4: Stricken

2.3K 142 32
                                    

FRANCE

Cup cake, lasagna, carbonara, at limang box ng pizza at isang case na beer. Pinagmasdan ko ang hinanda kong meryenda na nakalagay sa table glass ko.

“Okay, tama na ‘to.” kausap ko sa aking sarili. Ako lang naman kasi mag-isa dito sa condo ko, pero dahil may mga bisita ako ngayon na kaibigaan ko nung first year college palang ako, naghanda ako ng meryenda. Matagal-tagal na din kasi kaming hindi nagkikita dahil bigla nalang silang lumipat ng paaralan nang hindi ko naman alam ang dahilan.

Sabi ni Mia, kasama din daw nila ang boyfriend nila, at ang isang kaibigan na kararating lang daw galing ibang bansa. Siguro kasya na sa amin ang meryenda na hinanda ko. Wala naman kasi akong sapat na pera para magpapaluto ng masarap at marami, nahihiya din akong humingi kay Mitch dahil tinatanggihan ko siya nung binigyan niya ako ng pera. Baka kung ano pa ang sasabihin non kapag hihingi ako pagkatapos kong tanggihan ang ibibigay niya sana.

Na miss ko na din kasi ang mga kaibigan kong ‘yon. Dapat sana bongga ang ihaharap ko sa kanila. Ilang taon na din na hindi kami nagkita. Si Mia na Nursing ang kinuhang kurso. Magaling talaga siya pagdating sa first aid kahit walang kagamitan. Si Coreen naman na Law ang kinuha dahil matalino. Pareho silang galing sa mayayaman na pamilya. Businesses man ang daddy ni Coreen at mahigit limang negosyo ang meron ang pamilya niya. Fashion designer naman ang mommy niya.

Si Mia naman, General ang papa niya at may mga boutique din ang mommy niya. Nag-iisang anak kaya spoild. Samantalang ako, wala, mahirap, walang pera. Mayaman ang mga magulang namin, pati si Mitchell. Si daddy, may sampung kompanyang pinapalakad. Wala na nga siyang oras sa amin. Si mommy naman, doctor, at palagi ding wala sa bahay. Kaya naisipan kong lumipat nalang ng condo. Mahirap ako e. Nag-iisa ako. Siguro, simula pa noon.

Hindi kagaya nila Mia at Coreen. They both have talent, and that’s exactly what the course they took. Mas maldita nga lang si Coreen kumpara kay Mia. Pero sweet si Coreen kumpara kay Mia. Sa aming tatlo, si Mia ang pinaka-matanda. Si Coreen ang pangalawa at ako ang pinaka-bata. Sa amin ding tatlo, silang dalawa ang magaling sumayaw, ewan ko lang sa akin. Simula kasi nung nagising ako, wala na akong alam tungkol sa sarili ko. Hindi ko nga alam kung saan ba talaga ako magaling. Pakatatag tayo self.

Natigil ako sa pagmumuni-muni nang marinig ko na tumunog ang doorbell. Agad akong nagtungo sa pintuan at sinilip kong sino ang nasa labas. I just smiled when I saw who was standing outside my door.

“Hi France, we miss you.” pambubungad agad ni Mia at Coreen sa akin. May kasama silang dalawang lalaki, ay mali, tatlo pala, nahuli lang ang isa. Pero natuod ako nang maalala ko kung sino ito. Si Titan. Ang maatittude na si Titan.

“You won't let us in?” natauhan lang ako dahil sa boses ni Coreen.

I gave them a way to get inside, pero nanatili ang tingin ko kay Titan na nakalagay ang dalawang kamay sa pocket niya at walang ka emo-emosyon ang pagmumukha. Pero gwapo pa din. Gwapong-gwapo. Ang ganda ng kulay ng mata, nakakalandi.

“P-Pasok-” hindi ko pa natapos ang sasabihin ko ay pumasok naman siya agad ng hindi ako tiningnan. Grabe naman ‘to, para naman akong hangin sa panigin niya.

Tuloy-tuloy lang ang pasok nila sa loob, at huminto sila sa tapat ng table na puno ng pang meryenda. Pero ako, nakatingin lang ako kay Titan, and I didn’t take my eyes off him.

“What? Is this all you will feed us? France naman, ang kuripot mo.” napakurap ako dahil sa sigaw ni Coreen. Para siyang bata na binilhan ng pagkain na hindi niya gusto. Napaka arte pa din kahit kailan.

Napasimangot ako. “Hindi naman kasi ako mayaman.”

“Hindi daw, e ang laki-laki ng condo mo. Kuripot ka lang talaga.” umupo si Mia sa sahig at humarap sa mga pagkain. “Pagtiyagaan ko nalang ‘to.”

Lost University (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon