Chapter 22

4.9K 205 55
                                    

Emilia

Akala ko, tatanungin ako nito kung ano ang naging usapan namin ni Kristina noon sa loob ng company. Ngunit isang araw ang lumipas, nanatiling tikom ang bibig nito tungkol doon. Akala ko, pagagalitan ako o 'di kaya'y sisigawan ngunit walang nagbago sa pakikitungo niya sa amin ng anak ko.

Pero hanggang ngayon, hindi pa rin panatag ang loob ko sa lahat ng mga nangyayari. Hindi ako mapakali lalo pa't pakiramdam ko, may dapat akong malaman.

"I'm going. Mag-iingat kayo," paaalam ni Roman. Nakasuot na ito ng isang royal blue three pieces suit.

"Sandali," pagpigil ko at mabilis ko siyang nilapitan. Hindi ko alam kung bakit ko 'to ginawa. Ang pag-ayos sa suot niyang neck tie. "B-Baka magtaka sila kung bakit hindi maayos ang pagkakasuot mo."

"Thank you," mahinang sabi nito. Agad din naman akong lumayo at ngumiti sa kaniya.

"M-Mag-iingat ka," aniko at tumango lang ito. Muli siyang nagpaalam sa amin at saka lumabas na ng bahay.

"Momma, saan po pupunta si papa?" tanong ng anak kong kanina pa tahimik. Nakapantulog na 'to dahil gabi na rin at hindi siya puwedeng magpuyat.

"Sa party, 'nak." Ngumiti ako. "Gusto mo ba mag-overnight kina Alyana?" tanong ko.

Agad nagliwanag ang kaniyang mukha. Kaya ilang sandali lang ay may nag-door bell na. Kinuha ko naman ang inihanda ko nang mga gamit ni Rowan at saka kami sabay na lumabas ng bahay. Naabutan ko si Agatep sa labas na may dalang flashlight.

"Good evening," bati nito at ngumit na abot hanggang tainga.

"Momma, aren't you coming with us?" tanong ng anak ko nang mapansin siguro nitong wala akong dalang gamit.

Umiling ako't pinantayan siya. Hinawakan ko ang kaniyang magkabilang kamay at tumingin nang diretso sa kaniyang mga mata.

"May gagawin lang si momma, 'nak. Kaya do'n ka na muna sa kanila, okay? Babalik din ako."

Nakita ko ang pag-aalinlangan sa mga mata niya ngunit hindi ako nagpapigil. Tumayo ako at tinignan si Agatep na mukhang naghihintay rin.

"Bantayan niyo s'ya para sa akin. Babalik din ako," sabi ko rito.

"'Wag kang mag-aalala, ako'ng bahala sa anak mo." Ngumiti ako at nagpasalamat. Agad din naman silang umalis. Akala ko'y magtatanong pa ang anak ko ngunit mukhang excited din na doon muna makitulog kina nanay Asunta.

Kaya nang mawala sila sa paningin ko'y agad akong pumasok sa loob ng bahay. Tumingin ako sa wall clock na nakasabit malapit sa TV at nakitang hindi pa nagsisimula ang party.

Balak ko kasing pumunta roon ngayon. Alam ko naman ang lokasyon nito dahil nakita ko iyon sa invitation na nakalagay sa ibinigay nila kay Roman. Pinagplanuhan ko na 'tong mabuti. Itong gabing ito ang tamang panahon para malaman ko kung ano man itong gumugulo sa isipan ko.

Naihanda ko na ang lahat ng susuotin ko. Mabuti na lang at hindi nagtanong si Roman kung bakit inaayos ko ang mga gamit namin kaninang umaga. Kaya sa tingin ko, nakikiayon sa akin ang bawat oras.

Nagsuot lang ako ng isang royal blue gown na may may lace sa kaniyang balikat. Hapit ito sa aking katawan at hulmang-hulma nito ang maliit kong balakang. Ito ang kauna-unahang magsusuot ako ng ganito. Binili ito ni Roman noong pumunta kami sa mall at mabuti, magagamit ko ito ngayong gabi.

Marunong din naman akong maglagay ng make up. Kaya naglagay ako ng light make up lang sa aking mukha. Nang tignan ko ang sarili ko, inayos ko muna ang buhaghag kong buhok at saka ako ngumiti.

WIFE SERIES: The Annulment (Completed) [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon