Chapter 29

5.2K 145 23
                                    

Emilia.

"Papa told me that you weren't married." Nagulat ako sa biglang sinabi ng anak ko. Natigilan ako sa paghaplos sa kaniyang malambot na buhok.

Nakahiga na kaming pareho sa aming kama at balak na naming matulog. Ngunit ang batang ito'y gusto pang magkuwento hanggang sa ito na ang sasabihin niya? Hindi ako makapaniwala. At, ano na namang gustong iparating ng lalaking iyon?

Binaliktad ba niya ako sa anak ko? 'Yan ang mga katanungan sa isipan ko.

"A-Ano ba 'yang pinagsasabi mo, Rowan. Masyado ka pang bata para sa mga usapang 'yan," imbes na sagutin ang tanong nito'y iyan ang sinabi ko. Ayaw ko lang marumihan ang isipan nito. Kaya hangga't maaari, ayokong pag-usapan namin ang tungkol doon.

"I just wanted to know. My classmates have a completed family. They were so happy. Gusto ko rin po nang gano'n, momma. Ayoko po na ganito kayo ni papa. Please, gave him a chance po?"

Ipinikit ko nang mariin ang mga mata ko. Humugot ako nang malalim na buntonghingina. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isipan ni Roman at kung bakit hindi pa rin kami nito hinahayaan na lang?

"Rowan..." Dumilat ako't tumingin sa kaniya. Nakahiga ito sa tabi ko habang hawak-hawak niya ang dulo ng kumot na nakabalot sa kaniyang katawan. Nakatingala rin siya dahil nakaunan ako sa aking isang kamay at bahagyang nakatagilid dito.

"P-Please po, momma?" ani pa nito. Nakikita ko sa mga mata niya na umaasa siyang pagbibigyan ko ang ama nito.

"Hindi kasi gano'n kadali, 'nak. Malalim ang sugat na nagawa ng tatay mo. Hindi ko alam kung kailan iyon maghihilom. Kung wala ka, siguro'y tuluyan nang sumuko si momma sa kaniyang buhay." Isa-isang tumulo ang mga luhang matagal ko ring pinigilang huwag bumuhos.

"G-Gusto kitang bigyan nang isang kompletong pamilya, gusto kong maranasan mo iyong pamilyang masaya at walang dinadalang problema. Gusto ko iyon para sa 'yo dahil hindi ko naranasan iyon pero  ito ang nakatadhana para sa atin, 'nak–"

"B-But papa told me that he loves you. I even saw it in his eyes how much he wanted you to come back. He said, he will do everything to win us back, momma. So, please..." Umiiyak ito na mas lalong nagpaiyak sa akin. "Give him a chance to prove himself. I love you and papa, too."

Wala akong masabi. Mas lalong nanikip ang dibdib ko habang nakikita kong umiiyak ang anak ko. Tumatanda na ito. Naiintindihan na niya ang mga bagay-bagay at alam kong ginagawa lang niya ito dahil gusto niyang magkaroon kami ng kompletong pamilya.

Niyakap ko ang anak ko. Pinatahan ito sa pag-iyak kahit na maging ako'y hindi rin matigil sa pagluha. Muli ko na namang naalala iyong naging pag-uusap namin ni Roman sa restaurant.

"Ask my wife what she wanted."

Narinig ko ang pagsinghap ng iilang malapit sa puwesto namin nang marinig ang sinabi nito. Gusto ko itong suwayin ngunit nang makita ko ang ngiti sa labi niya'y hindi ko na nagawa. Hindi ko maibuka ang bibig dahil sa labis-labis na kaba.

"I-Ikaw na lang ang bahala," sabi ko pagkaraan ng ilang segundo at nang mapansin kong mukhang naiinip na ang waitress.

Hindi nagtagal ay umalis ang waitress nang makuha nito ang order namin. Yumuko naman ako at pinaglaruan ang mga kamay sa ilalim ng mesa. Ayokong iangat ang tingin dahil ayokong nakikita ang mukha nito.

May iilan ding nakatingin sa direksiyon namin. Nagtataka ang iilan ngunit karamihan ay nakataas ang isang kilay. Nararamdaman ko ang mapangmata nilang tingin na mas lalo kong ikinahiya.

WIFE SERIES: The Annulment (Completed) [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon