Chapter 36 - Last Chapter

5.1K 140 15
                                    

Emilia

Tulala akong nakatingin sa kaniya. Nakangiti siya habang minamaneho ang kaniyang kotse papauwi sa aming bahay. Kanina pa ako tahimik at patuloy na pinoproseso ng isipan ko ang mga binitiwan niyang salita sa harapan ng mga puntod ng aking mga magulang.

Hindi ko lubos na maintindihan at ang puso ko'y hindi na rin matigil sa pagtibok nang mabilis. Gusto ko siyang tanungin kung ano ang ibig niyang sabihin ngunit pinangungunahan ako ng kaba.

Kakaibang kaba na matagal ko nang gustong maramdaman. Kaba na hindi takot ang ibig sabihin kundi kasiyahan. Masaya ako dahil sa wakas, sa tagal na panahon akong nagtiis ay mararanasan ko na rin na mahalin pabalik.

Sampong taon ang hinintay ko, umaasa at patuloy na kumakapit kahit na araw-araw niya akong winawasak. Sampong taon ang tiniis ko. Sampong taong nangarap na darating din ang araw na ito.

"Ang tahimik mo yata." Tumingin ako sa labas ng bintana. Madilim na sa labas at ang mga ilaw sa bawat gusali, street lights at ang buwan ang siyang nagsisilbi nang liwanag sa paligid.

"M-May iniisip lang ako," sagot ko.

"Ako ba 'yan?" Mabilis akong napalingon kay Roman na ngayo'y nakangisi na. Ibang-iba sa dating masama kung makatingin sa akin at tila kinasusuklaman ako. Nakangiti siya habang deretso pa rin ang tingin sa harapan.

Napangiti rin ako dahil sa sinabi niya. "Hindi..." ani ko na siyang nagpalaho sa mga ngiti niya. Mas lalo akong napangiti dahil sa pag-iiba ng timpla ng kaniyang mukha. "Ang totoo niyan, iniisip ko si Kristina," may katotohanan kong sabi.

May pangamba pa rin sa puso ko na baka sa mga susunod na araw ay hindi pala ako ang mahal niya.

"What's with her?"

Tumungo ako at bumuntonghininga. "Natatakot lang ako na baka bawiin ka niya sa amin ng anak ko," sagot ko.

Naramdaman ko ang pagtigil ng kotse. Nang tumingin ako sa labas ay nasa tapat na pala kami ng bahay niya. Tumingin naman ako sa kaniya dahil hindi pa rin nito ipinapasok ang kotse at nakatingin din siya sa akin.


"Marami akong pagkakamali at pagkukulang sa inyo ng anak natin. And I won't make any mistakes again, Emilia. This time, I promise that I will never hurt nor leave you."

Nakikita ko sa kaniyang mga mata ang sinseradad sa bawat sa salitang kaniyang binibigkas. Ramdam ko ang kasiguraduhan sa kaniyang sinasabi. Kaya isang ngiti lang ang nagawa ko bago ako tumango at bumaling ng tingin kay Rowan, na mahimbing na natutulog sa mga hita ko.

"Panghahawakan namin ng anak mo ang mga sinasabi mo."

——

Kinabukasan ay nagtaka ako nang wala na si Roman sa tabi ko. Magkatabi na kaming natutulog dahil iyon ang kaniyang gusto.

Tuluyan na rin akong bumangon at sumaglit lang sa banyo upang maghilamos. Mamaya na lang ako maliligo dahil uunahin ko muna ang paghahanda ng agahan namin.

Lumabas ako ng aming kuwarto at naglakad ng ilang hakbang sa pasilyo para marating ko ang kuwarto ni Rowan. Pumasok ako roon at nagtaka ako nang hindi ko ito naabutan sa loob. Hindi ko rin narinig ang lagaslas ng tubig sa kaniyang banyo kaya muli akong lumabas.

Nakakuno ang noo kong bumaba papunta sa kusina pero wala akong naabutan doon. Tahimik.

"Ate, saan po sina Rowan at Roman po?" tanong ko sa kasama namin sa bahay nang pumasok ito sa kusina bitbit ang mga panlinis sa kaniyang magkabilang kamay.


WIFE SERIES: The Annulment (Completed) [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon