibok ang aking puso ng minutong iyon. Ramdam ko ang hinto ng mundo ko ng oras na iyon. Ipinikit na niya ang kanyang mga mata, alam kong handa na niyang ibigay ang kanyang unang halik. Nakatitig ako sa kanyang mapulang labi, saka ko naman tinignan ng buo ang kanyang maganda at inosenteng mukha. Ayaw kitang saktan, pero kailangan kong gawin ito. Doon ko na ipinikit ang aking mga mata at dahan-dahan kong inilipit ang mukha ko sa mukha niya, at dinampi ang aking labi sa kanyang labi.

            “Ebony D-Dela Cruz…” rinig kong may sumisigaw ng pangalan ko. Noong imulat ko ang aking mga mata, nasa harapan ko na pala si Mrs. Jimenez, ang lecturer namin ng oras na iyon. Kaagad akong napatayo sa sobrang gulat ko sa kanya. Nagtawanan naman ang mga kaklase ko sa dahil sa ginawa ko. Napakamot ako ng ulo sa sobrang hiya, tumingin ako sa mga kaibigan ko na nasa tabi ko lang nang oras na iyon. Mga adik! Di man lang ako ginising ng mga ito.

            “Baka gusto mong ishare yun napaganipan mo?” sarkastikong sabi ni Mrs. Jimenez sa akin. Di ako makatingin sa mga mata niya kasi pakiramdaman ko gusto na niya akong tirisin ng buhay dahil sa pambabastos ko sa klase niya.

            “Sorry po,” paghingi ko paumanhin sa ginawa ko.

            “Okay, sagutin mo ang tanong sa harapan. Ngayon na!” nakalimutan kong math subject pala namin siya, at sobrang kinamumuhian ko ang math. Di kasi ako magaling dito.

            “Sorry, nakatulog po kasi ako kaya di ko po masasagot ang tanong sa harapan.” Kitang kita ko kung paano bigla nalang namula ang mukha ni Mrs. Jimenez. Tumingin ako sa mga kaibigan ko at bigla silang nag-iwasan ng tingin. Mga tae! Ang duduwag!

            “Kung gusto mo pang mabuhay Mr. Dela Cruz, maaari ka nang lumabas.” Napatingin ako sa hawak niyang bolpen na biglang nabali noong hinawakan niya ito nang mahigpit. Doon na ako nagdesisyon na kunin yung gamit ko at humingi ng paumahin sa kanya at tuluyan nang lumabas ng classroom. Sa labas ng classroom nakasalubong ko si Shane.

            “Oh? Napalabas ka?” napakamot ako nang ulo ko ng minutong iyon. Nakakahiya sa kanya. Nakakahiya talaga sa kanya Ebong!

“A-ah… E-eh…” nauutal na sagot ko.

            “Sige, mauna na ako bye.” Sabay kaway nito sa akin. Maya-maya ay nagsilabasan na ang mga kaklase ko. Kasabay na lumabas ng mga barkada ko si Mrs. Jimenez huminto ito sa harapan ko at tinitigan ako nito ng husto.

            “Gusto ko makausap ang Mommy mo,” sabi pa nito sa akin at bigla nalang nagwalkout. Nagsilapitan na ang mga mokong kong mga kaibigan.

            “Hala lagot ka!” sabay duro pa sa akin ni Tim.

            “Kasi naman, bakit pa sa oras ni Mrs. Jimenez na katulog?” Makoy.

            “Oo nga! Alam mo naman na ang init-init ng dugo niyan sa atin,” sabat naman ni Drew.

            “Ano ba kasing nangyari at bakit parang inaantok ka ng husto?” tanong naman ni Hanson.

            “Ang dami ninyong mga tanong,” inis kong sagot sa kanila saka ko hinawi ang sarili ko upang lumabas sa pabilog na palibot nila sa akin.

PORTALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon