Chapter 11

4.8K 154 24
                                    

Emilia

Simula pagkabata, hindi ko naranasan na maging masaya, ang magkaroon ng kompletong pamilya, at maramdaman kung papaano ba mahalin pabalik. Dahil simula nang mamatay ang mga magulang na siyang nag-aruga sa akin, sa lansangan ako nanirahan nang halos limang taon bago ko makilala si Andoy.

Nang makilala ko si Roman at nabuo si Rowan. Ipinangako ko noon sa sarili kong mamahalin ko sila at ibibigay ko ang lahat nang makakaya ko. Kahit na maubos na ang para sa sarili ko, makita ko lang silang masaya ay pakiramdam ko, masayang-masaya na rin ako.

Ngunit hanggang ngayo'y hindi ko man lang nakikitang masaya si Roman nang magsam kaming dalawa. Ginawa ko na ang lahat, ibinigay ko ang lahat nang makakaya ko ngunit hindi iyon sapat. Ang dami kong ibinigay na pagkakataon sa kaniya at ang tagal na panahon akong naghintay na makita siyang ngumiti kahit na isang beses lang.

Gusto kong ibalik iyong Roman nang makilala ko siya. 'Yung Roman na hindi nawawala ang ngiti sa kaniyang labi, iyong Roman na walang lungkot at pagsisisi na nakikita sa kaniyang mga mata at iyon Roman na una kong minahal.

Ngunit habang tumatagal ang pagsasama naming dalawa. Unti-unti kong nalalaman na hindi ako ang babaeng para sa kaniya at hindi ako iyong babaeng magpapasaya sa kaniya.

Tama nga siya, ako lang iyong babaeng nag-take advantage dahil lasing siya nang may mangyari sa amin at mabuo ang anak namin. Hindi dapat ako iyong nandito ngayon at kasama siya. Kundi iyong babaeng nilalaman ng kaniyang puso, iyong babaeng totoo niyang mahal.

"Momma, you look sad po." Napabalik ako reyalidad nang tawagin ako ng anak ko. Napatingin ako rito at saka ako ngumiti sa kaniya.

"Bakit naman ako malulungkot, 'nak? Kasama kita ngayon at wala rin trabaho ang Papa mo kaya masaya si Momma dahil ipagluluto ko kayo ng masarap na pagkain," sabi ko at saka kinurot ang pisngi niya pero hinawi lang niya iyon na ikinatawa niya.

"I'll help you." Umangat ang tingin ko at ibinaling naman ang tingin kay Roman. Nakatayo ito malapit sa pintuan ng kusina.

Sabado ngayon at nag-request si Rowan nag magkaroon daw kami ng family day. Gusto niya na buong araw ay magkasama lang kaming lahat. Nalaman kasi niya na tuwing Sabado at Linggo ay mayroong family bond ang mga kaibigan nito kaya heto't gusto rin daw niyang magkaroon.

Minsan lang siyang humiling sa amin at wala kaming nagawa kundi ang payagan ito. Mabuti na lang dahil pumayag din si Roman sa gusto ng anak nito.

"Me too po! I wanna help momma kasi si Alyana, she always help her Lola sa kitchen."

Tumango na lang ako sa kanilang dalawa. Sinabi ko naman kung ano ang puwede nilang gawin at ganadong-ganado si Rowan habang tumutulong ito sa pagluluto. Wala naman siyang ginagawa dahil pinapatikim ko lang sa kaniya ang niluluto ko pero tuwang-tuwa na siya roon.

"Fuck!" Napatingin ako nang napasigaw si Roman. Mabilis ko  siyang nilapitan at kinuha ang kamay nitong nasugatan niya. Pinapahiwa ko kasi sa kaniya ang patatas at heto, pati ata ang  daliri niya'y gusto niyang hiwain.

Hinila ko siya papalapit sa lababo para hugasan ang kamay daliri nitong nasugatan. Ayaw kasing tumigil ang pagdurugo kahit na maliit lang naman iyong sugat.

"M-Masakit ba?" tanong ko sa mahinahon at may pag-aalalang boses. Pinatay ko muna ang gripo at saka ko tinignan ang kamay daliri nito.

"I heard Papa's voice po. What happened, momma?" tanong nang kakapasok lang na Rowan. Galing kasi ito sa taas dahil may kukunin daw siya at mayroon nga siyang dalang papel sa kaniyang kamay nang bumalik ito.

"I-I'm okay. You can let go of my hands. Malayo iyan sa bituka," narinig kong sabi ni Roman kaya ibinalik ko ang tingin sa kaniya at sa kamay nitong hanggang ngayo'y hawak-hawak ko pa rin.

Mabilis ko itong nabitawan. "Malayo sa bituka? Pero kung makasigaw, daig mo pa ang nanganganak na kambing," pagbibiro ko ngunit masamang tingin lang ang natanggap kong sagot.

"Nagulat lang ako." Natawa ako nang mahina sa sagot niya at saka siya tinalikuran.

"Okay. Nagulat lang pala ang Papa mo, 'nak. Akala siguro niya sa kamay niya ay patatas," sabi ko habang bumabalik sa niluluto ko. Patapos na rin naman ito at hinihintay ko na lang na kumulo.

"Fine! I hurt." Natigilan ako saglit sa paghahalo nang niluluto ko. Dahil pakiramdam ko, may iba pang ibig sabihin para sa akin ang sinabi nito ngunit agad kong iwinaksi sa isip ko iyon.

"Lagyan mo na lang ng band aid 'yang sugat mo. Nasa cabinet sa taas ang first aid kit," sabi ko at saka itinuon na ang sarili sa niluluto kong ulam.

"Yieeh! Si momma concern kay papa!" Pinatay ko ang stove nang tumili ang anak ko. Nilingon ko ito habang nakangiting nakatingin sa amin. Napansin ko si Roman na nakatingin din kay Rowan. May hawak na itong first aid kit sa kamay niya na kinuha niya sa cabinet na nasa itaas lang ng lababo.

"Ikaw talagang bata ka. Ano ba iyang ipapakita mo?" kunwari ay pagtataray ko sa kaniya pero hindi naman siya natakot.

Ipinakita lang nito ang hawak-hawak na papel. May nakaguhit doon gamit ang krayola. Tatlong tao ang nandoon na magkakahawak ng mga kamay at may nakasulat sa ibaba nito nang; Momma, Rowan, at Papa.

"I borrowed Alyana's colors po then I drew this one. It's our family picture po," aniya.

Napalingon ako kay Roman at nagulat ako dahil may nakita akong pagkaawa sa mga mata niya. Ako rin naman, naaawa ako kay Rowan. Dahil may kompleto nga siyang pamilya ngunit alam kong pakiramdam niya'y hindi siya buo.

Hindi naranasan ng bata nag magkaroon ng isang masayang pamilya. Palagi kasi nitong nakikita na nag-aaway kami ng ama niya, palagi niyang naririnig ang sigawan naming dalawa at palagi niya akong nakikita na umiiyak noon.

Ni minsan ay hindi nito naranasan na lumabas kasama ako at ang kaniyang ama. Ni minsan ay hindi niya naranasan na magkaroon ng isang masayang birthday party dahil noon ay dalawa lang kaming nagbi-birthday. Busy kasi palagi si Andoy at pinapadalhan lang ang bata ng regalo, maging si Rowan ay minsan wala ito sa bahay ngunit umuuwi naman itong mah regalo sa bata. Pero alam kong hindi iyon sapat para sa anak, gusto nito na magkaroon ng isang masayang pamilya katulad ng mga kaibigan niya.

"P-Puwede ba kitang makausap?" pagtawag ko sa pansin ni Rowan na abala sa paghuhugas ng mga pinggan. Inihatid ko kasi muna si Rowan sa kaniyang kuwarto dahil gusto nitong matulog at pintulog ko na muna bago ako bumalik dito. Hindi ko naman siya sinabihan na maghugas dahil magmula nang ipakita ni Rowan ang drawing nito'y hindi na ito nagsalita pa.

"If it's about the annulment na gusto mong mangyari. I don't want to talk to you, Emilia. Nakakarindi ang tung-"

"Tungkol kay Rowan, sa anak natin, Roman. Gusto ko siyang magkaroon ng masayang pamilya, gusto kong iparanasan sa kaniya ang bagay na hindi ko naranasan noon. Maari ba iyon? Puwedeng bang kahit sa maikling panahon lang, Roman. Iparanasan naman natin sa bata ang isang buo at masayang pamilya."

Pinatay nito ang gripo sa lababo at pinunasan naman niya ang kamay niya. Bago siya humarap ay isang ngiti ang sumilay sa kaniyang labi. Iyon ngiti na noon ko pa gustong makitang muli, iyong ngiti na may maputi at pantay-pantay na mga ngipin, at iyong ngiti na siyang isa sa mga nagustuhan ko sa kaniya.

"Can I also be your husband and make you feel like you have  one?"

*****

Kinikilig ako. Nakakadalawang updates ako today!

WIFE SERIES: The Annulment (Completed) [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon