Luna's Pov.Agad kong pinwesto ang sarili ko at tumakbo patungo sa halimaw.
Agad kong tinusok ang uluhan nito pero bumabalik parin ito sa kanyang anyo. Sinanga ko ang pag atake ng halimaw at pilit nilalabanan ang lakas nito habang nakatingin parin ako sa lupa. Hinding hindi ako mananalo nito pag ako lang isa.
Agad kong tinulak ang sarili ko at isinawasiwas ang espada ko.Napalayo naman ako ng muli itong sumigaw, parang nasasaktan. Nakikita ko sa gilid ng mata ko na sa bandang leeg ko itong nahiwaan ng malalim.
"Luna!" Agad naman akong napatingin sa tumawag sakin. Muling nag init ang mata ko ng makita sina Danica at Laleine.
Agad silang lumapit sakin habang walang humpay ang sakit sa halimaw."Nasaan si Katniss?!" Agad na tanong ni Danica.
"Nandun siya sa may tipak ng bato. K-kailangan ko siyang tulungan." Saad ko habang walang hinto ang luha ko. Agad sinangga ni Danica ang pag atake ng halimaw at agad ring dumipensa.
"Anong nangyari sakanya?! " Saad ni Laleine habang naka depensa din." N-Naririnig ko.. "
Napatingin naman si Danica sakin na kunot ang nuo.
" Ang p-puso niya.. naririnig ko. Hanggang sa paghinga niya." Muling umatake ang halimaw na agad naman kinalaban ni Danica at Laleine. Ginamit ni Danica ang ability niya at ang gamit naman ni Laleine ay sound waves.."Tulungan mo muna si Katniss!"
Agad naman akong umilag sa atake at tumakbo patungo kay Katniss. Napaluhod ako sa harapan niya at pilit tinatampal ng mahina ang pisngi niya.
"Katniss! Gumising ka!"' Dug.... Dug... '
Napasinghap nalang ako ng pahina at pahina na ang pintig ng puso niya. "Kumapit kalang, katniss! Please... Please naman kumapit kalang!" Sigaw ko habang lumuluha. Agad kong inilagay ang dalawang kamay ko sa may dibdib niya. Agad kong binigyan ng lakas ang sarili niya. Unti unting lumiwanag ang kamay ko at ang mga ugat ng katawan niya.
"Please... Please gumising kana!" Sigaw ko. Mas niramihan ko pa ang pag bigay ng lakas sa kanya.
Napahagulgol nalang ako ng hindi parin siya gumigising. Humihina na ang takbo ng puso niya. Agad ko namang pinahiran ang luha ko at inilapit ang bibig ko sa tenga niya.' Kahit ito lang... Sana gumana.. '
" Gumising ka Katniss. Isa itong utos."
Athena's Pov.
Muling natahimik ang mga tao dahil sa pag kuha ng nakaturok na kahoy sa gilid ni Luna. Ang dati niyang Crossbow ay naging espada na ipinag kunot ng nuo ko.
' Census can't eliminate weapons.... '
" She's gonna make it.." napatingin naman ako kay Eclipse na walang ekspresyon sa kanyang mukha. " She must kill that thing first." Saad naman ni Ivy na halatang kinakabahan sa mga nangyayari. Nakita rin namin kung paano dumating sina Danica at Laleine.
Napatingin ako kay Daymois ng nakakunot na ang nuo niya. Kanina pa siya gustong ipatigil ang laro dahil sa nangyayari.
Muli kong naramdaman ang pagkabahala ng makita namin sa hologram si Luna na nilapitan si katniss, nakahandusay na ito at marami ng sugat sa ibat ibang parte ng katawan. Rinig kong napasinghap si Titus at Xavier.
"Katniss, gumising ka!" Sigaw ni Luna habang tinatampal ng mahina ang pisngi ni Katniss na walang malay.
"Kumapit kalang, Katniss! Please... Please naman kumapit kalang!" Nakita namin kung paano niya binibigyan ng enerhiya ang kasamahan niya.
Napalunok pa ako dahil sa na alala ko.
YOU ARE READING
CRESCENT ACADEMY
FantasyMagic, Abilities and the Academy. Dito nababaguhan si Luna, a student who is a transferee. Everything was complicated from the start, napag buhol buhol niya ang bawat pangyayari.She's desperate to know everything, about the Academy, but her main goa...