10: Sweet Like Hell

1.5K 92 14
                                    

FRANCE

Nagkakagulo ang mga tao sa labas ng Hospital. May mga police na din ang dumating, pero walang nakakapagsabi kung sino ang may gawa no'ng pagsabog, o anuman ang dahilan nito.

Nasa labas na kami ng sasakyan ni Ehros pero hindi na kami lumapit do'n sa may sumabog.

"France! Anong nangyayari?" Humahangos na lumabas ng Hospital si Amanda kasama sina Pyry at Agares.

"Hindi ko alam," Mabilisan kong sagot. "Walang nakuhang kahit anong impormasyon ang mga pulis. Hinala nila, mga adik ang may gawa nito."

"Mga adik? Ang bi-big time naman ng mga adik na 'yon? Yung iba, utot lang ang kayang pasabugin, tapos ito, sasakyan na? Awesome!" Hindi ko alam kung naniniwala ba si Pyry sa sinasabi ng mga pulis, or he's just being sarcastic.

"Sana mga adik lang."

"Huh? Anong ibig mong sabihin, France?"

Tumingin muna ako kay Amanda bago umiling. "Wala. Nevermind."

I took a deep breath.

Nasa likod ko lang si Ehros, nakatayo. Sabay kasi kaming bumaba no'ng nangyari ang pagsabog.

"Pero kinakabahan talaga ako do'n ah! Akala ko may nangyari ng masama sa inyo."

"Marami din pala ang mga siraulo dito. Kotse pa talaga ang pinagtitripan na pasabugin." Puna ni Agares sa kotse na umaapoy pa.

Pansin ko din na kagigising lang niya. Kung walang sumabog, siguro hanggang ngayon humihilik parin 'to.

"Bakit dito kayo sa labas nag-uusap?" Diretsong tanong ni Pyry kay Ehros. Nagsasalita na siya kanina pa, pero ngayon lang niya naisipang itanong 'yan. Salubong ang kilay niya na parang hindi niya nagugustuhan ang nakikita.

I bit my lower lip. I don’t know how I’m going to answer him kapag sa akin naman siya nagtatanong.

"What's wrong with it?" Pabalik na tanong ni Ehros. Tinapunan niya ng malamig na tingin si Pyry.

"Ssh!" Suway ni Agares sa dalawa kahit nasa kotse'ng sumabog pa din ang atensyon.

Paulit-ulit akong napalunok. Kinakabahan ako. Nag o-overthink that Ehros might say something about what we talked about. Ayaw kong iba ang iisipin ni Pyry.

Sandaling namayani ang katahimikan sa pagitan naming lima. Kahit maraming tao ang nakikiusyuso sa pangyayari, I still felt a strange awkwardness.

"Who's with Kitty?" Nagkatinginan silang tatlo sa tanong na 'yon ni Ehros.

Tama, ngayon ko lang napansin, and it’s only now that I realize that almost all of them are here.

"Nando'n si nay Cel." Tumingin si Amanda sa loob ng Hospital. Parang hindi sigurado sa sagot.

Bigla akong kinabahan. Ngayon lang din bumabalik sa isip ko ang lalaki na nakikita ko kanina. Yung text. Yung mga ngisi niyang kakila-kilabot.

Napasinghap ako. "Bumalik na tayo sa loob!" I could no longer control myself and I just realized that I was running back inside the Hospital.

As I made my way to the room where Kitty was, a strange tremor took over my chest. It’s getting louder and louder. I felt like I was getting drunk and I felt like I was spinning around.

"France!" Dinig ko ang boses ni Amanda sa likuran ko pero hindi ko magawang lumingon.

Suddenly my vision blurred. Parang may mga pangyayari na lumitaw sa balintataw ko and I could clearly see them in my mind.

Pinilig ko ang ulo ko at sinubukan ang sarili na tumakbo ng maayos.

Sa likuran ko, rinig na rinig ko din ang mga yapak na sumusunod sa akin.

Lost University (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon