FRANCE
Anong nangyari? Ba't naging ganun?
“Hey, why do you look like that? Is there a problem?" Hindi ko napansin na nakasunod na pala si Ella at Ellice sa akin.
We were walking to the cafeteria and I was not even aware that we had reached the entrance. Masyadong abala ang utak ko sa inasta ni Titan kanina.
“Oo nga France. Kanina ka pa namin tinatawag, hindi ka naman nakikinig.” Ani Ellice sabay upo sa upuang nasa tapat ko. Si Ella naman ay sa tabi ko siya umupo.
Hanggang sa nakaabot na kasi kami sa favorite spot namin hindi pa din nawawala sa isipan ko ang tungkol sa pag-uusap namin ni Titan kanina. Biglang naging ganun?
“Kahapon, pumunta sina Mia at Coreen sa condo ko. Kasama sina Kyle at Renz, at si..si T-Titan.”
“What?” Biglang tumaas ang boses ni Ella na siyang ikinagulat ko.
“Ano kamo? Kasama ang Titan na 'yon? Anong ginagawa niya dun? Kailan pa kayo magkakilala?” Sunod-sunod naman na tanong ni Ellice. Hindi ko alam kung bakit ganun ang inasta nila.
“Kaibigan siya nina Mia at Coreen.”
"Why don't we know?"
“Hindi ko din alam nung una, Ella. Nagulat nalang ako nung nakita kong kasama siya nina Mia.”
“Tapos anong nangyari?” Tanong ni Ellice sa akin. Kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang kagustuhang marinig ang sagot ko.
“Nothing happened. I just tried to talk to him earlier because I just wanted to thank him dahil inaalagaan niya ako nung nalasing ako, pero-”
“Wait, what? Nalasing ka? Kailan pa, France? Bakit hindi namin alam?”
“Sanadali nga, Ella. Patapusin mo muna si France.” Suway ni Ellice kay Ella bago lumingon sa akin. “Ipagpatuloy mo.”
“Nalasing ako kagabi dahil nagkatuwaan ang barkada. Hindi ko pwedeng tanggihan si Mia. Kilala niyo naman ang babaeng 'yon.”
“Oo kilala namin ang babaeng 'yon. Kaya nga ayaw namin na patuloy ka pa din na makikipagkaibigan sa babaeng 'yon.”
“Hindi naman masamang babae si Mia, Ella. Alam mong sila ang kasa-kasama ko nung first year college tayo.”
Umirap siya pagkatapos marinig ang sinasabi ko. “Whatever. Tss.”
“Tapos, ano na namang issue niyo ni Titan?”
Lumingon ako kay Ellice. “Gusto ko siyang kausapin pero nagulat nalang ako dahil parang galit siya. Sinisinghalan niya ako at parang lalamunin niya ako nang buhay.”
Narinig kong napasinghap si Ella kasabay nang pakipagpalitan niya ng tingin kay Ellice. Hindi ko alam kung anong meron.
"W-What's the reason for him to treat you like that?"
“Hindi ko alam, Ellice. Hindi ko alam.” Honestly, I couldn’t help but feel sad. We were fine yesterday. Wala akong problema sa pinapakita niyang ugali sa akin nung nakaraan dahil alam ko naman na ganun lang talaga siya.
Pero bakit nag-iba siya kanina? Why do I seem to have committed a great sin against him? It seems like he was concerned about me yesterday, pero biglang naging ganun nalang ngayon?
"Nag expect ka ba?"
Agad akong napabaling kay Ella. "What do you mean?"
"I'll just remind you France. You don't know Titan very well. I know he's handsome, no woman doesn't like him, but you shouldn't get to the point where you expect anything from him."
![](https://img.wattpad.com/cover/259126542-288-k231157.jpg)
BINABASA MO ANG
Lost University (BOOK 2)
Mystery / ThrillerThis is sequel of lost University, so don't open this book if you haven't read the Lost University.