Chapter 16

7 2 0
                                    

Eclipse's Pov.

"Please send this to miss Athena."

"But she's not yet here-"

I looked at Xavier, agad naman siyang bumuntong hininga.
" Fine, fine. Wala na akong magagawa." Rinig ko pang bulong niya bago siya lumabas ng Head quarters. I immediately leaned on my chair and tried to massage my temples. Bukas na bukas na gaganapin ang forge at aminado akong hindi sang-ayon ang lahat ng estudyante dito.

Bigla bigla nalang ang pagpapalahad nila sa laro, which is the most irritating part. I crossed my arms and looked at Felecity who is looking at me intently. "What are you looking at?"

Bumuntong hininga naman siya staka naupo sa upuan niya.

" Tingin mo.. kaya na ni Luna? " Pabalang na tanong niya. Agad kumunot ang nuo ko sa tanong niya. Wala ba siyang tiwala sa kanya?

"Why do you ask?"

"Im just worried about her. Its her first time playing this game."

I just looked at her at muling napaisip, 'kaya nga ba niya? '
Nadagdagan na naman ako ng mga tanong na ikinasakit ng ulo ko.

' alam kong kayang kaya niya ang laro, she has everything she needs to survive on that game. Plus, makakasama naman niya kami. Im sure na kakayanin niya, nagawa niya nga akong sitahin sa practice eh... Tss..... '

"Hey." Nabalik naman ako sa hwisyo at tiningnan ko nalang siya. Bumuntong hininga muna ako tsaka tumayo. "Im going off somewhere, you take in charge here."

"Teka! Hindi pa ako nag-"

I immediately closed the door staka naglakad papuntang practice room. Pagkapasok ko ay agad ko rin sinarado ang pinto, napatunghay ako at agad tiningnan ang kamay ko. Agad akong pumusisyon at pinalabas ang itim na enerhiya. Black mist covered most of the room. Nakita ko rin kung paano nag iba ang kulay ng mata ko.

I immediately closed my eyes, causing me to see through the walls. Ibat ibang kapangyarihan ang naaaninag ko sa ibat ibang dereksiyon na halatang galing sa mga estudyante. The mist that I made became another me. Minulat ko ang aking mata staka ko nakita ang limang kapareho ko ng mukha. I just smirked thinking na nagawa ko na ang pinakahuling magagawa ng ability ko.

Biglang may kumatok kaya dali dali kong iniwala ang kapangyarihan ko na agad bumalik sa mga kamay ko.

Tch...

"Huy! Kanina pa kita hinahanap! Saan saan ka lang pumupunta eh!" Agad nangunot ang nuo ko ng biglang pumasok si Titus.
Kahit kailan ang laki talaga ng bibig niya. Bumuntong hininga nalang ako at agad nag iwas ng tingin, anytime from now alam kong mag dadada nanaman siya.

"What? Im practicing." Sabay tingin aakanya na may kunot na nuo. Ngumiti lang siya sakin ng alinlangan tsaka tumingin tingin sa ibang dereksiyon.

"Ano ba?" Naiinis na singhal ko, tinatagal pa eh alam naman nitong may gagawin ako.

"Your...uhm.."

"Ano?"

"Kasi ano.."

"Isa nalang talaga, titus. " Tiim bagang tugon ko. Ngumiti lang siya, halatang takot.

"Yung..yung kapatid mo-"

Napa pitlag siya ng bigla ko siyang tingnan. Mas lalong kumunot ang nuo ko.

" He's here..." Napapikit ako sa sinabi niya.

'why is that guy here? Para magpasikat? Psh..'

CRESCENT ACADEMYWhere stories live. Discover now