TITANDamn! Paano siya uminom nang ganun ka dami? Hindi ako na inform na lasinggera din pala ang babaeng 'to.
“T-Titan.” Tawag niya sa pangalan ko.
Inihiga ko siya sa kama dahil pawis na pawis siya. Balak ko siyang bihisan. Wala na kasi akong mauutusan dahil umuwi na din sina Mia. Lasing na din kasi ang mga 'yon.
“Fvck! Stop moving, stupid!” I shook her hand hard because it would move. She almost touched my private part.
“Titan...sino ka ba talaga?” Muling tanong niya sa akin na ikinapikit ko. Why is she blabbering on?
I still continue what I do because I have no choice but to dress her. She was already bathing in her sweat. I closed my eyes as I took off her top.
“P-Parang...parang may tao akong naaalala
sayo...kasing ugali mo siya. Magkamukhang magkamukha kayo...Si--si E-Ehros...” Natigil ako sa ginagawa ko dahil sa pangalang binanggit niya.Unti-unti kong minulat ang aking mga mata at sa pagkakataong 'to, wala na akong pakialam kung ano ang makikita ko.
Did she mention my name? Did she? I heard that. I heard that very well. Hindi ako lasing, at alam kong pangalan ko 'yung binanggit niya.
Bigla nalang namamasa ang mga mata ko at hindi ko alam kung para saan ang luhang nangingilid sa magkabilang pisngi ko.
Does she remember me?
Baby ..
Hindi ko alam kung paano ko nabihisan si France kagabi. Dala ng emosyon ay parang wala na sa akin ang ginagawa ko. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa oras na 'yon. Sobrang saya ko ngunit may pangamba. Kaya ang iniisip ko na lang sa oras na 'yon ay ang matapos ang gabing iyon. Para makausap ko siya tungkol dun sa sinasabi niya, nang hindi siya lasing.
Hihintayin ko ang bagong umaga.
"Where have you been?" That was my grandfather's introduction to me when I entered our house.
Hindi ko alam kung concern ba siya sa akin o natatakot siyang mawalan ng tagapamahala ang mga negosyo ni daddy.
Tamad akong umupo sa couch. "If you're worried that I might not be able to do my job well, don't worry, I won't break my promises.”
“I'm worried about you Titan. You can't take that away from me.”
Natawa ako nang mapakla. “I won't fight when it comes to those things. Because I know the truth and the lie.”
“Titan.” Napapikit ako nang mariin dahil boses ni Myers ang narinig ko. Hindi na bago sa akin na araw-araw siyang nandito, pero base sa tono niya, alam kong may hatid 'yung masamang balita.
“Whatever it is, say it quickly. My head is aching." Sabi ko sa kanya bago ko imulat ang aking mga mata.
Hindi ko na nakita si lolo sa harapan ko. Malamang umalis na ito pagkatapos marinig ang boses ni Myers.
“Dala ko ang folder na naglalaman ng information patungkol sa kalagayan ni France...here.” Ipinatong niya sa ibabaw ng mini table ang folder na dala niya.
“Ang laman ba niyan ay good news? O bad news?...Ah no, kung ano man ang laman niyan, natitiyak kong walang good news diyan.” Pagbawi ko agad sa sinasabi ko. Kung ano man ang laman ng folder na 'yan, I'm sure na hindi 'yon makakabawas sa bigat ng nararamdaman ko.
“Just read it.” He sat down in front of me and stared at me intently.
Umiling ako sabay dampot ng folder. Nagdadalawang isip akong buksan ito at basahin but I need this info now. Para na din malaman ko kung ano ba talaga ang kalagayan ni France.
BINABASA MO ANG
Lost University (BOOK 2)
Mistério / SuspenseThis is sequel of lost University, so don't open this book if you haven't read the Lost University.