After The Incident
ELLA
"I'm sorry if I tell you this, the patient had amnesia and I don't know when her memory will be restored.." napaawang ang labi ko dahil sa narinig mula sa doctor na nag-aasikaso kay France.
Hindi pa din siya gumigising simula nung ni-revive siya ng doctor. Saya ang nararamdaman ko nung nalaman kong nagkamalay siya, pero saglit lang pala. Mula no'n, hindi na muli siya nagising.
"Bakit nagkaganon doc? Possible pala na magka-amnesia ang isang tao kahit hindi nababagok ang ulo?"
"Yes, this is called psychogenic amnesia or dissociative amnesia. A person can develop this disease when they experience bad events, or it can come from shock or trauma and severe physical injury." Sagot ng doctor sa tanong ni Agares. Sabay kaming nanlumo sa katutohanang 'yon.
Nagbaba ako ng tingin habang iniisip ang mga pinagdadaanan niya. Sa kabila ng katapangan ni France, iba naman ang resulta nito sa katawan niya. Nag dulot ito ng grabeng pasakit hindi lang sa kanya, kundi sa amin. Hindi ko lubos maisip na aabot siya sa ganitong sitwasyon.
"Ilang buwan ang itatagal ng sakit na 'yan doc?" mababa ang boses na tanong ko. Hanggang ngayon naninikip pa din kasi ang dibdib ko dahil sa kalagayan ni France.
"Actually, many cases of dissociative amnesia are short, lasting hours or days, but in some cases, maari silang magtagal. It might take months or years, I don't know. It depends on how quickly her mind recovers on its own."
"Ano ang pwede naming gawin para agad-agad siyang makakarecover?"
"Kailangan niya ng mag-aalaga. Ilayo siya sa kapahamakan, at kung maari, huwag na huwag niyong babanggitin ang mga bagay o pangyayari na tanging dahilan kung bakit siya nagkakaganyan, hindi iyon makakatulong sa kalagayan niya." paalala ng doctor. "Excuse me, may pasyente pa ako." sabay kaming tumango ni Agares ng magpapaalam ang doctor.
Namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Pareho kaming malungkot na nakatingin kay France na hindi pa din gumigising, at mas lalong nadagdagan ang lungkot ko dahil kay Ehros na mula simula ay hindi na umalis sa tabi ni France. Sana ilang araw lang ang itatagal ng pagkakaroon niya ng amnesia, sana lang talaga.
France, ayos lang sa amin kung hindi mo kami makilala pansamantala, basta ba gigising ka lang diyan, mapapanatag na kami.

BINABASA MO ANG
Lost University (BOOK 2)
Mistero / ThrillerThis is sequel of lost University, so don't open this book if you haven't read the Lost University.