France
Kung sumakit man nang bonggang' bongga ang ulo ko, ito na 'yon. Hindi ko alam kung anong klaseng lason ang nilagay nila sa injection at ganito nalang kasakit ang nararamdaman ko sa ulo ko pati na sa buo kong katawan.
Sinubukan kong igalaw ang mga kamay ko ngunit ang daliri ko lang ang naigalaw ko. Tuloy nararamdaman kong parang may hose na nakakabit sa balikat ko. Naramdaman ko din ang biglang pagkirot ng balat ko, parang may karayom na nakatusok dito.
Anong nangyari?
Sinunod kong ginalaw ang mga paa ko pero parang ang bigat-bigat ng mga ito. Pakiramdam ko may mga bakal na nakadikit sa mga magkabilang kamay at paa ko. Sa tuwing gagalaw ako ay tunog ng bakal ang maririnig ko. Ayaw ko pang imulat ang mga mata ko dahil natatakot ako sa maaaring makita ko. Pero sa pagsubok ko na igalaw ang katawan ko ay sobra-sobra akong natatakot.
Tahimik ang paligid. Walang kahit anong ingay maliban sa air-conditioned. Nakakaramdam ako ng lamig dahilan para nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan. Alam kong nasa LU pa din ako, pero wala akong idea kung saan sa LU ako naroroon.
Anong ginawa nila sa akin? Bakit ganito nalang kasakit ang nararamdaman ko sa buong katawan ko? Para akong tinurture. Nanghihina ako. Nawawalan ako ng lakas. Mas nangingibabaw ang sakit sa buong kalamnan ko.
"Narinig mo ba ang balita?"
Mas lalo akong nanlalamig nang may biglang nagsasalita. May mga yabag din akong naririnig at mukhang papalapit sila dito sa kinaroroonan ko.
"Hindi pa. Ano ba 'yon?"
"Ipakilala na ang bagong Suprema."
Suprema? Ibig sabihin babae ang susunod na SSG President?
"Sino?"
"Hindi ko alam. Wala naman tayong idea kung sino 'di ba?"
Ibig sabihin ba nito ay hindi galing dito mismo ang tinutukoy nilang bagong Suprema?
"O, e check mo na 'yan."
Naramdaman ko ang paglapit sa akin ng isa sa dalawang nag-uusap. Mga babae ito.
"Mukhang mahina ang katawan niya. Hindi niya kinaya ang gamot na itinurok sa kaniya kaya alam kong hindi pa siya gising." Saad naman nang isang babae.
Pinigilan ko na muna ang sarili ko na 'wag idilat ang mga mata ko. Baka kung ano-ano na naman ang ituturok nila sa akin kapag nalaman nilang gising na ako.
"Mukha nga. Paano siya nakapasok dito? Mahina naman pala siya."
"Hindi mo ba naririnig ang mga sabi-sabi? Na kaya siya 'yong pinili dati kasi ang lakas niya. Kaya siya hinihintay nang buong konseho dahil alam nilang magbabalik siya."
"Pero sa nakikita kong kahinaan niya, hindi siya nababagay dito. At saka sabi mo, sabi-sabi lang. Bihira lang ang nagkatotoo sa mga sabi-sabi."
Bakit ba nila pinagtatalunan ang bagay na 'yan? Pati pagpasok dito may requirements na pala. Dati, gustong-gusto nilang may maliligaw dito. Ngayon naman, namumroblema sila sa kalagayan ko.
"Hindi ba siya si Emerald France Meller?"
Agad kong nahigit ang hininga ko nang banggitin nila ang pangalan ko. Bakit ako nasali? Bakit nila ako nakilala?
"Oo. Sabi nila, siya ang dahilan kung bakit nabuksan ang LU dati at kung bakit maraming nakakalabas."
"Siya daw kasi ang susi."
"At saka siya din 'yong babaeng minahal nang dating Primo."
"Si Ehros Evan?"
"Oo."
BINABASA MO ANG
Lost University (BOOK 2)
Mistério / SuspenseThis is sequel of lost University, so don't open this book if you haven't read the Lost University.
