Claire's POV.
Napatingin ako sa walang malay na si Eclipse, naka higa lang siya sa higaan kung saan na roroon ang pinagawa niyang kwarto sa Head Quarters. Mahimbing lang itong natutulog habang kinukumutan nina Felicity, habang mariin naman akong tiningnan nina Ivy, Titus, at Xavier. Alam ko sa mga oras na to, hindi nila nagustuhan ang ginawa ko sa leader nila.
" ano ang ginawa mo sa kanya?" agad naman akong napatingin kay Athena na halatang naguguluhan kung bakit ako naririto, marahil dahl hindi naman ako pumupunta sa mga palaro at occasion na pinapa gawa sakanila oh kung galling man sa mga highests.
Napa buntong hininga muna ako bago tiningnan sila Sebastian, James at Marcus na titig na titig rin sa dahilan ng pag punta ko. Tumayo ako tsaka naglakad papalapit kina Athena, " huwag dito." Saad ko.
Agad naman niya itong naintindihan at gumawa ng portal, naalala ko tuloy yung dapat ko ng kina limutan. Nag pauna na akong pumasok staka sila sumunod. Pagkalabas ng pagkalabas ko, agad kong Nakita ang swivel chair at mga upuan sa harapan ng table.
Naupo nalang ako kahit na wala akong gana makipag kwentuhan.
" bakit ka pumunta dito? Akala ko...akala ko ayaw mo nang muling masilayan ang akedemya dahil sa nangyari nuon?" pahina ng pahina ang boses ni Athena. Napangisi nalang ako ng mapait dahil sa sinabi niya. Yun ang unang bagay Kaya hindi ko kayang manuod, unti unti lang kasi nitong pinaparamdam sa akin ang dati kong paghihirap, puot, at takot sa nangyari.
Pero sa kabila non. Kailangan kong magpakatatag at maging mas matapang sa sasabihin ko. Muli ako napa buntong hininga staka napatingin sa kanila.
" I...I have the sword..." saad ko tsaka napatingin sa kanila. Nabasa ko ang takot, pagkabigla at galit sakanila. Habang si Sebastian naman ay parang wala lang dahil naman siya ang unang nakaalam. "You what?.." parang namumutla na saad ni Athena.
" BAKIT DI MO SINABI SAMIN?!" galit na gatol ni Marcus. Agad ko siyang tiningnan ng matalim, Unti kong nararamdaman ang galit at puot."Tingin mo sasabihin ko sainyo to? na mula sa una kayo naman ang dahilan kung bakit siya namatay!!!"
"Walang may gusto sa nangyari, bakit mo sinisisi saamin ang pagkamatay niya!" sigaw rin ni James na halatang hindi sang ayon sa sinabi ko. Naramdaman ko nalang ang pagpatak ng luha ko. Kahit kelan di ko malilimutan ang nangyari. Kahit anong pilit ko sa paglimot di ko parin magawa, dahil ang tanging alam ko ay kami ang dahilan kung bakit siya na matay.
"Kasi na rinig niyo.." mahinang sambit ko staka napatulala.. napakagat nalang ako sa labi ko upang hindi ipalabas ang hikbi ko.
"Ano..."
"Narinig niyo..." pag putol ko sa sinabi ni Athena staka galit na tumingin sa kanila,
"Narinig niyo ang sigaw niya!" Sigaw ko sabay ng pagbuhos ng luha ko. Napuno ng hikbi ang silid. Kita ko sa mga mata nila ang pagka bigla, tiningnan ko sila isa isa habang nag uunahan ang aking mga luha."Hindi niyo maiintindihan... hindi niyo maiintindihan ang nararamdaman ko kasi una palang ang mga sarili niyo ang inuna niyo!" Gatol ko habang umiiyak. Agad inalis nina Marcus, Sebastian at James ang tingin nila sakin.
"Hindi totoo yan.. alam mo yan Claire!" Umiiyak na rin na saad ni Athena. Agad akong tumahimik at pilit hinihinto ang pag iyak ko. Tiningnan ko sila isa isa tsaka napatawa ng mapait.
"Bakit ba natin pinag aawayan to?" Natatawang saad ko, tumayo ako tsaka pinag pag ang damit ko. Matulin ko silang tiningnan na nakatulala lang sa kung saan.
" ito ang totoong intensyon ko kung bakit ako pumunta dito.." galit na saad ko.
" I came here to help the contestants out. Hindi sila pwede manatili sa laro-"
YOU ARE READING
CRESCENT ACADEMY
FantasyMagic, Abilities and the Academy. Dito nababaguhan si Luna, a student who is a transferee. Everything was complicated from the start, napag buhol buhol niya ang bawat pangyayari.She's desperate to know everything, about the Academy, but her main goa...