Chapter 14

4.3K 139 14
                                    

Emilia

"Bakla! Nasaan ka ba? Ba't walang paramdam, 'te? Nagkalimutan na?" Natawa ako dahil sa sinabi ni Andoy. Nang sagutin ko ang tawag nito.

Naririto pa rin ako sa kubong pinupuwestuhan namin at ang mga kasama ko'y nasa tabing dagat pa rin at naglalaro. Aalis na sana ako kanina para pumunta sa kanila ngunit tumawag ito. Kaya wala akong nagawa kundi sagutin at saka, naalala kong hindi pala ako nagpaalam sa kaniya na may pupuntahan kami.

"Nasa isang isla lang ako, Doy. Kumusta ka?" sagot ko at tanong na rin sa kaniya.

"Aba naman, friend! Ano ginagawa mo riyan at bakit ka napadpad sa isang isla? Lumayo ka ba sa asawa mo?" Muli akong tumawa dahil sa boses nito. Iyong parang maarteng senyorita sa isang telenovela pero ang itsura at pustura ni Andoy ay lalaking-lalaki.

"Hindi. Isinama kami rito dahil dito siya nagtatrabaho."

"Isinama?! Nagpapakatanga ka na naman? Akala ko ba'y makikipaghiwalay ka na?" Napansin kong nakatingin si Roman sa puwesto ko nang tumingin ako sa kanilang direksiyon.

"B-Bumabawi lang siya sa bata, Doy. At saka dalawang buwan lang naman kaming mananatili rito. Pagkatapos ng lahat ay aalis na kami ng anak ko," sagot ko sa kaniya.

"Mabuti naman at naiisip mo pa 'yan. Mag-iingat kayo riyan at kung magkaroon man nang problema ay 'wag kang magdadalawang-isip na tawagan ako," sabi nito sa kabilang linya.

"Salamat," ang tanging naisagot ko at hindi ko namalayan na nakalapit na si Roman sa kubo. "Sige, Doy. Asikasuhin ko na muna sila."

Hindi ko na hinintay pa ang pagsagot nito. Dahil agad kong nang ibinaba ang tawag at humarap kay Roman. Ngunit agad din akong umiwas dahil sa itsura nito. Nakasuot ito nang polong asul na nakabukas lahat ng butones at lantad na lantad ang maganda niyang hubog.

"Who's that?" tanong nito at ramdam ko ang diin sa boses nito.

"Ah, s-si Andoy. Nangangamusta lang," sagot ko sa kaniya.

"May balak ba siyang kunin kayo rito?" Muli akong napatingin sa kaniya dahil sa tanong nito. Hindi ko mabasa ang mga mata niya dahil nakasuot na ito ng sun glasses ngunit nakikita ko ang magkasalubong niyang kilay.

"Hindi alam ni Andoy ang lugar na 'to at saka, kaibigan ko iyon. Natural lang na tatawag siya sa akin dahil nag-aalala," sagot ko sa kaniya. Tinapangan ko rin ang pakikipagtitigan dito para alam nitong nagsasabi ako ng totoo.

"Mabuti naman, Emilia. Because if he tried to get you and my son here. I won't allow him. Dahil hindi pa man siya nakakaapak sa pantalan ay lulunurin ko na siya dagat."

Naestatwa ako sa kinauupuan ako at hindi man lang nakasagot sa sinabi niya. Dahil agad ako nitong iniwan at bumalik sa mga bata na binabantayan ni nanay Asunta.

Naikuyom ko ang mga kamao ko dahil sa biglang pagsalakay ng inis sa katawan ko. Isang matalim at nakakamatay na tingin lang ang nagawa kong isunod sa kaniya. Kung maaari lang na pukpukin ang ulo nito ng bato ay matagal ko nang ginawa.

Bakit ba ang hirap sa kaniyang intindihin iyong sinabi ko?

"Momma, let's play!" sigaw ng anak ko habang papalapit ito sa akin.

Kaya inayos ko ang itsura kong nakabusangot at saka tumayo mula sa pagkakaupo. Sinalubong ko ito ng ngiti at lumapit din sa kaniya. May dala-dala itong bola sa kaniyang kamay.

"Let's play beach volleyball po!" sabi nito habang itinataas ang hawak niyang malaking bola na stripes. Iyong magaan lang ito na bola, hindi katulad ng mga bola ng volleyball at basketball.

WIFE SERIES: The Annulment (Completed) [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon