Emilia
Palagi kong tinatanong ang sarili ko noon; kung bakit hanggang ngayon ay nandito pa rin ako? Kung bakit hanggang ngayon ay kumakapit pa rin ako? At kung bakit hanggang ngayon ay umaasa pa rin akong balang araw, mamahalin din niya ako katulad nang pagmamahal na ibinibigay ko sa kaniya noon.
Pero ngayon, lahat ng mga katanungan iyon ay nasagot ko. Kumakapit ako dahil sa anak ko, nandito pa rin ako dahil sa anak ko, at umaasa ako dahil sa anak ko. Lahat ng sakripisyong ginagawa ko ay para sa anak ko.
Gano'n naman ang mga magulang. Kayang gawin ang lahat o kayang ibigay ang lahat kahit mapagod at maubos na sila. Maibigay lang ang makakapagpasaya sa kanilang mga anak.
Kaya kahit nahihirapan na ako, makita ko lang na masaya ang anak ko. Gagawin ko para sa kaniya iyon. Palagi ko naman itong sinasabi at paulit-ulit kong ipinapaalala sa sarili ko.
"Momma, bakit ka po malungkot?" Bumalik ako sa reyalidad nang marinig ko ang boses ni Rowan. Nakatingala itong nakatingin sa akin at malungkot ang ekspresiyong ipinapakita niya.
Ngumiti ako pero hindi iyong ngiting abot hanggang tainga. "Bakit naman ako malulungkot?" Naupo ako at pinantayan ang anak ko. Hinawakan ko ang kaniyang magkabilang pisngi at marahan ko iyong hinahaplos-haplos.
"Eh, kasi po. Mag-wo-work na si Papa. That's why you are sad," aniya at nilingon ang ama nitong nakatayo lang sa tabi.
Nakasuot na ito ng uniporme niya. Isang three pieces suit na bumagay sa kaniya at nagmukha siyang modelo ng mga formal attire. Lunes ngayon ay may trabaho na siya. Kaya heto kami ng anak niya sa kaniyang harapan dahil magpapaalam na itong aalis na siya.
"Masaya ako, 'nak. Nandiyan ka naman, eh. At saka, babalik din si Papa mo kaya hindi dapat tayo malungkot."
"Tama po! Hindi dapat tayo malungkot because he's doing this for us. 'Di ba po, Papa?" tanong ni sa ama kaya unti-unti kong inangat ang tingin ko at nagkasalubong ang mga mata naming dalawa.
Wala akong nakikitang ekspresiyon sa kaniyang mukha. Hindi ko alam kung masaya ba siya o hindi.
"Yes, son. Kaya dapat alagaan mo ang mama mo. I'll be back as soon as my work is done," sagot nito nang ibaling na niya ang tingin sa anak.
Ngumiti lang si Rowan dito at mabilis na nilapitan ang ama. Niyakap niya ito sa binti dahil hindi pa naman abot ng bata ang baywang ni Roman. Binuhat naman ito ng ama gamit ang kaniyang iisang braso. Tumayo na ako sa pagkakaupo nang naglakad sila papalapit sa puwesto ko.
"Alagaan mo ang bata." Tumango lang ako at kukunin na sana sa kaniya si Rowan pero yumakap ito sa leeg ng ama.
"Rowan." Tinignan ko ito pero umiling-iling at bigla akong napasampal sa noo ko dahil hindi ko maintindihan ang batang 'to. "Aalis na si Papa mo, halika na. Tayo na lang ang maglalaro," sabi ko at aakmang kukunin ngunit sumiksik ito sa leeg ni Roman at mas lalong humigpit ang pagkakayakap niya rito.
"You should kiss Papa first before I let him go." Bigla akong naestatwa sa kinatatayuan ko dahil sa sinabi nito. Napatingin ako kay Roman na hanggang ngayo'y wala pa ring reaksiyon sa kaniyang mukha.
"S-Sabihan mo iyong bata," bulong ko rito. Alam kong narinig nito ang sinabi ko pero hindi man lang ito natinag kahit pinandilatan ko na ng mga mata.
"Young man, listen to your-"
"No! I saw Alyana's parents. When her Papa go to work, her mom kissed him first." Nagmamatigas talaga ang batang 'to kaya wala akong nagawa kundi ang mabilis siyang kunin sa ama nito.
BINABASA MO ANG
WIFE SERIES: The Annulment (Completed) [PUBLISHED]
RomanceWIFE SERIES: The Annulment She thought life would be perfect if she marry the man she loved. Pero hindi alam ni Emilia Palmiero na hindi ibig sabihin nang pinakasalan ka ay mahal ka na niya. Hindi porket nabuntis ka nito at pinanagutan ay kaya ka na...