Chapter 35

5K 132 16
                                    



Emilia

"'Nak, ano sa tingin mo? Ayos na ba itong suot ko?" tanong ko kay Rowan na kanina pa ako pinagmamasdan, nakaupo siya sa kama habang nakahawak siya sa kaniyang baba. Para siyang matanda na kung mag-isip nang malalim. Kaya napangiti ako ng hindi ko man lang namamalayan.

Nakasuot ako ng simpleng off shoulder dress na hanggang ibaba ng tuhod ang haba. Natuto rin akong maglagay ng light make up dahil sa kaibigan kong si Andoy. Bagsak at nakalugay naman ang mahaba kong buhok na hanggang sa aking siko.

"Kahit ano po ang isiuot niyo, Momma. You're indeed beautiful," sagot niya. Lumapit ako rito at kinurot siya sa magkabilang pisngi na siyang ikinangiwi niya. Sumimangot siya nang bitiwan ko na ang mga matataba niyang pisngi.

"Napakabolero mo, manang-mana ka sa Papa mo!"

"Our son is just saying the truth, Hon. Your beauty is breathtaking." Napairap ako nang pumasok si Roman sa eksena. Galing siya sa labas dahil may dumating na delivery kanina at siya na ang nag-volunteer na kumuha dahil para naman daw iyon sa kaniya.

"E-Ewan ko sa inyong dalawa." Namumula ang pisngi ko dahil sa mga ngiting ibinibigay nila. Nilapitan ako ni Roman at agad na ibinalot ang isa nitong braso sa baywang ko at hinila ako papalapit sa kaniya. Hinalikan niya ako sa pisngi bago siya humiwalay at kinuha na ang susi ng kaniyang kotse.

"Let's go. They're waiting for us." Tumango lang kami sa sinabi ni Roman at agad ko nang nilapitan si Rowan. Hinawakan ko siya sa kamay at sabay-sabay na kaming lumabas sa kuwarto namin ni Roman.

Tatlong araw na rin ang nakalipas nang kausapin ako ng Mama ni Roman. At, sa loob ng tatlong araw na 'yun ay wala akong ginawa kundi ang pilitin si Roman na bumisita sa kaniyang mga magulang. Nagtataka ito sa akin noong una pero sinabi ko naman ang totoo, na pumunta rito ang kaniyang Ina upang humingi sa akin ng tawad.

Hindi naman mahirap magpatawad. Siguro nga'y naririto pa rin iyong mga alaala nang mga nangyari pero hindi ibig sabihin nun ay mananatili na lang ako roon. Kailangan mo ring magpatuloy at magsimula ng bago. At pagpapatawad ang pinakaunang hakbang para unti-unting maghilom iyong sugat na gawa ng kahapon mong pagkakabagsak.

Kaya mahalaga ang araw na 'to dahil sa wakas ay napapayag ko na siyang pumunta kami sa kanilang bahay, sa bahay mismo ng kaniyang mga magulang. Sakay na kaming tatlo ng kotse ni Roman. Sa harapan kaming dalawa ni Rowan naupo dahil ayaw niya sa likod kasi wala siyang kasama. Kaya kandong-kandong ko siya habang nakatingin sa labas ng bintana ng kotse.

"Mababait po ba ang grandparents ko, Momma? I didn't see them on my birthday po kasi," biglang tanong ni Rowan, nakatingala na ito sa akin at tila ba sabik na sabik malaman ang mga sagot ko.

"They're kind, especially my dad. He loves kids. Nang malaman nga nitong magkakaroon ako ng anak sa Momma mo, he's really happy and excited to see you. He even gave you a present every holiday and on your birthdays," ang sagot ni Roman bigla. Nagulat ako dahil hindi ko alam ang mga bagay na 'yun, dahil ang buong akala ko'y kinamumuhian ako ng mga magulang niya dahil sa isa akong ulilang lubos at mahirap pa.

"P-Pasensiya na, hindi ko alam ang tungkol doon," sabi ko at umiwas ng tingin kay Roman.

"It's not that big deal, hon. Kasalanan ko rin naman kung bakit hindi ko ipinapaalam sa 'yo ang mga 'yun." Lumingon ako sa kaniya at ngumiti. Napangiti rin ito at itinuon na ang atensiyon sa daan.

Marami pang tanong si Rowan tungkol sa Lolo't Lola niya. Maging ang mga magulang ko'y itinanong niya at sinabi ko naman ang totoo na nasa langit na sila. Napagod din ito kakatanong at nakatulog habang kandong ko. Kahit nahihirapan ako dahil lumalaki na siya'y tinitiis ko na lang.

WIFE SERIES: The Annulment (Completed) [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon