Darwin's POV."That girl has been pathetic ever since she came, atleast her death would settle her down."
I quietly listened to all of them. Bakit ba nagkakaganito ang pamamahala ng Council's? Agad kong ininom ang tubig na ibinigay ng isa sa mga royal guards.
" Nasaan si Borris? Kanina ko pa siya hinihintay." Saad ko sa isa sa mga nagbabantay sakanya. Nakita ko ang kaba sa mukha niya at agad niyang tinungo ang paningin niya sa sahig. " Paumanhin, pero pansamantala siyang nasa kinaroroonan ng kanyang pinakabatang anak na si Eclipse."
Inilagay ko ang tasa ko sa mesa tsaka tinignan siya na agad nagpakaba sakanya.
"Anong klaseng anak ang pinapahintay ang kanyang ama.. isa itong lapastanganan.." saad ko. Napatingin rin ako sa mga kasama niyang bantay na agad din inalis ang tingin sa akin."P-patawad ginoong Darwin. Pwede namin siyang tawagin at sabihan na hinahanap niyo siya.."
"May lakas kayo ng loob sabihin yan kay Borris?" Kunot nuong saad ko, nahalata ko sa mukha nila ang matinding takot dahil sa tanong ko.
"Kaya niyong sabihin sakanya kung ano dapat ang gagawin niya?" Puno ng awtoridad ang pagkasabi ko.
"Hindi sa ganun"
" at hindi ka man lang nagpaumanhin sa sinabi mo. Wala ba kayong moralidad?"
Nagtatangka kong saad. Halata sakanila ang pamumutla at takot sa mga sinabi ko.. tinignan ko sila ng mas mariin para ipakita sa kanila na hindi ako natutuwa." Dad." Napatingin ako sa likuran nila at nakita ko si Borris na papalapit. Agad iniyuko ng mga Royal guards ang kanilang paningin. Napa ngiti naman ako dahil sa ginawa nila.
Tiningnan muna ako ni Borris bago niya tiningnan ang mga royal guards.
"Makaka alis na kayo."Agad silang humarap saakin at yumuko,
"Paumanhin." Di ko sila tiningnan, ng mapag alaman nilang wala akong sasabihin ay nagsi alisan na sila.Agad naman umupo sa tabi ko ang na tatanging anak ko. "Di mo sila kailangan takutin ng ganun, Dad."
"Darwin. Darwin lang ang itatawag mo sakin, ilang beses ba kita dapat sabihan niyan?" Naiinis na saad ko. Napa ngiti naman si Borris. nagmumukha akong matanda sa tinatawag niya.
"Ang dalawang takapag pa mahala ng kaharian.."
"Bakit nandito si Darwin Montefalco? Akala ko nandun siya ngayon sa ibang destrito?"
"Mabangis parin ang ama ni ginoong Borris.. nakakamangha.."
"Parang kasing edad lang ang apat na Montefalco's."
"Kung hindi kayo tatahimik ay agad ko kayong babawian ng lugar sa ikinatataas!" Dagungdong na saad ko dito sa balcony.
"Masyado mong tinatakot." Natatawang saad ni Borris. Tiningnan ko ang hologram at nakita ang ibat ibang estudyante na nasa laro.. mahihina.. masyadong mahina.
"Yan lang ba ang ilalakas ng lahat ng estudyante? Rinig ko maliit nalang ang nasa loob ng laro.. ang iba ay nasa pagamutan na."
"Sadyang malakas ang kinakalaban nila.
May namatay din kanina lang." mala awtoridad niyang saad."At hinayaan mo lang? Rinig na rinig ko sa mga council na nararapat lang sa babaeng yun ang nangyari sakanya."
"Hindi ko rin alam kung bakit gustong gusto ng mga coucils mawala sa landas si Luna."
"Luna.." napatingin ako kay Borris.
"Luna ang pangalan niya?""At siya rin ang nagugustuhan ng dalawa kong anak." Sabay bugha niya ng hangin.
Napangiti naman ako. Kung ganun, may natatanging kapangyarihan ang babae.
YOU ARE READING
CRESCENT ACADEMY
FantasyMagic, Abilities and the Academy. Dito nababaguhan si Luna, a student who is a transferee. Everything was complicated from the start, napag buhol buhol niya ang bawat pangyayari.She's desperate to know everything, about the Academy, but her main goa...