Chapter 26

5.2K 141 20
                                    

Emilia

"Rowan... 'Wag masyadong makulit," suway ko kay Rowan dahil hindi na nito maitago ang excitement ngayong araw.

Naisipan ko kasing ipasok ito sa isang Public School malapit dito sa lugar. Para na rin mailayo ang atensiyon nito sa ama at hindi ito hanap-hanapin pa. At saka ayaw ko rin na lumaki ang anak kong hindi man lang nakakapag-aral. Magsasampong taon na ito sa susunod na linggo at nasa unang baitang pa rin siya.

"I just can't help it, momma!" Nagtatalon-talon pa ito kaya hindi ko na naibubutones ang kaniyang polo.

"Hayst! Basta 'wag kang makulit at huwag na huwag kang makipag-away," sabi ko sa kaniya. Nang matapos kong maibutones ang kaniyang puting polo, kinuha ko naman ang bag nitong spiderman sa aming kama at isinukbit iyon sa kaniyang balikat.

"I won't, momma! I promised," aniya. Napangiti ako at ginulo ang kaniyang buhok pero sumimangot lang naman ito.

"Tara na, naghihintay na sa atin si tito King mo," sabi ko. Sabay na kaming bumaba pagkakuha ko sa aking bag.

Para masuportahan ko ang pag-aaral ng anak ko, kahit na nasa Public School lang naman ito nag-aaral. Alam kong libre lang pero papaano ang kaniyang baon, mga ibang bayarin at pangangailangan?

Kaya nagpatulong ako kay Andoy na maghanap ng trabaho. Masuwerte ako't nakuha akong waitress sa isang coffee shop malapit sa saloon ni Andoy.

At ngayon din ang unang araw ko sa trabaho.

"Handa na kayo?" tanong ni King nang makababa kaming dalawa ng anak ko.

"Yes po, tito!" hyper na sagot ng anak ko. Nauna na itong maglakad papunta sa labas bitbit ang kaniyang bag sa balikat.

"Kukunin ko lang iyong lunch box niya. Mauna na kayo sa labas," sabi ko kay King na tinanguan lang niya bilang sagot.

Hindi na rin ako naghintay pa't agad na akong pumasok sa kusina. Kinuha ko ang dalawang lunch box doon, iyong isa ay para kay King. Dahil gusto ko na kahit sa ganitong paraan lang ay makakapagpasalamat ako sa kaniya. Maliit lang ito kumpara sa ibang bagay pero alam ko, magugustuhan niya ito.

Lalabas na sana ako nang may  bigla na lang akong maalala.

Papasok na ako sa trabaho, tatlong buwan ang nakalipas matapos akong manganak. Hindi naman puwedeng manatili na lang ako sa bahay kaya kahit mahirap, nangutang ako kay Andoy para sa magiging puhunan ko.

Ito ang unang araw na magtitinda ako sa isang palengke rito sa lugar. Mabuti na lang at mura lang ang renta sa puwesto nakuha ko. Mga gulay, sibuyas, at bawang ang binebenta ko. Kung susuwertihin ay balak kong dagdagan ng karne kapag marami na akong benta.

Kinuha ko na ang bag ko sa kama at saka ako lumabas ng kuwarto. Naabutan ko sa baba si Roman na karga-karga nito ang anak ko at may nakasabit na bimpo sa kaniyang balikat. Magulo ang kaniyang buhok ngunit hindi pa rin naman nababawasan ang guwapo po nitong mukha.

"A-Aalis na ako," paalam ko kaya nakuha ko ang kaniyang atensiyon. Tumingin ito sa akin nang walang emosiyon, ganito naman siya palagi sa araw-araw na pagsasama naming dalawa.

"Have you eaten already?" tanong niya.

"S-Sa isang karenderya na lang ako kakain," sabi ko. Kinakabahan kasi ako dahil sa paraan ng tinging ipinupukol niya. Walang emosiyon at ang bawat pagbigkas niya sa mga salitang sinasabi ay may diin.

Simula nang manganak ako ay hindi na ako nito madalas sigawan. Tanging walang emosiyon at malamig na pakikutungo lang ang ginagawa nito sa akin. Hindi ko siya lubos na naiintindihan pero masaya ako na hindi ko siya nakikitaan ng galit sa anak namin.

WIFE SERIES: The Annulment (Completed) [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon