Emilia
Gabi na nang magsiuwian ang mga bisita ni Rowan. Kaya nakakahinga na ako nang maluwag. Kanina pa kasi ako kinakabahan, natatakot ako'ng baka makagawa ako nang mali at makarinig pa nang masasakit na salita. Ayokong masira ang espesiyal na araw ng anak ko. Kaya kahit na gusto nang lumabas ng puso ko sa aking didbib dahil sa kaba, tiniis ko hanggang sa matapos ang okasiyon.
Naririto pa rin naman kami ni Rowan sa bahay ni Roman. Gusto ko nga sanang sumama kay Andoy kanina para makauwi na kami sa bahay ni King pero bantay sarado si Roman. Nang matapos niya kaming ipakilala sa marami bilang pamilya niya, hindi na ako nito nilubayan. Napanatag naman ang loob ko dahil doon. Pakiramdam ko'y kapag nasa tabi ko si Roman ay ligtas ako sa lahat.
Sa lahat nang mapanghusgang tingin, sa mga taong ayaw sa akin at sa kahit na anong kapahamakan. Maging ang kakaibang tingin na ipinapakita ni Kristina sa akin ay nakalimutan ko, nawala 'yun sa aking isipan.
"Hon, kumain ka na?" Napatingin ako sa dereksiyon ni Roman. Kakababa lang nito mula sa hagdan at nakapagpalit na rin nang damit pangbahay. Kahit na ano'ng suotin nito ay bagay na bagay sa kaniya.
Umiwas ako ng tingin dahil napatagal yata ang pagtitig ko sa kaniya. Nakasuot lang ito ng sanding kulay abo at maikling shorts.
"Nasaan ang anak ko?" tanong ko, hindi ko pinansin ang naging tanong nito. Ayokong malaman niya na parang musika sa pandinig ko ang bawat pagtawag nito sa akin.
Nagulat ako nang maupo ito sa tabi ko, nakaupo ako sa may mahabang sofa. Napansin ko rin ang pagtitig nito sa akin at ang ngiti niyang hindi na nawawala pa kanina pa.
"He's tired kaya nakatulog na sa kuwarto niya. Ikaw hindi ka pa ba pagod? Puwede na tayong matulog," anito gamit ang malumanay at may halong lambing ang boses. Kaya hindi na naman maipaliwanag ang kabang nararamdaman ko sa mga oras na 'to.
"Bakit ka biglang nagbago?" lakas loob kong tanong. Ito rin siguro ang magandang pagkakataon para itanong sa kaniya ang lahat ng iba pang katanungan na matagal nang nasa isipan ko.
Kung mahal niya ako, bakit iba siya kung makitungo noon sa akin? Bakit pakiramdam ko'y ni katiting na porsiyento'y hindi ko maramdaman ang pagmamahal sa kaniya. Bakit noong may mangyari sa amin ay ibang pangalan ang binanggit nito? Ang dami kong tanong na gumugulo sa akin hanggang ngayon.
"W-What do you mean?" Napasinghap ako nang bigla nitong ipulupot ang braso sa baywang ko't hinapit ako papalapit sa kaniya. "You can ask me anything, Hon."
Hinawakan ko ang kamay nitong nasa baywang ko at inalis iyon doon. Tuluyan akong tumagilid at humarap sa kaniyang dereksiyon. Nakikita ko ngayon ang Roman na una kong nakilala, may kislap sa kaniyang mga mata at wala na 'yung galit na hindi ko alam kung saan noon nagmula.
"B-Bakit gano'n mo ako itrato noon kung talagang mahal mo ako?" deretsahan kong tanong na siyang ikinatigil nito. Napansin ko ang pagbuntong hininga niya bago mabilis na kinuha ang mga kamay ko't mahigpit niyang hinawakan.
"I wasn't mad at you..." Deretso ang tingin nito sa mata ko. Ramdam ko ang sinseradad sa kaniyang boses. "I was jealous that time, that I couldn't forget what I saw. Pumunta ako noon sa palengke kung saan ka nagtitinda, it was your birthday. Pero nang dumating ako ay kasama mo iyong putanginang King na 'yun. I really wanted to surprise you that day pero pinangunahan ako ng selos."
Biglang bumalik sa aking alaala ang araw na 'yun, birthday ko noon at pumunta si King sa puwesto ko para bigyan ako ng mga bulaklak at tsokolate. Naging matalik na kasing magkaibigan ni King kaya niya ako binigyan niyon. At, hindi ko alam na nakita pala iyon ni Roman na naging dahilan kung bakit halos araw-araw na lang akong nakakatanggap nang masasakit na salita galing sa kaniya.
BINABASA MO ANG
WIFE SERIES: The Annulment (Completed) [PUBLISHED]
Roman d'amourWIFE SERIES: The Annulment She thought life would be perfect if she marry the man she loved. Pero hindi alam ni Emilia Palmiero na hindi ibig sabihin nang pinakasalan ka ay mahal ka na niya. Hindi porket nabuntis ka nito at pinanagutan ay kaya ka na...