Chapter 32

4.9K 139 27
                                    

Emilia

Alam kong hindi man kami lubos na nagkaintindihan ni Roman, alam kong alam na nito kung ano'ng gusto kong ipahiwatig. Nais kong malaman niyang binibigyan ko siya ng isa at huling pagkakataon, na sana'y ingata niya. Dahil sa oras na masira pa iyon, hindi ko na alam kung ano pang mangyayari sa amin.

Bago sumikat ang araw ay dumating ang cake na ipina-customize ni Roman kahapon. Captain America ang halos desenyo nito dahil iyon ang paborito ni Rowan, halos lahat na ata ng movie ng Captain America ay napanood na niya.

Agad din kaming nagluto, tinulungan ko na kasi ang mga kasambahay sa pagluluto. Lalo pa't mas alam ko kung ano ang mga paboritong pagkain ni Rowan. Hindi naman na ako pinigilan ni Roman dahil ito rin ang gusto ko. Habang siya nama'y bumalik sa kaniyang laptop at mukhang may tinapos lang na trabaho roon.

"Ang suwerte niyo po kay sir, ma'am." Napatingin ako sa nagsalita habang kasalukuyan kong hinahalo gamit ang sandok itong niluluto ko.

"Bakit po? At saka 'wag niyo na akong tawaging ma'am. Emilia na lang po," sabi rito. Ngumiti siya habang hinuhugasan ang mga nagamit naming mga gamit sa pagluluto. Patapos na rin kasi kami at malapit nang magising si Rowan.

"Kasi po ang bait-bait niya. Alam niyo po bang may mga babaeng pumupunta rito pero agad niyang pinapalayas. Ipinapakita niya ang portrait niyo sa may dingding. Hindi ako makapaniwala na sobrang ganda niyo po pala sa personal," sagot nito. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti dahil sa mga sinabi niya.

"S-Salamat po." Ngumiti ako na mula sa aking puso. Hanggang ngayon, naguguluhan pa rin ako sa ugali ni Roman ngunit masaya ako na nagbago siya.

Ang hindi ko lang maintindihan, kung mahal niya ako noon pa man. Bakit kaya gano'n na lang niya ako tratuhin? Bakit kaya pinatagal pa niya nang sampong taon bago niya sabihin sa akin ang totoo?

Umiling na ako sa aking isipan at itinuon na lang ang sarili sa pagluluto. Ilang minuto rin ang lumipas at natapos namin ang lahat. Nakakapagod pero masaya ako dahil ito ang kauna-unahang birthday ni Rowan na kasama ang kaniyang papa, na kompleto kaming tatlo.

"GOOD MORNING PEOPLE! YUHOOO!" Mabilis akong naghugas ng kamay at pinunasan ang sarili. Lumabas ako ng dirty kitchen at saka nagtuloy-tuloy papasok hanggang sa makarating ako sa sala nitong bahay.

Kumunot ang noo ko sa lalaking dumating, may kasama rin itong babae na hawak niya sa baywang. Dumating naman si Roman bago pa nila ako mapansin.

"Your voice was so loud, Rupert! Umayos ka. You're in my territory!" nakakatakot na sabi ni Roman at nagulat ako nang tumingin ito sa akin ngunit lumambot din ang ekspresiyon niya sa mukha. "Are you done?" tanong nito't lumapit pa sa puwesto ko.

Nagulat ako nang gamit ang kamay niya'y bigla nitong pinunasan ang nasa pisngi ko. Hindi ko iyon napaghandaan kaya bago ko pa mahawi ang kamay niya'y natapos na niya akong punasan.

"You have dirt on your face. I told that you should rest. But still, you're beautiful kahit na may marumi sa mukha mo." Ngumiti siya.

"Ehem! Hey! Nandito kami. Respeto naman po!"

Doon ko lang naramdaman ang pag-iinit ng magkabila kong pisngi. Para akong binuhusan ng malamig na tumig dahil sa hiya. Kung maaari lang ay puwede na akong lamunin ng lupa para makawala ako sa kahihiyan.

"A-Aakyat lang ako kay-kay Rowan," mabilis kong sabi at hindi na hinintay pang makasagot si Roman. Dahil agad akong nagtatakbo papaakyat sa second floor. Nang makapagtago ako sa hallway ay bigla akong napasandal sa mismong pinto ng isang kuwarto.

WIFE SERIES: The Annulment (Completed) [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon