12: Welcome Back

1.6K 77 15
                                    

France

Nakakainggit, kasi ang ibang tao gumigising nang magaan ang pakiramdam at walang ibang iniisip. Ako, unang umaga pa lang ngayong araw, and I just woke up but fear and anxiety immediately engulfed me.

Halos mababaliw ako kakaisip kung anong klaseng laban ang napagkasunduan ni Fabian at Ehros. Natatakot ako para sa kanilang dalawa.

"Ang aga-aga pero 'yang mukha mo parang biyernes santo." Sita ni manang Inday sa akin pagkababa ko ng hagdan.

"Good morning manang Inday!" Humihikab kong bati dito.

I looked in the living room and I didn’t notice mommy’s bag on the table where she always put it.

"Good morning. Kumain ka na. Nakapagluto na ako."

"Sige po. Si mommy po?" Tanong ko.

"Maagang umalis. Nagkaroon daw ng emergency sa opisina. Pinapasabi niyang baka gabi na siya makakauwi."

"Gano'n po ba? Sige ho manang, aakyat na muna ako sa kuwarto." Pamamaalam ko. Ngayon ang tamang oras na gawin ang plano ko.

"Hindi ka ba kakain?"

"Mamaya po." I hurried upstairs after I turned my back on manang Inday.

Dahil sa pagmamadali ko ay hindi ko na inaalintana kung anong damit ang nadampot ko sa aking closet. Isa-isa ko itong isinuot at ang panghuli ay ang black hooded jacket. Sinuot ko din ang nadampot kong sneaker sa ilalim ng kama ko.

Pagkatapos kong magbihis ay bumalik ako sa ibaba at tumingin-tingin sa paligid. Napansin kong wala si manang Inday kaya sinunggaban ko agad ang pagkakataon upang makaalis ng bahay nang walang makakapansin.

Dumaan muna ako sa Crinton dahil may kukunin ako sa locker ko, my cellphone that I used when an unknown number texted me. Itinago ko ito sa locker ko sa takot na baka makita ito ni mommy.

"France, why are you here? Akala ko ba sa susunod na linggo ka pa papasok?" Salubong sa akin ni Tanya. Isa sa mga kaklase ko.

"I will just get something." Dumiretso ako sa locker ko at agad binuksan ito.

Napansin kong sumunod sa akin sa Tanya. I thought she would take something from her locker too but she just remained standing by my side and watched me.

"Siya nga pala, dumaan rito sina Amanda at Ella, hinahanap ka. They said they can't contact you and they can't find you at your condo either. May tampuhan ba kayo?"

May pagka-tsismosa itong si Tanya kaya hindi na ako nagugulat pa. Bagkus hinarap ko nalang siya at nginitian.

"No. I'm just taking care of something." Simpleng tugon ko. Alangan namang mag-explain pa ako sa kaniya.

Knowing here. Isa siyang dakilang fake.

I haven't seen my friends since the explosion. I was so affected by the incident that I did not have time to hang out with them. Masyado kasi akong naaapektuhan sa pangyayari kaya wala na 'kong panahon na makipagkita sa kanila. Ginugol ko nalang ang oras ko sa pag-iisip ng mga dapat gawin upang maisagawa ko na ang plano ko sa lalong madaling panahon. Hindi din nila ako nakontak kasi itinago ko ang Cellphone sa locker ko upang hindi maghinala si mommy.

Now, I don't know if I should show up to them, eh iiwan ko din naman sila dito. At saka sinasadya ko talaga na hindi magpakita sa kanila dahil iniiwasan kong makakaalam sila tungkol sa plano ko.

In this fight, I should face my enemy alone. Hindi ko kailangan ng kaibigan kung mapapahamak lang din naman pala sila sa huli. Mas mabuting ako lang dahil sanay naman na ako.

Lost University (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon