Chapter 21

5K 144 34
                                    

Emilia

Dalawang araw ang lumipas at wala namang nagbago sa amin. Minsan, hindi ko na maintindihan ang takbo ng isip ni Roman. Tuluyan na kasi itong bumabalik sa dati, sa kung papaano ko s'ya nakilala noon sa bar. Iyong Roman na mapagbiro, madaldal at higit sa lahat ay palagi na siyang nakangiti.

Tuwing umaga, mas maaga pa itong nagigising sa akin at naabutan ko na lang siya sa kusina. Minsan ay siya na rin ang nagdidilig sa mga halaman ko sa labas at naglilinis sa bahay.

"Sa Lunes na ang pasok ni Rowan. Gusto mo bang ihatid ko siya bago ako pumunta sa trabaho?"

Ito pa ang isa sa mga nakakapanibago sa kaniya. Sa tuwing may gusto ito, tinatanong na muna niya ako bago siya gagawa ng desisyon. Kaya ang kaba ko noong nakaraang araw ay hindi na mawala-wala. Maging ang isip ko ay naguguluhan na rin sa ipinapakita niyang pakikitungo sa amin, sa akin.

Nalaman na rin niya ang pagpapa-enroll ko kay Rowan sa isang public school. Akala ko ay magagalit ito at pipigilan ako ngunit aniya'y sabihin ko lang sa kaniya kung kailangan namin ng pera para sa mga gastusin. Natuwa rin ito dahil pag-aaralin ko ang bata.

"Huwag ka nang mag-abala pa. I-Ihahatid siya ni Agatep," sagot ko at nagbago naman ang timpla ng mukha nito.

"Who's Agatep?" mariin niyang tanong.

"Iyong anak ni nanay Asunta."

"I don't like his name," mabilis niyang sagot. Umiwas ako ng tingin nang masama itong tumingin sa akin. "Stay away from him, Emilia."

"M-Mabait naman s'ya. At saka, ihahatid lang naman si Rowan."

"Kasama ka?" Tumango ako. Hindi ko puwedeng iwan ang anak ko lalo pa't bago lang kami sa bayan na 'to. Baka kung mapano pa ito kapag hinayaan ko siyang mag-isa. Kahit na kasama pa nito si Alyana, hindi pa rin ako kampante dahil mga bata lang iyon.

"H-Hindi ko puwedeng iwan si Rowan," sagot ko pa. Humarap ako sa kaniya ngunit siya naman ang umiwas ng tingin.

"J-Just don't let other guy near you."

"Hah?" naguguluhan ko na sabi. Dahil hindi ko siya marinig. Mahina ang boses nito at parang bumubulong lang.

"N-Nothing... Kumain ka na, aalis na ako. Take care," sabi nito at kumunot ang noo ko nang mabilis itong umalis sa harapan ng hapag. Nakakapagtaka dahil kakaibang Roman ata ang kasama namin sa bahay. Gustuhin ko mang itanong kung bakit siya nagbago ngunit hinayaan ko na lang.

Kahit papaano ay nakikita ko ang unti-unting pagbabago niya. Pakiramdam ko'y unti-unti ring nawawala ang galit sa kaniyang puso. Ipinapanalangin ko na lang na balang araw, tuluyan nang maglaho kung ano mang galit ang mayroon siya sa akin.

Inabala ko na ang sarili ko sa paglilinis. May pasok ngayon si Roman kaya ako na lang ang mag-isang naiwan sa bahay. Si Rowan naman ay pagkatapos nitong kumain ay agad na pumunta sa kina nanay Asunta. Pupunta raw kasi sila sa bukid para manguha ng prutas. Gusto ko sanang sumama ngunit mas marami pa pala akong gagawin sa bahay.

Kaya nang matapos ako sa pagwawalis sa sala ay umakyat naman ako at pumasok sa kuwarto namin ni Roman. Hindi naman makalat dito pero marami na kaming damit na hindi na nalalabhan. Lumapit ako sa basket na naglalaman ng mga maruruming dumit ngunit natigilan ako nang mag-vibrate ang cellphone ko sa bulsa.

"Hello?" sagot ko nang hindi tinitignan kung sino ang tumatawag.

"Shit! Emilia?" Agad kong nabosesan ang nasa kabilang linya.

"R-Roman?" mahina kong sagot. Hindi ko alam kung bakit pero nagulat ako. Nagulat ako kung papaano niya nakuha ang number ko at kung bakit ito napatawag sa akin. Noon kasi ay kahit minsan lang, hindi ako nakakatanggap ng tawag mula sa kaniya o 'di kaya'y text message.

WIFE SERIES: The Annulment (Completed) [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon