CHAPTER 24

11 0 0
                                    


Danica's Pov.

Nanginginig ang mga paa ko habang nakatayo, samot saring emosyon ang nararamdaman.. masaya, takot, at pagkalito. Pero sa halip na lapitan siya, nanatili kaming nakatingin at nagtataka sa reaksyon niya.

'Anong nangyari,Luna?'

Walang reaksyon sa mukha niya, parang tulala pero nasa huwisyo. Muling tumulo ang luha ko ng makitang walang sugat ang katawan niya, na para bang walang iniindang pagod at sakit..

Pero ang mga mata niya.. walang dapat ikatakot sa kanya pero ramdam ko ang takot pag naka titig ako sa mismong mata niya.

"B-buhay siya?" Parang di makapaniwalang saad ni Laleine, nanatiling di maka paniwala ang lahat, tutok sa sunod na mangyari.

Her eyes were gray.. at di ko matatangi na maganda tingnan, pero nakakatakot. Nakakatakot tumingin.Nakaka kilabot. Muling naglakad si Luna papunta sa harap namin, her eyes looking at us.

Muli akong napa hagulgol ng nasa harap na namin siya, hindi siya nakangiti, natuturing walang emosyon.

"Luna..." saad ni Katniss na ambang lalapitan siya pero napahinto rin dahil sa sugat na natamo niya.

Muli kong tiningnan si Luna na nakatitig sa may likuran namin, lalapit na sana ako ng bigla siyang nawalan ng malay. The next thing that happened was a total blurr.

Athena's Pov.

Its been the third day simula nung matapos ang laro. Lahat ng councils ay tila nagtaka sa nangyari, the Highest's concluded to give assistants for Luna's Health, provided siya ng lahat ng kakailanganin habang wala pa siyang malay. Lahat ng attention ay nasa sa kanya simula nung laro, hindi parin maipag kaka ila kung paano siya na buhay ulit.

Napa hawak nalang ako sa sentido ko dahil sa pagod, simula nung matapos ang laro.. walang nangyaring kasayahan. Tila hindi nagustuhan ng councils ang resulta.. na buhay pa si Luna.

"Miss Athena.." napatingin ako sa pinto ng office ko nung bigla yun bumukas. I smiled a little, "Danica, Katniss.. napadaan kayo? Do you need something?" Tanong ko habang naglalagay ng tubig sa tasa.

" miss, gusto lang sana namin malaman kung kamusta na si Luna?"

Napahinto naman ako sa pag angat ng tasa, I faked a smile at tiningnan sila.
"Wala kayong dapat ipag alala, she will be fine soon." Saad ko.

Nakita ko naman na parang naka hinga sila ng maluwag sa narinig nila.
Katniss smiled and handed me some boquet of flowers. Tinanggap ko naman yun at tiningnan siya.

"Paki bigay nalang po ni Luna Miss Athena. Miss na po namin siya at ni minsan di pa namin siya na dalaw dahil nasa Crescents siya." Saad ni Katniss at muling ngumiti.

"Sana.. masabihan niyo po kami kung kelan gising na po siya. Miss na po kasi namin siya."

Napangiti naman ako sa narinig, " sige. Sasabihan ko kayo kung nagkakamalay na siya."

"Thank you." Saad ni Danica at Katniss, pagka sara ng pagka sara ng pinto, napahawak nalang ako ulit sa sintido ko dahil sa pagod at pagkalito.

Agad akong tumaya at nagpasyahan na puntahan sina Eclipse at kasamahan niya. Gumawa ako ng portal at agad pumasok.
Unti unti ko nang nakikita ang pinto ng mismong Dorm ng Crescents. Agad akong nag doorbell at naghintay.

Nang bumukas ang pinto, nakita ko agad si Titus na halatang kabado. Agad akong kinabahan sa reaksyon na pinapakita niya. "Where's Eclipse?" Agad na tanong ko.

"He's in luna's room. Si Luna-" hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Titus at agad ring pumasok. Napatingin ako sa living room where is nandun ang mga gamot na galing pa sa mga Highests, nagkalat na ito at tila wala nang mga laman. "Anong nangyayare dito?" Takang tanong ko ng makita na halos nag mamadali si Ivy sa paghalungkat ng natitirang salamangkang gamot.

CRESCENT ACADEMYWhere stories live. Discover now