Emilia
"Uulitin ko, Emilia. Saan kayo pupunta?" may diin nitong pagkakasabi nang hindi ko siya nakuhang sagutin.
Natigilan kasi ako dahil akala ko'y hindi mapapaaga ang uwi nito. Alas-tres pa lang namang nang hapon kaya nakakapagtaka na ang aga nitong umuwi. Ngunit hindi ko na pala dapat itanong iyon dahil hindi ko naman alam kung ano'ng totoo. Mas mabuti nga iyon na maaga siya nakakauwi dahil marami siyang oras para magpahinga.
"We're going on a party po, papa. My friend invited us to go to his birthday party po. Please, papa, I wanted to go?" Nagulat ako nang si Rowan ang sumagot. Nilapitan pa nito ang ama na walang pag-aalinlangan at saka itinaas nito ang kamay. Tanda na gusto nitong magpabuhat.
"Nak, pagod ang papa mo. H'wag-" Hindi ko na naman naituloy ang gusto kong sabihin nang binuhat ni Roman ang bata.
Naglakad silang dalawa papalapit sa puwesto ko. Tumigil si Rowan sa harapan ko. Kaya nakatingala akong nakatingin sa kaniya dahil mas mataas siya sa akin.
"Wait me here, I'm coming with you." Tumango lang ako at kinuha si Rowan sa kaniya nang iabot niya sa akin ang bata. Hindi naman ito mabigat at sakto lang para makayanan kong buhatin.
Tumabi ako para paraanin siya na agad naman niya akong nilampasan at nagmadali sa pag-akyat sa hagdan.
-
Nang matapos magpalit ng damit si Roman ay agad kaming umalis ng bahay. Malapit lang naman ang bahay ng kaibigan ni Rowan kaya nilakad lang namin ito at saka wala naman kaming kotse para sumakay pa.
Buhat-buhat ni Rowan ang bata habang nakasunod lang ako sa kanila. Nakarating din kami kaagad sa isang simpleng bahay lang na gawa sa semento at may malawak na bakuran. Nasa iisang palapag lang ito at ang bakuran nila ay maraming tao.
"Rowaaaann!" Napatingin kami sa sumigaw at nakita ang isang batang babae na malawak ang ngiti. Mabilis itong nagtatakbo sa amin nang makita niya kami at si Rowan na buhat-buhat ng ama niya'y parang bulate na binudburan ng asin.
"Hi, Alyana. Happy birthday!" masiglang bati ng anak ko at iniabot ang isang paper bag sa batang nagngangalang Alyana.
Jacket ni Rowan iyon na ibinalot lang namin sa paper bag. Hindi pa niya naman ito nagagamit kaya iyong ang pinili niyang iregalo sa kaibigan. Dahil sa hindi kami nakalabas at biglaan din ang pag-imbita nila sa amin dito.
"Salamat. Tara sa loob, nando'n na sila Mikay at Mikoy. Marami kaming inihandang pagkain," sabi ni Alyana at saka hinawakan sa kamay ang anak ko. Nakita ko ang biglaang pamumula ng pisngi ni Rowan dahil sa ginawa ng batang babae.
Agad silang umalis nang tumango ang anak ko at mabilis na nawala sa paningin ko. Napailing na lang ako dahil bigla na lang kaming kinalimutan ng ama pagkakita sa kaibigan at hindi man lang nakuhang magpaalam sa amin. Kung papayagan ba namin siyang maglaro kasama ng mga kaibigan nito.
"Nandito na pala kayo." Naibaling ko ang tingin ko sa nagsalita at nakita ang lalaking nagbigay sa akin ng isda kanina. "Tara sa loob. Sasamahan ko kayo kay Inay."
Agad naman kaming sumunod sa kaniya. Napansin ko pa ang pagbabago ng mukha ni Roman sa tabi ko. Tahimik lang ito ngunit alam kong iba na naman ang iniisip niya. Kaya pinabayaan ko na lang at saka sumunod na lang din sa lalaking naghatid ng isda sa amin.
Pumasok kami sa bahay nila at nakarating sa sala. Kakaunti lang ang mga taong nandito sa loob, hindi katulad sa labas na marami ang bisita.
"Nay, nandito na po ang mga magulang ni Rowan," anito nang makalapit kami sa isang matanda na nakaupo sa sofa habang kumakain ng spaghetti.
BINABASA MO ANG
WIFE SERIES: The Annulment (Completed) [PUBLISHED]
RomanceWIFE SERIES: The Annulment She thought life would be perfect if she marry the man she loved. Pero hindi alam ni Emilia Palmiero na hindi ibig sabihin nang pinakasalan ka ay mahal ka na niya. Hindi porket nabuntis ka nito at pinanagutan ay kaya ka na...