11: Dealing With The Devil

1.5K 86 6
                                    

France

I didn't sleep well last night. Hindi dahil nadadala ako sa sinabi ni Ehros, kundi dahil sa mga pangyayari. Hindi ako pumayag no'ng sinabi ni Ehros na do'n ako sa condo niya matutulog. Nagpupumilit akong ihatid niya ako dito sa bahay, buti nalang hindi na umangal pa.

Now, here I am, bangag. Parang lasing. Namamaga ang mga mata kahit hindi na ako umiiyak. Kakaisip ko sa nangyari kay Kitty ay nagmukha na akong sabog.

"Buti at bumaba ka na," Bungad ni mommy sa akin. Pumasok ako sa dining area at naabutan ko siyang nakaupo na sa hapag kainan. "Are you still crying?"

I nodded sparingly. Mommy wasn't used to me see me being quiet but I knew she would understand me.

Dito niya 'ko pinauwi kagabi dahil nalaman niya ang nangyari kay Kitty. Hindi ko alam kung kailan ako makabalik sa condo ko.

"What are you up to now, anak?"

"Hindi ko pa alam." Umupo ako sa harap niya. Dinampot ko 'yung kubyertos pero hindi ko alam kung anong gagawin dito.

"France, I know you. You do it as much as you can. But please! I hope what happened then doesn't happen again. I can't allow you to do things that will ruin you."

"Not anymore, mom." I just said.

The truth of that. I'm planning something, and I can't tell anyone. The things I was going to do were already set in my mind.

Ayaw ko na din mag explain pa kay mommy kasi alam kong hahaba lang ang usapan namin. And when she found out what I was up to, she would definitely scold me over and over again and maybe even get to the point of locking me in my room. Wala pa naman dito si daddy. Nasa Business trip siya at hindi ko alam kung kailan ang uwi niya.

Si Mitchell, hindi pa din tumawag. Kaya ang nangyari, ay nag-iisa siyang sermonan ako.

"Just make sure you're not planning anything, France. Because if you do what I'm afraid of, I'd better just die."

Pumikit ako ng mariin. Tuluyan ko nang ibinaba ang hindi ko naman nagamit na spoon.

"Don't worry mom, I won't do that" Tumayo ako at iniwan siya sa hapag kainan.

Alam kong masama ang magsinungaling . But this time, I had to do it for Kitty. Also, I promised to nay Cel that I would bring Kitty back. Hindi ko puwedeng balewalain 'yon. Buhay ang pinag-uusapan dito, at buhay ng babaeng naging kapatid ko na sa loob ng tatlong taon.

Hindi ako nagtatagal sa bahay dahil baka mahahalata ni mommy ang mga kilos ko. I can’t think of exactly what the first step I would take. She'll just keep talking to me and I might not be able to do the plan properly.

"Ito ang pinakamatibay sa lahat ng gawa ko, pero kailangan mo 'tong sanayin, France." Ipinakita ni Fabian sa akin ang isa sa mga gawa niyang punyal. Dito kasi ako dumeritso sa Shop niya. "By the way, where are you going to use it?"

"Babalik ako ng LU!" Nakita kong nagulat siya sa sagot ko.

Si Fabian ang nagligtas sa akin noon, nang minsan na akong nahimatay sa harap ng impyernong pinanggalingan ko.
Nakita niya ako noon na nakabulagta sa harap ng LU, kaya naman dinala niya ako sa Hospital. Those were the times that I don't remember anything, and until now I have not found the answer to my questions as to why I came in front of LU in those days. Pagkatapos no'n naging magkaibigan kami.

I could see how his eyebrows met. "What? Isn't that school gone?"

Alam niya ang tungkol sa University na 'yon, dahil pagkatapos no'ng Kalbaryo'ng nararanasan namin, the news about the University suddenly exploded. That’s what Ellice said after I asked her a day after my memories came back.

Lost University (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon