********
PORTAL 11
********
Nauurat na talaga ako.
Nauurat na talaga ako sa apat na sulok ng bahay na ito. Ilang araw na ba ako rito? Di ko na mabilang. O sadyang di naman talaga ako nagbibilang. Nawiwili na nga ba ako nakatira ako sa bahay na ito? Ginulo ko ang buhok ko sa sobrang kaguluhan ng utak ko ng gabing iyon. Alas onse na nang gabi pero di parin ako tinatamaan ng antok. Walang hiya. May kumatok sa pintuan ko ng gabing iyon. Lumapit ako sa pintuan at binuksan ito, pagbukas ko si Ivy lang pala. Niyaya ko siyang pumasok pero sabi niya ayaw niya. Tinanong ko siya kung may kailangan siya sa akin. Pero di ito sumagot.
“Pupuntahan mo ako rito tapos tititigan mo lang ako? Alam kong pogi ako,” pagmamayabang ko pa sa kanya. Hinila niya ang kamay ko at kinaladkad ako pababa ng hagdan.
“Anong gagawin mo sa akin?” pagtatakang tanong ko sa kanya. Kaso di ko alam kung naririnig niya ako, patuloy parin kasi siya sa paghila ng kamay ko hanggang sa makarating kami sa main door ng bahay na ito. Binitiwan niya ang kamay ko at doon niya binuksan ang pintuan gamit ang susing hawak niya.
“Uy saan ka pupunta?” pagpigil ko pa sa kanya. Tinignan niya lang ako, at saka naglakad na siya palabas ng bahay. Napakamot nalang ako ng ulo ko at tumingin muna sa paligid, walang hiya saan kaya pupunta itong batang ito? Sinarado ko yung pintuan at sinundan ko si Ivy. Kinotongan ko siya. Binigyan niya ako ng masamang titig.
“Loko ka saan ka pupunta?” masamang titig lang ang sinagot niya sa akin.
“Di ka ba talaga magsasalita?” tanong ko sa kanya habang sinusundan ko siya. Hinawakan ko ang kamay niya at doon ay muli siyang napatingin sa akin. Tapos tumingala siya. Napatingala na rin ako. Doon ay namangha ang mga mata ko sa nakita ko.
Normal ko lang naman silang nakikita tuwing gabi, pero kakaiba ang gabing ito. Yung pagkisap ng mga bituin sa kalangitan, sobrang ganda. Ang ganda at ang sarap sa pakiramdam. Biglang umupo si Ivy, napaupo narin ako habang pinagmamasdan ang mga bituin.
“Alam mo ba, sabi nila. Na kapag nawala ka na raw sa mundo. Magiging isang bituin ka?” bigla ko nalang sinabe sa kanya.
“Talaga?” sagot niya sa akin, napatingin ako sa mukha niya, kagaya ko ay manghang-mangha rin siya sa nakikita ko.
“Oo, magiging guardian anghel sila. Sila itong patuloy na kikisap tuwing gabi kapag malungkot ka. Papasayahin nila ang bawat malungkot mong gabi, sa tuwing namimiss mo sila.”
“Talaga?” sagot niya ulit. Kunot nook o ulit siyang hinarap. Naiinis na ako sa mga matipid niyang sagot sa akin.
“Wala ka na bang ibang alam na salita kundi talaga?” hinarap na niya ako, kaso nakasimangot ito.
BINABASA MO ANG
PORTAL
FantasyPORTAL ang daan patungo sa hinahanap ninyong tunay na pag-ibig. Alrights Reserved 2015 Written By: WackyMervin #Complete#