7: Facing The Monster

1.5K 106 8
                                    

FRANCE

Hindi pa din humuhupa ang kaba sa dibdib ko. As time went on, it beat harder and harder. Parang anumang oras lalabas ang puso ko sa dibdib ko.

"France, susunod daw si Amanda dito." Tanging tango lang ang tugon ko sa sinasabi ni Ellice. This is the fastest way to agree with what she says.

Hindi pa din ako mapakali habang nakatayo sa tapat ng emergency room. Kanina pa nila ako pinapaupo ngunit tumanggi ako. I want the doctors to see me as soon as they come out of the emergency room.

"France. It's getting late. Baka gusto mong umuwi muna para magbihis."

Marahan akong umiling kay Ellice. "Ayoko. Gusto kong malaman ang kalagayan ni Kitty. Saka nalang ako uuwi."

"Si Titan nga pala. Nandiyan sa labas. Kausap ang iilan sa mga pulis." Paalala ni Ella.

Oo nga pala. Titan hasn't come home yet. He was the one who talked to the doctors earlier. He also talked to the police who followed us here today.

"Okay." Yumuko ako para pigilan ang luhang kanina pa paulit-ulit na nagbabadyang lumabas. Habang inaalala ko si Kitty ay hindi ko maiwasang mapamura sa aking isipan.

Bakit ganun? Anong nangyari? Alam kong maraming bully sa school na pinapasukan ko but I don't think it has reached that level. And I know Kitty won't get that bad kung ang mga estudyante lang sa Crinton ang manti-trip sa kanya.

I know something worse than the beast that people did to her. Whoever they are, I can make sure they are not from the Crinton.

Tumingin ako sa pintuan kung saan lumabas ang dalawang doctor na nag-aasikaso kay Kitty. Sa kabang patuloy na bumabalot sa akin ngayon ay parang hindi ko kayang ihakbang ang mga paa ko upang lapitan sila.

"Doc, kumusta po ang pasyente?" Si Ellice ang nagtanong. Siguro nahahalata niyang wala pa din ako sa sarili ko.

"She was stabbed too deep. But it's good that it was caught immediately and her condition is stable. She may wake up later, but it will take two weeks before she can get out."

Para akong nabunutan ng pako mula sa aking lalamunan. My chest also felt a little lighter from what the doctor said. But still, I still can't speak. Until now, what happened to Kitty was shocking and still not sinking into my brain.

"Salamat Doc."

"Sige. Ihahanda muna namin 'yung room niya. Babalik kami mamaya kapag ilipat na siya."

"Okay po Doc." Sang-ayon ni Ella sa sinasabi ng Doctor.

Pagkaalis ng doctor ay saka pa lang ako nakakaramdam nang pagkangalay. Humakbang ako nang dahan-dahan patungo sa upuan. Ngayon pa lang ako nakaramdaman ng pagod. Gutom at antok. I want to go home to eat and rest for at least two minutes but I won't. Ayoko. Kahit may mga kasama pa ako dito, ayoko pa din na iwan si Kitty.

"France. Tara samahan na muna kitang umuwi sa condo mo. Para naman makapagbihis ka." Pagkumbinsi uli ni Ellice sa akin.

"Ayoko. Dito na muna ako."

"France, rest first. We've been here for a while. Paparating na din 'yung nanay ni Kitty."

Hindi ko alam, pero dun na talaga tuluyang bumuhos ang mga luha ko. "Even if I eat. Even if I rest, I still won't lose my anxiety. Kahit hindi ko din gagawin ang mga 'yan, magiging okay pa din naman ako. Hindi naman ako mamamatay. Hindi kagaya ni Kitty. Na kahit alam nating okay na siya, nandiyan pa din 'yung panganib na sumubok kumitil ng buhay niya."

"France. Hindi mo hawak ang buhay ng mga taong malapit sayo. There's only one thing you can do. To stand firm for the people who need you. Kaya tumayo ka na diyan. Umuwi ka. Kumain, at magpahinga." Singhal ni Ella sa akin. Ilang sigundo ko lang siyang tinitigan. Hindi ko na siya sinagot, pero wala din naman akong balak sundin ang utos niya.

Lost University (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon