Emilia
Hindi ko siya nagawang batiin nang magtuloy-tuloy itong pumasok sa loob. Kaya wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kaniya pagkatapos kong isara muli ang maliit na gate nitong bahay ni Roman. Sinundan ko ang ina ni Roman sa living room nitong bahay. Naabutan ko itong inililibot ang kaniyang paningin sa loob habang nakaupo sa pahabang sofa. Ang kaniyang mamahaling bag ay nakapatong naman sa center table na gawa sa glass.
Napakaganda niya sa suot na damit. Sumisigaw ang karangyaan. Isang mayamang babae, maarte at sa unang tingin pa lang ay alam mo nang masungit siya. Kaya napahigpit na ang hawak ko sa laylayan ng suot na damit dahil sa kaba at takot.
Ano'ng ginagawa niya rito? Balak ba niya akong sabihan na layuan si Roman? Wala siyang pinagkaiba sa mga mayayamang pamilya na gagawin ang lahat, makuha lang ang kanilang gusto. At, kung iyon man ang gagawin niya'y hindi na ako makakapayag sa pagkakataong ito. Ngayong alam ko na ang lahat, alam ko nang may panghahawakan ako . Hinding-hindi na ako matatakot na ipaglaban ang kung ano man ang dapat na sa akin.
"A-Ano pong gusto niyong maiinom?" tanong ko rito nang mapansin kong hindi pa rin siya nagsasalita. Nakuha ko naman ang kaniyang atensiyon. Kaya lumingon ito sa dereksiyon ko't nakataas ang kaniyang kilay.
"Tama ba na kausapin mo ako sa likuran ko? And I don't want anything, just sit here. We have something to talk," sagot niyang mas dumoble pa yata sa kabang nararamdaman ko. Sa sinabi niyang iyon, alam ko na agad kung ano ang pakay niya. Alam ko na kaagad kung bakit siya naririto; iyon ay ang paghiwalayin kami ni Roman.
Nagtagumpay nga siyang sirain kami ni Roman, magmula pa noon. Ngunit wala ring saysay iyon dahil bumalik pa rin sa akin ang anak niya. At, alam kong sa pagkakataong ito ay may gagawin na naman siya na alam kong ikakasira naming dalawa ni Roman. Kaya kahit ano'ng mangyari, sa abot nang makakaya ko ay ipaglalaban ko na ang kasal namin.
Bilang respeto na rin ay sinunod ko ang gusto niya. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa harapan ng mga sofa at naupo sa isang single na sofa. Ipinatong ko rin ang dalawang kamay ko sa aking magkadikit na mga hita at nakayuko lang.
"K-Kung balak niyo pong paghiwalayin kami ni Roman. Pasensiya na po kayo dahil sa pagkakataong ito'y hindi niyo na po iyon magagawa pa." Katahimikan ang sumunod at ilang sandali lang ay narinig ko ang mahihina niyang pagtawa.
Kaya marahan kong inangat ang ulo ko mula sa pagkakayuko at tumingin kay Amanda Garces, ang ina ni Roman. May hawak na itong pamaypay sa kaniyang kanang kamay at ginagamit iyon upang takpan ang bibig mula sa pagtawa. Lahat ng kilos niya'y maarte kaya hindi na nakakapagtaka pa iyon.
Pero ang gumugulo sa isipan ko'y kung bakit siya tumatawa? May nakakatawa ba sa sinabi ko? Alam kong mahirap silang kalaban lalo pa't isa akong ulila, walang natapos at mahirap. Tanging ang anak ko na lang at mga kakilala ang kinakapitan ko upang magpakatatag. Kaya kahit wala akong kakayahang lumaban pagdating sa kayamanan, alam kong may laban ako dahil kahit bali-baliktarin ang mundo ay ako ang pipiliin ng pamilya ko.
"B-Bakit po?" tanong ko pagkaraan ng ilang segundo. Kaya tumigil naman siya sa pagtawa at tumingin sa akin. Ganoon pa rin ang awra nito, mayabang dahil may ipagmamayabang, maarte at masungit. Ngunit ngayo'y may kakaiba na sa kaniyang tingin. Tila ba isang pangungulila ng ina. Nararamdaman ko iyon lalo pa't isa rin akong ina katulad niya.
"I didn't know na katulad mo pala ang tipo ng anak ko," aniya. Hindi ko siya lubos na maintindihan kaya tumahimik ako at nakatuon lang ang pansin ko sa kaniya. "You were lucky because he loves you, samantalang ako na kaniyang ina. Kinamumuhian niya ako for everything I've done."
Natigilan ako ng magsimula itong umiyak. Hindi ko magawang tumayo upang kumuha man lang ng tissue dahil nakita ko siyang may hawak na ng panyo. Pinupunasan niya ang kaniyang mga luha. Ramdam ko ang hinagpis ng ina ni Roman. Tama nga ang nararamdaman ko kanina, na nangungulila siya sa kaniyang anak. Gustohin ko mang aluhin siya ngunit hindi ko alam kung papaano ko iyon gagawin. Natatakot ako na baka saktan niya ako o 'di kaya'y itulak na lang ng walang dahilan.
"I know I've done so much in you, Emilia. Kung hindi lang ako pinigilan ng asawa ko noon, baka matagal na kayong nasira ng anak ko. I-I'm really sorry." Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko't kusa na akong tumayo't lumapit sa kaniya. Naupo ako sa tabi nito at nagulat ako nang yakapin niya ako nang mahigpit. Kaya wala akong nagawa kundi ang haplusin ang kaniyang likuran upang patahanin siya mula sa pag-iyak.
"N-Naiintindihan ko po ang lahat ng ginawa ninyo. Katulad ninyo, isa rin akong ina na gagawin ang lahat mapabuti lang ang anak ko. Ang ginawa niyong pagprotekta kay Roman ay hindi masama, natatakot lang kayo na baka walang marating ang anak niyo sa hinaharap. Pero sa susunod po, hayaan mong pumili si Roman sa kung ano ang gusto niya. Kailangan niyo lang pong gawin ay suportahan ang anak niyo sa gano'ng bagay."
Kumalas siya ng dahan-dahan mula sa pagkakayakap sa akin. Kaya lumayo ako nang kaunti dahil bigla akong nahiya sa itsura ko. Gano'n pa rin ang kaniyang mga mata, may mga mumunting luha pa rin doon ngunit mabilis din naman niya itong pinunasan.
"Roman did choose well. I-I'm sorry," sabi niya. Hindi na ganoon ang boses nitong mapangmata. "C-Can I ask a favor?"
Ngumiti ako. "Sa abot po ng makakaya ko," sagot ko. Tumingin siya nang derekta sa aking mga mata. Ngayon ko lang napansin na pareho sila ng mga mata ni Roman ngunit magkaiba naman sila ng personalidad. Sa tingin ko kasi ay namana ni Roman sa ama ang halos lahat ng kaniyang ugali.
"G-Gusto kong magkaayos kami ng anak ko. P-Please, help me."
"Gagawin ko po ang makakaya ko," mabilis kong sagot sa kaniya kaya nakita ko naman ang isang ngiti sa kaniyang labi.
--
Gabi na at kakatapos lang naming kumaing tatlo. Kakatapos ko lang ding maligo nang maabutan ko si Roman sa loob ng kuwarto kung saan ako natutulog. Wala siyang pang-itaas na damit at tanging isang loose pajama na kulay abo lang ang suot. Nakaupo siya sa kama at nakasandal sa headboard ng kama habang may hawak libro sa kaniyang kaliwang kamay, nakasuot din siya ng reading glasses.
"A-Ano'ng ginagawa mo rito?" kinakabahan kong tanong.
Nakuha ko ang atensiyon niya. Dahan-dahan niyang inangat ang tingin sa akin at kinabahan ako sa kakaibang paraan ng kaniyang tingin. Isang manipis na pampatulog naman ang suot ko sa mga oras na 'to. Mabuti na lang din at nakasuot na ako nang lumabas ako ng banyo. Ngumiti si Roman na siyang mas lalo ko pang ikinakaba. Inilagay niya ang librong binabasa kanina sa side table at bumaba siya sa kama.
"L-Lumabas ka, m-matutulog na ako," sabi ko ngunit parang wala siyang narinig nang dahan-dahan siyang naglakad papalapit sa akin. Malalaki ang hakbang na ginawa niya kaya hindi kaagad ako nakaatras at naabuta niya ako. Mabilis niyang ipinulupot ang kaliwang braso sa aking baywang at hinapit niya ako papalapit.
Naramdaman ko ang pag-ihip ng hangin mula sa bintana, nakabukas kasi iyon, ngunit hindi ko halos iyon napagtuunan ng pansin. Dahil ang tibok ng puso ko'y hindi ko na mahabol sa sobrang bilis. Lalo na ngayon na ang lapit ni Roman sa akin. Ang braso niya'y nakapulupot sa aking baywang at nararamdaman ko ang hininga nito sa aking leeg.
"Ang bango naman ng asawa ko," aniya gamit ang malalim na boses na tumagos sa aking dibdib. Hindi ako makatingin sa kaniya ng deretso dahil sa sobrang lapit ng kaniyang mukha sa akin. "Puwede ba akong tumabi sa 'yo, mahal ko?"
"M-Matulog na tayo," ang tanging naging sagot ko. Ayaw ko nang makipagtalo pa. Para saan pa kung siya pa rin naman ang masusunod sa huli? Kaya wala akong nagawa kundi itabi siya sa pagtulog nang gabing 'yun.
*****
Charan! Nag-update na ako. Malapit na rin naman kasi ang wakas nito. Huhu! Thank youu 15k reads!
BINABASA MO ANG
WIFE SERIES: The Annulment (Completed) [PUBLISHED]
RomanceWIFE SERIES: The Annulment She thought life would be perfect if she marry the man she loved. Pero hindi alam ni Emilia Palmiero na hindi ibig sabihin nang pinakasalan ka ay mahal ka na niya. Hindi porket nabuntis ka nito at pinanagutan ay kaya ka na...