PORTAL 27

179 19 0
                                    

********

PORTAL 27

********

Buong gabi kong inisip kung papaano ako makakapunta sa bahay nila Shane, gayong maraming nakabantay sa kanila. Kailangan ko nang sabihin sa kanya ang totoo, hindi pupwedeng ganito. Marahil oras na ngayon para malaman niya ang totoo. Dali-dali akong tumayo sa hinihigaan ko't inayos ang sarili ko. Umuulan ng oras na iyon, kailangan kong magdala ng payong papunta sa kanila. So kinuha ko ang payong sa likod ng pintuan ng bahay. Hindi dapat malaman nila Mommy na aalis ako, kasi alam kong hindi nila ako papayagan. Tinawagan ko si Makoy mabuti at sinagot niya ang tawag ko. Sinabi ko na pupunta ako sa bahay nila Shane, sinabi niya na gago raw ba talaga ako. Nandoon ngayona ng Daddy ni Shane, sabi ko wala akong pakielam may kailangan siyang malaman sabi ko. Sabi naman niya bakit hindi ko nalang raw sabihin sa kanya para siya na itong magsabi kay Shane, sagot naman ay napaka-importante ng bagay na ito at kailangang si Shane lang ang makaalam. Masyado raw akong malihim, sabi ng kaibigan ko. Pinanatag ko naman ang loob niya na sasabihin ko rin once na nasabi ko na ang lahat at naipaliwang ko na kay Shane ang lahat.

Nasa harapan na ako ng bahay nila Makoy, halos kalahating oras din niya akong pinag-antay sa harapan ng bahay nila, doon kasi ako nagtago sa isang malaking puno sa harap ng bahay nila, nang masilayan ko na siya ay doon na ako lumabas. Nagulat pa siya sa biglang paglabas ko, sumilong siya sa payong na hawak-hawak ko. At sabay naming binaybay ang daan papunta sa bahay nila Shane. Sinabi niya na marahil ay tulog na raw ang Daddy ni Shane, nakalock raw ang pintuan ng kwarto ni Shane at ang susi nito ay nasa kanyang Daddy. So mahihirapan kaming makuha iyon, baka may kakaiba pang mangyari sa amin kapag iyon ang ginawa namin. Tinanong ko siya kung mayroong ibang paraan, kaagad naman siyang sumagot na mayroon raw.

Pero sadyang napaka-hirap raw nito. Hindi ako makapaniwala na papasok ako sa drainage na ito, ito raw ang tanging daan papasok sa likod bahay nila Shane, may maliit na drainage doon, kasya naman raw ang katawan ko. Tinanong ko siyang muli kung mayroon pa bang ibang daan, kaagad na siyang umiling. Wala na akong choice, kailangan kong makausap si Shane. Binuksan na ni Makoy ang drainage at sadyang napaka-bigat talaga nito pero nakayanan niya. Dito raw sila nagtatago at dumadaan ni Shane kapag tumatakas raw sila sa mga magulang ni Shane, kapag nag-aaway raw ang mga ito. Ibig sabihin hindi mahal ni Ivy ang naging asawa niya? Napalunok ako ng laway ko sa mga narinig ko, at saka ko na ibinaba ang katawan ko hanggang sa maramdaman na ng paa ko ang tubig. Nasa ibabang parte na ako ng drainage. Ang baho sa loob, kaya hindi ko naiwasan na masuka sa pagtapak ko rito. Hindi ko alam kung ano-anong uri ng mga tubig o dumi ang dumaraan dito. Wala akong ideya, basta ang alam ko lang, marumi ang drainage na ito. iniyuko ko na ang ulo ko. Sabi ni Makoy dire-diretso lang raw ang tatahakin ko, hawak-hawak ang cellphone ko na siyang nagsisilbing ilaw at nag-aalalaya sa akin sa aking tinatahak.

Kaso bakit may dalawang daan dito? Tang-ina talaga nitong si Makoy papaano nagkaroon ng dalawang daan dito? Dinailed ko ang numero niya, pero walang signal di ako makakontak. Langya! Ipinikit ko ang mga mata ko, saka may dumaan na mga daan palabas sa may kaliwang butas, nagbaka-sakali ako na doon ang tamang daan. Kaya doon ako nag-desisyong pumasok. Basang-basa na ako at ang baho-baho ko na, papaano kaya ako haharap nito kay Shane?

Mukhang tama naman ang tinahak ko at nakita ko ang sinasabi ni Makoy na maliit na butas binuksan koi to at tumamba sa aking mga mata ang madamong lupa ng bakuran ng bahay nila Shane. Mas nilakihan ko ang butas at inangat ang katawan ko. May nakita akong hose na mukhang nakakonekta sa tubo ng tubig. Pinihit ko ito paikot at saka ko binasa ang katawan ko ng malinis na tubig, para kahit papaano ay mawala ang masang-sang na amoy na dala ng drainage na pinasukan ko.

Nang matapos na ako sa pagligo sa sarili ko, ngayon naman ay ang pagpasok sa loob ng bahay nila Shane at pagpasok sa loob ng kwarto mismo ni Shane. Sinabi ni Makoy na may hagdanan sa likod ng bahay nila Shane, maaari ko raw gamitin iyon para makaakyat ako sa bintana ng kwarto ni Shane, kaso nga lang raw... madadaanan no'n ang kwarto ng Daddy ni Shane kay kailangan ko raw mag-ingat na hindi ako mapansin o yung hagnan ng Daddy ni Shane kundi yari. Patay ako nito. Nakita ko na ang sinasabi ni Makoy na hagdanan, kinuha ko ito, medyo mabigat pero kinaya ko siyang dalhin sa isang gilid, sabi ni Makoy na nasa second floor ang kwarto ng Daddy ni Shane at ang kay Shane naman ay sa third. May nakita akong isang bintana sa second floor, marahil ay iyon na ang sinasabing kwarto ng Daddy ni Shane, kailangan kong iwasan iyon, inayos ko ang hagdanan na 'di matamaan ang bintana, at nagawa ko naman ito. ipiniwesto ko ng maayos na hindi ako matutumba, ang guard sa bahay nila Shane ay nakabantay sa may main door, isa lang iyon at nandoon naman si Makoy at binabantayan kung sakaling aalis sa pwesto para mag-ikot ang mokong na iyon sa paligid ng bahay.

Dahan-dahan ang pagyapak ko sa hagdanan, medyo luma na raw kasi ang hagdanan na ito. langya! Mukhang mababalian pa ata ako ng katawan sa isang 'to ah?! Pero para kay Shane gagawin ko ang lahat. Mabuti at buhay namana ko na nakarating sa isang bintana at pakiramdam ko ay ito na ang kwarto ni Shane, kumatok ako. Nakailang katok bago bumukas ang ilaw at isang babae ang humawi sa kurtinang nakatabon sa bintana. At halos lumawa ang mga mata ng babaeng iyon nang makita niya ako.

"Ebong?" nakanganga parin si Shane ng makita niya ako. Sumenyas ako napapasukin niya ako. Kaya kaagad niyang binuksan ang bintana. At saka na ako humakbang at pumasok sa loob ng kwarto niya. Kaagad siyang pumunta sa may pintuan, upang tiyakin na nakalock ang pintuan ng kwarto niya pero sabi ko...

"Naka-lock iyan, kaya nga ako dumaan sa bintana niyo e," nakangiting wika, dahan-dahan siyang lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Hinalikan ko siya sa noo at tinignan ko ang mukha niyang mapapaiyak na naman ng minutong iyon.

"Opppsss! Bakit ka umiiyak?"

"Hindi ko kayang mawalay sa iyo Ebony," umiiyak nang sabi ni Shane.

"Kahit naman ako e, pero may gusto lang sana akong sabihin sa'yo kaya ako nandito."

"Ano iyon?" umupo kaming dalawa sa kama niya. At kaagad siyang tumayo at sinarado ang bintana.

"This will be quick, and I hope na maging open-minded ka sa lahat ng mga sasabihin ko." Napailing si Shane ng minutong iyon na tila hindi pa nga ako nagsisimula sa sasabihin ko ay naguguluhan na siya.

"Ano ba iyon?" tanong niya sa akin.

"Huminga ka muna ng malalim."

"Hindi ako makahinga ng maayos, Ebony, sabihin mo na kasi. Kinakabahan ako sa iyo,"

"Yuko!" biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ni Shane at bumungad amin ang Daddy niyang may hawak na malaking armas at pinutok ito ng walang habas. Pagkatapos no'n ay hinipan ng Daddy ni Shane ang umuusok pang baril na hawak niya. At tinignan ako ng masama nito.

"Daddy!" humarang si Shane sa harapan ko. Tinutok kasi ng Daddy niya ang baril na hawak nito sa akin.

"Please, Daddy wag niyo pong sasaktan si Ebony." Naningkit ang mga mata ng Daddy ni Shane nang maranig nito ang pangalan ko.

"Ano? Anong pangalan niya?" tumingin si Shane sa akin, na tila naguguluhan.

"E-ebony po, bakit Dad, anong problema?" lumapit ang Daddy nito sa akin at hinila ang at hinagis sa isang gilid. Saka ako nito tinutukan ng baril nito sa aking mukha.

"Hayop ka! Ang kapal ng mukha mong tuhugin ang mag-ina ko? Pagkatapos ni Ivy? Si Shane naman? Anong gusto mo, pati itong baril ko ituhog ko sa iyo, gago ka!"

"Dad! Stop!" muling humarang si Shane sa harapan ko.

"Stay away from him, hindi mo siya kilala." Singhal pa nito sa anak niya.

"Pwes Dad, hindi mo rin siya kilala." Sigaw pa ni Shane. Tumayo ng maayos ang Daddy ni Shane saka inayos ang sarili nito. At ngumisi.

"Tsk. Sinong hindi nakakakilala sa kanya? Ebony Dela Cruz?" dahan-dahan inilingon ni Shane ang ulo nito na may tanong sa kanyang mga mata.

"Ang first love ng Mommy mo," halos lumuwa ang mga mata ni Shane sa mga narinig niya galing sa Daddy niya.

"Ang tanging lalaking minahal niya. Ang tanging taong pinahalagaan niya. At ang tanging lalaking magpahanggang ngayon ay inaantay niya. Hindi ko aakalin na sa panahon na ito ka pala galing?" sinipa ako ng Daddy ni Shane, maski ako ay naguguluhan, pero may ibang parte sa mga sinabi niya ay muling nagpaalala sa akin. ibig bang sabihin... tinotoo ni Ivy ang sinabi kong aantayin niya ako? Nagmahal siya ng iba, sinubukan niya pero bumabalik parin siya sa pagmamahal na pinangako ko? Nasapo ko ang ulo ko ng minutong iyon at inuntog.

"Tell me, Ebong... sabihin mo hindi totoo ang mga sinasabi ni Daddy." Umiling ako bilang sagot ko sa kanya. Hindi ako pu-pwedeng magsinungaling.

"What?" umiiling na tumakbo palabas ng kwarto nito si Shane. Hahabulin ko pa sana si Shane kaso, muli akong tinutukan ng baril ng Daddy ni Shane. Mabuti nalang at dumating na si Makoy at hinila ako palabas ng kwarto.

PORTALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon