1: Her Memory

3.2K 167 62
                                    

FRANCE

"Mukhang mas handa sila. Ang daming nakikita na nasasabik. Again, may we call on the top 3 of Mr. & Ms. Mythical Icon 2020." anunsyo ng host na ngayon ay tumingin sa pwesto namin. "I hate to see these lovely candidates suffer the suspense some moment longer. Let's see who is going home with the glory and be hailed as the new title holder. May we call on Ms. Jana Cruz to announce the winners."

Tumayo si Jana Cruz at nagtungo sa gitna ng stage. Dala niya ang blue card na kung saan nakasulat ang mga winners.

"Ayos ka lang, France?" tanong ni Emely na nasa tabi ko. Pareho kaming contestant pero mukhang sila lang masaya, ako hindi.

"Ayos lang." pero ang totoo, hindi ako ayos. Naiinitan ako sa gown na suot ko. Hindi ko naman ginusto na sumali sa ganitong activity eh. Kung hindi lang nagdadrama ang mga kaibigan ko, malamang wala ako dito. Letche!

"Sino kaya ang mananalo noh?" muling sabi niya kahit hindi ko bet na kausapin siya. Lihim nalang akong napairap. Papansin din.

"Hindi ko alam." walang ganang sagot ko dahil inaabala talaga ako ng pesting suot ko ngayon. Wala din naman kasi akong pakialam kung sino ang mananalo eh. Ang gusto ko lang, matapos na ang event na 'to dahil para na akong sasabog sa sobrang init.

"Our second runner up are candidates no. 6, Mr. Xian Guevara and Ms. Abigail Celestino." anunsyo ni Ms. Jana Cruz. Kahit nakangiti ang dalawang contestant na tinawag nahahalata pa din sa mga mukha nila na disappointed sila. Mga taong hindi marunong makontento.

"Now, we are finally down to our two pairs. We are going to call the first runners up first. The pair which will not be called will be automatically hailed as the new Mr. & Ms. Mythical Icon 2020." sabi ng host.

Muling inangat ni Ms. Jana ang blue card at binasa ang laman nito. "We proudly present our first runner up are Mr. Niño Arcella, and Ms. Emely Gaas."

Agad naghiyawan ang crowd. Hindi ko alam kung bakit, basta ako, nasa suot ko nakatuon ang buong atensyon ko. Gusto ko nang magwala dito dahil sa sobrang init, tapos sinadya pa nilang patagalin ang event. Malapit na malapit na talaga akong maiinis sa mga taong kasama ko sa stage. Idagdag mo pa ang ang ingay ng crowd na halos ikakaubos ng boses nila.

"Ladies and gentlemen, our Mr. & Ms. Mythical Icon 2020 are no other than Candidate no. 4, Mr. Santiago Carbonel and Ms. Emerald France Meller."

I was a little surprised when Jana mentioned my name. But even so, I'm still not happy with what I'm wearing. Hindi nababawasan ang inis ko, mas lalo lang itong nadagdagan dahil sa lalaking nasa harap ko ngayon. Nakalahad ang kamay niya sa harap ko at nakaangat ang kabilang sulok ng labi niya. Nang-aasar, alam ko.

"Didn't I tell you, that the two of us will win whether you like it or not?" pati pananalita niya nakakaasar.

Inirapan ko siya sabay tayo, pero hindi ko kinuha ang kamay niya. Asa siya, maybe he might think that everything he does is okay with me.

We went to the center together. They put their heavy crown on me at kung ano-ano pang napapanalunan ko. Nakita ko sa audience ang mga kaibigan ko na hindi nakakaget-over sa pagkakapanalo ko. They're just happy, but I'm not--I mean, I'm not happy for winning this event, pero masaya akong makita silang masaya. Not this such thing. I never dreamed of such things.

"So what can you say, Ms. Meller?" ibinigay ng host sa akin ang microphone. Kinuha ko ito at saglit na nag-isip na pwedeng sasabihin.

"I just want to thank my friends who support me. Actually, I don't really like this, but I can do everything, it will only make people happy who have no other desire, but for my own good. They made an effort for me. They did everything so I could just join this kind of event. Even though I didn't like this, I was also happy because they were happy that I won. Their effort was not wasted. Thank you." ibinagay ko agad ang microphone sa host.

Lost University (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon