9: Hello Dear

1.6K 94 14
                                    

FRANCE

Kanina pa nagsasalita si Pyry at Amanda sa harap ko ngunit wala sa kanila ang atensyon ko. Nakatutok ang mga mata ko sa cellphone na hawak ko habang nanginginig ang aking mga kamay.

Unknown number? Four messages? Sino 'to?

May nagtetext sa akin pero hindi ko alam kung sino. Palagay ko hindi ito kabilang sa mga kaibigan ko dahil hindi ko kilala ang cellphone number.

Wala din naman sigurong gagawa ng kalokohan sa ganitong pagkakataon.

Binuksan ko ang mensahe para masiguro kung saan ba talaga ito galing.

Pero hindi ko alam kung matatakot ba ako o maiinis sa nabasa ko.

"Did you receive my surprise for you?"

"Something even worse will happen there if you don't come back."

"You'll be back. We'll see you soon. Hindi pwedeng hindi."

"Sisirain kita, hanggang sa maisipan ng dating Prime Master na babalik upang isuko ang sarili."

Patuloy pa din sa panginginig ang mga kamay ko habang binabasa ko ang lahat ng 'yon. Magkahalong takot at galit ang nararamdam ko. Kanino galing ang text na 'to? Prank ba 'to?

"France, ayos ka lang?" Puna ni Amanda sa akin.

Tumango ako nang pilit sa kaniya. Apat lang kaming naririto. Sina Ellice at Ella ay umuwi muna. Si Agares naman ay umidlip sa bakanteng upuan katabi ni Pyry. Tatlo nalang kaming gising.

Sa ganitong oras nang hating gabi, namamayani ang kaba sa aking dibdib dahil sa lintik na text message na 'to. May kaugnayan ba 'to sa nangyari kay Kitty?

I suddenly felt intense anger.

Kung sino man ito, may pananagutan sa akin ang hinayupak na ito.

"Sino ka?" I sent that message to an unknown number but I ran out of load kaya hindi nag send.

Naisip kong lumabas upang magpaload. Hindi ko papalipasin ang gabing ito nang hindi ko malaman ang taong nasa likod ng prank message na 'yon.

Tumayo ako at napansin agad 'yon ni Pyry. "Where are you going?"

"Maghahanap ng may nagtitinda ng load. I'll  just call Kitty's mom." Pagsisinungaling ko. As much as possible, I will keep it a secret first.

If I could solve it on my own, I would. Ayaw kong maulit na naman ang nangyari noon. Baka hindi ko na kakayanin pa

Tuluyan na akong nakalabas ng room at agad akong nagtungo sa may department store dito sa loob ng  Hospital ngunit wala akong nakitang may nagtitinda ng load.

Naisipan ko ding magtungo sa canteen baka sakaling may makita ako doon pero pagdating ko sa entrance ay sirado na ito. Kaunti nalang din ang mga taong nakita kong nag palakad-lakad sa labas ng bawat kwartong nadadaanan ko.

Balak ko sanang lumabas upang do'n nalang maghanap ng load pero masyadong malayo ang tindahan mula dito sa Hospital.

Bumuntong hininga ako at humakbang pabalik sa Room ni Kitty ngunit may nahagip ang mga mata ko. Nakita ko ang isang lalaki na nakatayo sa di mataong lugar at nakatingin sa akin.

Hindi ako pwedeng magkamali, sa akin talaga siya nakatingin.

Tinitigan ko siya at nang mahahalata niyang nakatingin din ako sa kanya ay nag-iwan siya ng isang nakakakilabot na ngisi bago tumalikod at humakbang palabas ng exit.

Kinakabahan ma'y nagawa ko pa ding ihakbang ang mga paa ko upang sundan ang taong 'yon. May kutob akong konektado ang taong 'yon sa nag prank sa akin at sa nangyari kay Kitty. That kind of smile, which seems to threaten impending doom. Mas kinabahan ako lalo.

Lost University (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon