13: Way To Hell

2.2K 98 95
                                    

EHROS

Napa-smirked ako nang mapagmasdan ko ang lasing na lasing na kaibigan ni Emerald France. Natatawa ako sa pagiging pathetic niya.

Pumapayag sa hamon hindi naman pala kayo. Idiot!

Dito ko siya dinala sa Bar ko. Noong una nagtataka siya kung bakit dito ko siya dinala. Buti nalang nauuto ko siya.

"Prime. Baka magagalit sa atin si France niyan dahil nilasing natin ang kaibigan niya. Sana ikaw lang ang malalagot." Pahayag ni Myers na ngayon pati siya lasing na.

I just stared at him, then I turned my full attention back to Fabian who was now barely able to move due to drunkenness.

"I don't care! Besides, Emerald France is only mine. Papayag ba akong matalo sa gagong 'yan? Syempre hindi." Pagmamalaki ko.

Hindi ito big deal sa iba, pero para sa akin sobrang big deal nito.

"Bakit mo siya hinahamon na uminom, hindi naman pala kaya ng lalaking 'yan."

"Because I know he can't, right?" Angil ko.

Kanina pa siya kuda nang kuda. Ang daming napapansin. Para siyang K9.

"So paano na 'yan? Sino maghahatid niyan?"

"Itapon mo sa ilog pasig!"

"What?" Lumaki ang butas ng ilong niya dahil sa sinasabi ko.

Anong nakakagulat do'n?

"Tch!" I hissed. "Take him to your condo. Baka kapag i-uwi mo 'yan kung saan-saan pa mapadpad 'yan. Buti kung sa sementeryo, e paano kung pupuntahan ng gagong 'yan si Emerald France? Mapapatay ko kayong dalawa ng lalaking 'yan!"

Biglang tumayo si Myers at pumalakpak ng tatlong beses. Hindi natakot?

I frowned at him because he grabbed the attention of a few of our customers.

"Himala! Ngayon ko lang ulit narinig ang isang Titan Ehros Evan na nagsasalita ng gano'n kahaba!" Tuwang-tuwang pahayag niya.

Mas lalong lumalim ang pagkunot ng noo ko dahil sa kahihiyang ginawa niya.

"Umayos ka, Myers Santi Senidusa!" Singhal ko sa pagmumukha niya.

"Oo na," Humahalakhak siya bago umupo sa kaniyang upuan. "Grabe! Ngayon talaga ako natutuwa ng sobra. Akalain mo 'yon? Prime?"

Napahilamos ako sa aking mukha. Napipikon na ako sa kaniya, isali pa 'yong pagtawag niya sa akin ng Prime.

I poured the rest of the wine into my glass to calm myself. If I can't control myself, baka sapak na naman ang abutin sa akin ng lalaking 'to.

"Uy, teka, gumalaw si Fabian!" He quickly grabbed Fabian's head that was about to fall from leaning on the table. "Lasing na lasing ang gago!"

"I-uwi mo na 'yan." Utos ko.

I get tired when I see this Fabian's face. I will never forget how he challenged me yesterday to avoid Emerald France. Gago! Para masulo niya?

"Pero Prime-"

"Myers, isang sambit mo pa sa pangalan na 'yan, may kalalagyan ka na talaga sa akin."

"Psh. Oo na, hindi na." Tamad siyang sumandal sa upuan niya. "Kumsta si France?" Pag-iiba niya sa usapan.

Bigla akong nanlumo sa tanong niya. Ngayon pa lang ay namiss ko na ang babaeng 'yon. Gusto ko siyang puntahan kanina sa bahay nila pero ang tanginang Fabian, atat na atat sa laban namin.

"I miss her already." Mahinang tugon ko. Kapag ang babaeng mahal ko na ang pag-uusapan ko, bigla nalang kakalma ang sistema ko.

"Nagkasama kayo kahapon ah. Hindi halatang inlove na inlove ah."

Lost University (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon