FRANCE
Lutang ang isip ko sa kawalan. Kahit discuss ng prof namin hindi ko na inintindi. I don't understand. I had a dream last night, and that dream never left my mind, ‘till now. Parang pilit itong umuukit sa utak ko na kahit anong waksi ko ay hindi ko magawa.
Anong klaseng panaginip ‘yon? Bakit kakaiba ang panaginip na ‘yon? In that dream, I was talking to a man and we were having fun, but suddenly that scene disappeared, and was replaced by mixed incident. Incident that I do not understand. I feel like that incident has a big connection to me.
“Ms. Meller, are you listening?” kung hindi pa ako siniko ni Ragnar, hindi ko mapapansin ang pagtawag sa akin ni Prof. Andrew.
“Y-Yes Prof.” sinalubong ko ang nakakatakot na tingin ni prof sa akin. Sanay naman kami sa ganung klaseng tingin niya.
“Really? So, what are the two types of cell?”
Napakunot ang noo ko dahil sa klase ng tanong niya. Napaka basic naman ng tanong na ‘yon. 3rd year college na ako sa kursong nursing pero ngayon pa talaga niya ako tanungin tungkol sa Cell? Pssh.
I couldn’t help but raise the corner of my lip. “The two cell types are eukaryotic and prokaryotic.”
“At ano naman ang eukaryotic at prokaryotic?”
“Eukaryotic, which contain a nucleus, and prokaryotic, which do not. Prokaryotes are single-celled organisms, while eukaryotes can be either single-celled or multicellular.”
“Hindi talaga kita kayang e-underestimate. Okay, sit down.” I smiled slyly. I know that even though prof has that attitude, he is still proud of us.
Our class ended early, so I still had plenty of time to roam. I also couldn't keep up with my three friends because we took different courses, so we'll only meet once.
“France, hintay!” napasimangot ako dahil panigurado, makakasama ko na naman ang asungot na ‘to. May balak pa naman sana akong gumala ngayon. Minsan na nga lang mapayapa ang buhay ko, eepal pa ang lokong Ragnar na ‘to.
“Ano na naman?” hindi ko maiwasang sigawan siya. Nakakabadtrip lang. Kung wala ang mga kaibigan ko upang kulitin ako, si Yago naman ‘yung nandiyan. Kung hindi naman si Yago, itong gunggong na ‘to.
“Pasabay naman.”
I raised an eyebrow at him. “Ragnar naman, nakakasawa na ‘yang pagmumukha mo. Sa classroom, magkatabi tayo, pati ba naman sa mapayapa kong buhay?”
“Kailan pa mapayapa ang buhay mo?”
“Ngayon, kaso naglaho agad! Alam mo, badtrip talaga kayong dalawa ni Yago e, wala man lang bang matino sa inyong dalawa?”
Tumaas baba ang magkabilang kilay niya. “Gwapo lang si Yago, matino ako, hindi ba dun ka naman sa matitino?”
“Pinagsasabi mo?”
Bigla siyang tumawa at kinuha ang dala kong books. “Alam mo, gentlemen ako minsan.”
“Araw-arawin mo na, malay mo, mababawasan ang pagkainis ko sa pagmumukha mo.”
“Grabe ka naman sa akin, ang harsh mo.”
“Noon pa!” inirapan ko siya at nauna nang maglakad sa kanya. Balak ko sanang gumala kaso nandito na naman ang asungot. Hindi talaga mawawalan ng asungot ang buhay ko.
“France, sandali.” inis akong huminto at nilingon si Ragnar. Huminto din siya pero wala sa akin ang tingin niya, kundi dun sa babaeng kinakawawa ng tatlong lalaki.
Itinutulak nang isang lalaki ang ang babae kaya napasubsob ito sa damo. Imbes na awatin ay pinagtatawan pa ito ng dalawang kasamahan. I was a little bored because of what they were doing but since I woke up at hospital bed, I was too lazy to interfere in other people's problems.
BINABASA MO ANG
Lost University (BOOK 2)
Mystery / ThrillerThis is sequel of lost University, so don't open this book if you haven't read the Lost University.