Chapter 17

6 0 0
                                    

Luna's Pov.

Muli ako napalingalinga sa kinaroroonan ko. Nandito kami sa harap ng dile tree. Nakikita ko ang mga estudyante na nakaharap lang sa mismong likod ng puno, kahit sino sa posisyon ko ay talagang kakabahan. Everyone was wearing a well classed clothes, yung para sa bakbakan. Napatingin naman ako sa suot kong black leather jacket na hapit na hapit sa katawan ko, white  wripped leather jeans na kapit na kapit sa paa ko at ang buhok kong naka high ponytail para hindi sagabal sa laro.

"Hey.." napatingin naman ako kay Felecity ng bigla niya akong tawagin , " you'll be fine. Kasama mo kami. "

" Bat ba ang tagal ng ceremony nato? " Inip na tanong ni Ivy.
" Ang hinihintay nalang daw ay ang mga highest sa siglong ito. " Saad ni Xavier na tumitingin din sa ibang estudyante na naroon para sa laro. "Tinitingnan nila tayo." Napatingin naman ako sa kung saan naka tingin si Titus.

Nandun sa isang puno nakatambay sina Zabrina, Jeremy, Reid, Trisha and Caleb.
Si Jeremy ay halatang lutang, si trisha naman ay binibihasa ang kanyang kapangyarihan, si Ried naman ay pasulyap sulyap sa gawi namin, si Caleb naman talagang tinutukan kami at si Zabrina naman ay tutok na tutok.... Sakin.

"Don't mind them. Magsisimula na ang laro." Saad ni Eclipse na nasa tabi ko, bigla naman akong na ilang at agad tumingin sa harapan namin. Naghiyawan ang mga estudyante sa pag labas ng mga Highest na nasa balconahe ng akademya, malaki ito kaya kasyang kasya ang mga Councils at Highest's mula sa ibat ibang destrito. Mas napalunok pa ako ng mapasadahan ako ng tingin ng isang Highest, agad akong yumuko upang iwasan ito.

" Student's of Crescent Academy! I proudly announce the opening of the most awaited game!" Sigaw ng isang staff ng laro.
Muling nag hiyawan ang mga estudyante. Ngumisi lang ang staff tsaka muling ibinaling ang tingin st isang tagapag bantay.
"Open the gates." Umusbong ang malakas na ingay galing sa isang napakalaking gate at unti unti itong binuksan. Napamaang ako ng makita ang mga taga Galax kingdom at taga ibang siglo na pumasok ng akedemya at naghiyawan. Dito ko lang napagtunghayan na hindi lang basta bastang laro ang the forge.

Ng maka pwesto na ang lahat ay umusbong ang isang napakalakas na gong upang mapatingin kami sa balkonahe. Halatang isang Council dahil sa kasuotan nito. Ngumiti muna siya bago kami tiningnan.

"Isang napakalaking ganap ngayon ang laro na ito sa ibat ibang siglo. Nakikita ang lakas, kakayanan at deskarte sa pag gamit niyo ng inyong mga sandata at kapangyarihan. Muli naming makikita ang natutunan niyo sa loob ng akedemya na kung saan ang pinaka importanteng galaw ay makikita. Bawat hakbang ng inyong mga kakayanan ay matutunghayan namin, hindi lang kami na mga taga dito kundi mula rin sa ibang siglo."

" Bawat kapangyarihan niyo ay napapabilang sa kanyakanyang pahiwatig. Kaya aasahan namin na ang lahat ng inyong natutunan ay sumasangayon sa kung anong klase ng kapangyarihan ang nasa inyo." Ngumiti siya samin staka muli nagsalita.

"Mula dito sa akedemya ang unang tapak niyo at sa pinakaunang pagkakataon ay sa likod ng dile tree magaganap ang laro. Kung saan ang mga naghihinagpis na hayop ang namumuno. Mula jan sa likod ay ang kadugtong ay Death's Gate." Napatingin ako sa ibang estudyante, di ko sila makitaan ng takot o miski isang pag urong.  Ako pang ba talaga ang kinakabahan sa larong ito?

" Simple lang ang laro. Kailangan niyong malampasan lahat ng kurbata sa loob ng gubat, at sa pinaka hulihang bahagi kung nasaan ang Mystic..nandun ang portal na tutulong sainyong lumabas. " Napalunok pa ako ng may kakaiba sa ngiti niya.

" May tulong na handang sumagip sainyo pag di niyo na kaya. Sa larong ito, apat lang ang mananalo dito. " Napamaang ako sa narinig ko.

'a-apat lang? Eh ang dami namin tapos apat lang ang mananalo?'

CRESCENT ACADEMYWhere stories live. Discover now