Kitty
"WEAR your uniform! It's time to our class!" Saad ng kasama kong babae dito sa dormintoryo'ng kinaroroonan ko.
Muli na naman akong napaiyak. I don't know how many times I've done this, basta ang alam ko lang, gusto kong umiyak nang umiyak. Ayoko dito! Nakakatakot ang lugar na 'to.
"Stop crying! It won't help you. Just follow what I said, don't be hard headed!" Marahas niya akong pinatayo at tinulak patungo sa CR.
"Ayokong lumabas ng dorm! Ayokong pumasok sa klase. Natatakot ako!"
"Are you crazy? Do you know what will happen to you if you do that? You are just putting your life in danger!"
"Why do you care?" Sigaw na tanong ko habang umiiyak.
"Because I don't want to witness your death. It's gross!" Tila nandidiring saad niya.
Akala ko pa naman nag-alala siya sa akin. Hindi naman pala.
Mabilis kong pinahid ang mga luha ko at pumasok na lamang sa CR. Pero imbes na mag bihis, muli na namang tumulo ang mga luha ko.
Miss na miss ko na si nanay. Miss ko na din si ate France. Will I still see them? Can I still get out of here? Ano bang klaseng lugar 'to? Bakit tila demonyo ang lahat ng estudyante na nandito?
Kagabi, kitang-kita ko ang mga estudyante kung paano sila magpapatayan. Nakakatakot! Para silang mga halimaw. Walang awang pumatay, at mas nasisiyahan pa sila sa kanilang ginagawa.
Hindi ko maiintindihan kung bakit ako nandirito. Gulong-gulo na ako. Gusto kong mag tanong kaso wala namang kwenta kausap ang kasama ko rito.
I just took a deep breath to calm myself down. I can't do anything no matter what I try. I am now among the captives, and there is no certainty whether I will ever get out of here or not.
I don't even know this place. I don't have any idea where I am or what kind of place this was. Ang alam ko lang, nasa kapahamakan ako.
Gustuhin ko mang 'wag pumasok ay hindi puwede. Hindi ko alam kung anong kaparusahan ang matatanggap ko pero sigurado akong nakakapagod kapag nangyari 'yon. Tama na muna. Pagod na pagod na ako. Pagod na ako kakaiyak, kakaisip kung paano makakalabas rito.
"Are you done?" Bungad ni Lendsay sa akin pagkalabas ko ng banyo.
I didn't answer or even look at her. She didn't do anything else but sneer at me and insult me, so why should I talk to her?
"Hey! Are you going to ignore me? I'm asking you if you're done and yet you're not answering me! Do you have a problem with me?"
Patuloy lang ako sa pagkuha ng mga gamit ko nang hindi siya pinapansin. Sayang lang ang oras ko sa kaniya. Pagkakuha ko ng mga gamit ko para sa unang klase namin ay palabas na sana ako ng dorm namin nang iharang niya ang isa niyang paa sa pintuan.
"You can't get out if you're still ignoring me. I don't care if we're late, I have my own reason and I swear what I'm going to do will destroy you." Pagbabanta niya sa akin kaya medyo naiinis na ako sa kaniya.
Padabog ko siyang hinarap. Tiningnan ko siya ng masama.
"Are you threatening me? Do you think I'm scared? Gawin mo kung ano mang gusto mong gawin, punong-puno na ako sayo! You're older than me but you're acting like a kid. Sa totoo lang hindi bagay sayo kaya tantanan mo na ako!" Sa inis ko malakas kong naitabig ang paa niya kaya na out of balance siya at bumagsak sa sahig.
I was so guilty that I intended to help her, kaya lang mas nangingibabaw ang inis ko sa kaniya kaya iniwan ko na lamang siyang namimilipit sa sakit.
Tuluyan akong lumabas ng dorm. Napansin ko agad ang mga estudyante na normal lang na nag-uusap. May nagtatawanan. Nagkukulitan. Kumakain. May naglalaro ng bola. Para bang nasa normal na paaralan lang sila. Hindi ko maiintindihan pero alam kong may mali.
BINABASA MO ANG
Lost University (BOOK 2)
Misterio / SuspensoThis is sequel of lost University, so don't open this book if you haven't read the Lost University.