Chapter 28

5.1K 150 25
                                    

Emilia

Nakasandal ito sa kaniyang mamahaling kotse at nakalagay sa kaniyang mga bulsa ang magkabilang kamay. Nakatingin ito sa direksiyon ko at hindi ko rin maialis ang tingin sa kaniya.

Alam kong marami siyang damit na suot pero hindi niya kailangan magpalit-palit. Kanina ay nakapolo ito, ngayo'y nakasuot na lang siya ng collared t-shirt at may suot pang shades sa mga mata.

"Momma!" Naibaling ko ang tingin sa anak kong nakasuot ng school uniform. Mabilis ko itong pinantayan.

"B-Bakit kasama mo 'yan, Rowan?" tanong ko.

Ngumiti ito sa akin. "He's my papa, Momma. It's normal that he was with me," aniya. Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa sagot niya. Sarkastiko kasi ito at katulad ng kaniyang ama ay nakangisi na siya.

"I heard that–"

"Hindi ikaw ang kausap ko at saka saan mo narinig?" mabilis pa sa alas-kuwatro kong sagot. Sa kaniya na ako tumingin at tila isang tuta ito na nawala ang ngisi at napalitan ng takot.

"Momma, why are you treating pala like that po ba? He's here because he was sorry for what he had done," sabi ng anak ko. Para itong matanda sa kaniyang sinasabi kahit na siyam na taong gulang pa lang ito.

"I-I'm sorry," mahinang sabi ni Roman. Umayos na ito ng tayo at yumuko.

"Mabuti pa, kumain na lang tayo. I know you guys are hungry?" Binasag ni King ang tension sa sinabi nito. Kaya tumango lang ako rito.

Hinawakan ko sa kamay si Rowan at sumunod kami kay King na lumapit sa kaniyang kotse. Binuksan nito ang pinto at papasok na sana kami ngunit mabilis kaming napigilan ni Roman.

"Saan mo dadalhin ang pamilya ko?" malamig na tanong nito. Kaya sabay-sabay kaming lumingon sa kaniya.

Masama itong nakatingin sa amin, o kay King lang?

"Kung mang-iistorbo ka lang, umuwu ka na. Marami pa kaming gagawin," ako na ang sumagot. Kahit na may biglang kumirot sa dibdib ko ngunit hindi ko iyon pinansin.

Natutuwa ako na marinig sa kaniya ang mga bagay na iyon. Pamilya niya raw kami? Pero ni hindi niya nagawang magpakatotoo sa amin ng anak niya. Matatanggap ko pa sana kung mas napaaga ang katotohanan pero sampong taon? Hindi ko alam.

"Pre, hayaan mo na–"

"Shut up! They're my family. Kaya huwag kang makialam sa amin." Nagtangis ang bagang nito at ramdam ko ang tila kuryenteng dumadaloy sa kaniyang mga mata.

Kinakabahan na ako. Wala namang mga tao rito ngunit ayaw kong baka rito pa sila magsuntukan. Hindi ko kakayanin na awatin silang dalawa.

"M-Momma, let papa come with us po?" Nawala ang atensiyon ko kay Roman na nanlilisik ang mga matang nakatingin kay King. Ibinaling ko ang pansin sa anak ko. "I don't want them to hurt each other po," sabi pa nito.

Napahugot ako nang malalim na buntonghininga at saka ako muling lumingon kay Roman.

"Kung gusto mong sumama. Sumama ka na. Ayaw kong magkagulo pa kayo rito," mahinahon kong sabi. Nakita ko ang pagliwanag sa kaniyang mukha at mabilis na nilapitan ang anak ko. Binuhat niya ito at bumalik sa kaniyang kotse ngunit agad ding bumaling ang tingin niya sa akin.

"Why are you still standing there? Sa akin ka sasakay." Nanlaki ang mga mata ko at agad akong umiwas ng tingin. Nag-init ang magkabila kong pisngi dahil sa sinabi niyo. Iba kasi ang pagkakaintindi ko.

"Sa kotse ako ni King sasakay. Sa Andy's Saloon lang tayo." Mabilis akong sumakay sa front seat ng kotse nang mabuksan ko ito.

Pumikit ako't umiling-iling. Emilia, 'wag mong intindihin ang sinabi nito! Suway ko sa sarili ngunit hindi mawala sa isipan ko iyong sinabi ni Roman.

WIFE SERIES: The Annulment (Completed) [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon